Monday, October 31, 2005

Butterfly Kisses

Copied some Mp3's from COB... one of the songs copied was Butterfly Kisses. I really don't have any Idea what this song is about; most mp3's I listen to are under the rock and alternative genres. I only listen to slow music when I feel like it.

So I was browsing along the list of songs COB copied for me and the song Butterfly Kisses got my attention... so I played it... slow orchestrated melody... simple tune but the meaning of the song somehow touched me...

Even though I yet have a family of my own, the feeling of knowing and loving someone for very long time with memories that would fill even the vastness of the universe correlates to the meaning of the song.

I remembered at my sister's wedding, as she prepared to walk along the aisle towards the altar you can see the happiness in her eyes... at first I felt nothing special... just like all weddings I attended. But as the music starts... Choirs started singing.... and she slowly walks... everything seems to freeze.... memories of all the joys and troubles we experienced started pouring in... I can feel my lips getting dry... my eyes getting damp... my sister is leaving and I'm going to miss her...

Anyway here are the lyrics of the song.

Butterfly Kisses

There's two things I know for sure
She was sent here from heaven and she's Daddy's little girl
As I drop to my knees by her bed at night
She talks to Jesus and I close my eyes
And I thank God for all of the joy in my life
Oh, but most of all for..

Butterfly kisses after bedtime prayer
Stickin' little white flowers all up in her hair
"Walk beside the pony Daddy, it's my first ride
I know the cake looks funny Daddy but I sure tried"
Oh, with all that I've done wrong, I must have done something right
To deserve a hug every morning and butterfly kisses at night

Sweet sixteen today
And she's lookin' like her mamma a little more every day
One part woman, the other part girl
To perfume and make-up, from ribbons and curls
Trying her wings out in a great big world
But I remember...

Butterfly kisses after bedtime prayer
Stickin' little white flowers all up in her hair
You know how much I love you Daddy
But if you don't mind I'm only gonna kiss you on the cheek this time
Oh, with all that I've done wrong, I must have done something right
To deserve her love every morning and butterfly kisses at night

Oh the precious times
Oh, like the wind the years go by
Precious butterfly
Spread your wings and fly

She'll change her name today
and she'll make a promise and I'll give her away
Standing in the bride room just staring at her
She asked me what I'm thinking and I said "I'm not sure,
I just feel like I'm losing my baby girl"
And she leaned over...and gave me...

Butterfly kisses with her mamma there
Stickin' little white flowers all up in her hair
"Walk me down the aisle Daddy, it's just about time
Does my wedding gown look pretty Daddy? Daddy don't cry"
Oh, with all that I've done wrong, I must have done something right
To deserve a her love every morning and butterfly kisses

I couldn't ask God for more
Man, this is what love is
I know I've gotta let her go, but I'll always remember
Every hug in the morning and butterfly kisses

Saturday, October 29, 2005

Meanings....

Hindi na sana ako mag popost ngaung october.. pero kelangan ko talagang ilabas ito sa utak ko...

sa Tinagal tagal ng panahon nalaman ko lang ngayon ang meaning ng nunal ko sa may leeg.

Si papa kasi meron din cya nang nunal sa left side ng kanyang neck and ako naman ay nasa right side... nalaman ko ito dahil umuwi si papa ng medyo nakainom... di pala medyo.. talagang nakainom... ok lang naman sakin na nainom si papa dahil kahit papaano ay nalilibang cya sa isang buong linggo ng pag tatrabaho at hindi naman nya lagi tong ginagawa.

Umiiyak si papa habang kinukwento nya ang ibigsabihin ng nunal namin... hindi cya naiyak dahil sa nakainom cya... naiyak cya dahil sa mga problema nya.. nakikinig lang ako sa kanya habang nag sasalita si papa. Nagpipigil ako ng luha dahil naawa ako sa kanya.. kung ano ano ng pumapasok sa isip ko... sabi na nga ba... pag gusto mo ang isang bagay laging may mga pangyayari na hahadlang na makuha mo ito.. walang madaling bagay.. lahat dadaan sa pagsubok...

Dun nya na kwento saakin na sabi daw ng matatanda sa kanya noong bata pa cya, ang ibig sabihin daw ng nunal sa kanyang leeg ay marka ng pagiging tagasalo ng problema ng pamilya... (sacrificial lamb) sya ang magbibitbit ng hirap na mararanasan ng pamilya nya... ng mga kapatid nya.. "Yun ang ibig sabihin ng nunal na to... at meron ka rin Benjo" sabi ni papa... pinagaral nya daw kaming magkakapatid para hindi ko raw maranasan ang maging tagasalo ng problema ng pamilya.. ng mga kapatid ko. Siniguro daw nya na kami ay magkakaron ng individual na kakayahang mabuhay at walang umaasa.

Ayaw nyang maranasan ang nararanasan nya ngayon sa mga kapatid nya... kitang kita sa mata ni Papa ang pagkadismaya sa pagkakaron ko ng "mark" na ito, nasa tono ng boses nya.. nasa expression ng mukha niya. Madami daw akong dadanasing problema at paghihirap at kaylangan ko daw maging matatag, dahil may marka daw ako. Tumayo ako at pumunta sa likod ni papa at minasahe ko cya ng bahagya.. para ma relax at tumigil ang luha.. pangalawang beses ko palang cyang nakitang umiyak.. ang unang una ay noong namatay si Lolo Ben.. umiiyak cya habang sinasabi nya ang mga problema nya saaken.. nahingi pa cya ng sorry dahil inilalabas lang daw nya ang sama ng loob nya.. "ok lang" sabi ko.. "mas mabuti ngang ganyan eh"... ngayon ko lang na experience ito sa totoo lang.. ang kadalasang umiiyak saken at nahingi ng payo ko ay mga barkada at kaibigan.. ngayon lang nangyari na si papa pa ang mismong nag lalabas ng sama ng loob saken.

"Kung hindi man sa mga kapatid mo mararanasan, pwedeng sa mapapangasawa mo at sa pamilya nya" ito ang salitang tumama talaga saaking isipan... nung una iniisip ko na mukhang wala naman ata akong sasaluhing problema dahil maganda ang naging trabaho ng ate ko at ang kapatid kong bunso ay maganda rin ang kursong tatapusin ngaung taon... pero nung nasabi nya ito.. parang namulat ako na hindi pa talaga tapos ang lahat... marami pa talaga akong dadanasin.. maraming marami pa. Sa totoo lang, tumbok na tumbok ang pagkakasabing yon ni papa dahil sa nararansan ko rin ito... hindi sa mga kapatid ko.. kundi kay gf... mga pag tulong na sikreto kong ginagawa, hindi ko nalang idedetalye.

Napaisip talaga ko sa mga sinabi nyang yon... ngayon tuwing makikita ko ang nunal ko sa salamin.. iba na ang nakikita ko dito.. hindi na cya simpleng marka saaking balat... marka na ito ng isang misyon sa buhay... kung anu man ito... pag hahandaan ko ito.. hindi ko kailangan alamin.. dahil random ang buhay ng tao.. dadating nalang basta ito.. kaylangan ko lang maging matatag.

Tuesday, October 25, 2005

Ang Pagbabalik ng Joza ng Kadiliman

Kagabi after nung kakaibang pangyayari sa lugar na hindi ko ma-arok.. nung pauwi nako, habang tumatawang mag isa sa bus dahil sa isang pangyayaring hindi ko talaga ma-arok... may nakita kong isang familiar na pagmumukha...

Usual na haba ng buhok, at itim na jacket... saktong sakto bakante pa ang katabi kong upuan... nung uupo na cya sa di kalayuan saken.. tinawag ko cya... JOYCE! JOYCE! pag harap niya kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat... siguro dahil sa revelation na nagkita kami after 2 years or dahil nakita nya ang aking todong kagwapuhan. JOYCE! JOYCE! tara dito sa tabi ko... alam mo ba yung pakiramdam mo na gusto mong yakapin at sakalin ang isang tao sa sobrang tuwa dahil nakita mo cya? yun yung nararamdaman ko.. gusto ko cyang yakapin at paghahampasin dahil sa tuwa.. Si joza... ang psychiatrist (pa QA) ng buhay ko... ang mga payo nya ang isa sa mga hinahanap hanap ko pag ako ay namomroblema... pag ako ay sinasapian ng masamang ispiritu..

Dahil sa tuwa ko, nung sinabi nyang.. "ako na magbabayad".. isang mabilis na "OO" ang nasabi ko... madali naman talaga kong kausap eh. kwentuhan kaming kwentuhan.. marami akong nalamang bago sa buhay nya.. wala akong gaanong masabing bago sa buhay ko.. pero mas marami pa ata akong nasabing bago sa buhay ng iba... napagusapan namin ang ulo... a este ang noo... a este ang panot.. a este... si Brian, napagusapan namin ang mata.. este.. ang talino.... si Ara, at cyempre ang walang kakupas kupas na lab layp. Cyempre ako same story as always, si Joza.. sa kasamaang palad... same story as always hehehe..

Kulang na kulang ang gabi na yon sa dami ng pwede naming pag usapan.. nakuha ko naman ang celnumber nya kaya astig.. siguro I mamakdo nalang namin yan... mag set nalang siguro ng date kung kelan mag meet.. bahala na. pero gusto ko sa makdo.. ako na ang taya.

Joza... pinasaya mo ako.. astig!

Brian... wow.. ang kintab. jok

ang friend kong si CG

TAYOY KUMANTA!!!

Pamela 1 naglakad sa may hagdan
Pamela 2 nawala inay ko po!
Pamela 3 ang tawa isang tabi
Pamela 4 ang gabi ay nagka color

haaaaay grabe...

lalalala lalalala lalalala lala lala!

Sunday, October 23, 2005

Si Ms.J

Si Ms. J ay hindi ko malilimutan, dahil sa kanya naging colorful ang buhay apartment ko noong college days..

1. Sya ang nagbigay saken ng reason para matutong mag gitara.. ng konti..
2. Dahil sa kanya... lumakas ang loob ko makisalamuha sa mga girls
3. Dahil sa kanya... medyo nagkaron ako ng kahit konting sweetness sa katawan
4. Dahil sa kanya... nabutas ang wall sa room nila Carmela, sa door ng room ko, ang wall sa may salamin namin at ang punching bag namin.
5. Dahil sa kanya kumapal ang kalyo ng kamao ko.. ngaun eh bumalik na sa dati.
6. Dahil sa kanya... natutunan kong i appreciate ang pagsisigawan sa bar kahit magkatabi na kayo.
7. Dahil sa kanya... napasayaw ako sa dance floor ng Padis Point ng kami lang dalawa ng hindi nahihiya... buti nalang love song ung tugtog.

Marami pang kakaibang ginawa si Ms.J sa buhay ko...
Bat ko ba cya naalala bigla? kasi kinamusta ko cya kahapon at nalaman ko na cya ay mayron nang asawa at anak... tudoinks! Huling El Bimbo!

Saturday, October 22, 2005

Inaanak

So far so good, natuloy naman ang plans ko.. pero naudlot lang dahil hindi kami nakapag meet ng barkada ko sa San Pedro dahil wala cya don. Pero na meet ko yung isa kong barkada, kasama ang kanyang cute na cute na anak.. ang aking inaanak. Syempre as usual ang inaanak kukulitin ka lang nyan sa pangiti ngiti at pagiging cute.. ang magulang talaga ang babanat tungkol sa mga utang mo sa anak nila hehehe.

So anung ginawa ko??? diba ang ninong ay godfather, at ang trabaho ng mga ninong ay ang siguraduhing ang inaanak nila ay lumaki na naayon sa dyos diba? So kanina kinausap ko yung bata... 1 year old palang naman cya.. mahigit... ata...shet... well anyway.. kinausap ko cya at pinangaralan ko cya tungkol kay god.. dahil dun ginawa ko ang duty ko as his "ninong" o diba.. so sabi ko sa barkada ko void na ang utang utang na yan hehe.

May isa papalang kasama ang barkada ko... ito ay ang kanyang honda civic.. kinausap ko rin ang car nya.. sinabihan ko ito na kung meron cyang mga barkadang car na gustong makipagkilala saken.. or pakilala nya naman ako sa mga barkada nyang honda civic.. grabe ang saya saya ng pakiramdam mag karga ng baby... ang likot ang cute.. pag nakikita ko lagi natawa.. sanay nako don, matatanda nga pag nakita ko natatawa sila.. bata a kaya.

owel.. work mode..

Weekend Plans

The sun is up and I got so many things to do.. but its alright blah blah blah blah!
What a lovely day!!

Saturday Schedule..

1. Wakeup smiling... toothbrush.. do some hard hitting pingpong with my father dear..
- first round... I lost.. score 21-18
- round two... I won... score 21-13
- round three... I won... but father contessed... 4 times tie breaker... I won..

2. After the game.. videoke.. 1 hour.. songs?? secret.... luma eh.

3. Shower... sa room open PC.. start updating my blog while waiting for kuya greg to forward the new database schema for janwaltz member portal.

4. Supposedly mag canvass kami ng car... pero sabi ni paps tsaka nalang daw pag may pera nako para di ako gaanong excited.. may point cya so... sabong nalnag cya.

5. After ko mag program for Janwaltz pupunta ko ng San Pedro laguna para mag program naman nung para sa Barangay. So plan ko umuwi ng mga 9-10pm.

6. Maligo Matulog... siguro... nood konting movie bago matulog.. pero malamang matulog muna ko.

Sunday...

1. Gising ulit ng nakangiti.. toothbrush... Pingpong... ligo... bihis... larga!

2. Mag hahanap ako ng mapag gagawaan ko ng wedding invitation for Ann's friend... Wedding gift ko na.. buti nalang di uso sa kanila ang wedsite..

3. Meet with Ann, siguro nood ng movie.. eat dinner then home...

4. Internet... update siguro ng blog... browse the net for available cars.. mangarap.. matulog.. maaga pa gigising para sa work sa monday..

Malamang... marami dyan di matutuloy.. either tamarin ako or.. makatulog ako then magising ng gabi hehehe.

Thursday, October 20, 2005

Adrenalin Rush

Kaninang umaga ang saya saya ko, gumising ako nag shower, habang nag shoshower kanta ko ng kanta. Tapos nagbihis.. habang nag bibihis kanta rin ako ng kanta.. tapos nag patayo ng buhok.. habang nagaayos.. kanta ko ng kanta.

Lahat ng masalubong ko binabati ko ng smile, ang aga ko dumating sa office wala pang 8AM naninibago ako sa sarili ko nakakamanghang aga to ah. Bakit ba ko masaya? inisip ko siguro gawa ng magdamag kaming nagusap usap ni papa about sa car na bibilhin namin.. papano papaluwagin yung garahe para magkasya yung sasakyan nya at yun daw sakin.. magkandahilo hilo sa pag compute ng down and monthly payments.. mangarap si mama kung saan saan nya gustong gumala.. cyempre ako ang dukhang driver at cya ang aking mahal na reyna.

Tapos nagplaplano na kami kung papano makakatipid sa gasolina, pinagsasabihan narin ako ni pader dear na ang car, parang babae yan, inaalagaan.. ginagastusan... sinasakyan.. ah este inaalagaan... ay nasabi ko na pala yun hehehe.

So siguro pinaganda nun ang tulog ko hangang sa pag gising ko.. todo excited ako... ngayon ko lang ulit naramdaman tong gantong excitement.. ang huling huli kong naramdaman to ay nung sinagot ako ni Ann ng hindi ko inaasahan hehehe.

So pag dating ko sa office todo work agad, masaya eh.. masarap mag trabaho.. lalo pang pinasabog ni Santa ang kasayahan ko nung bigyan nya ko ng link sa mga cars dito sa pinas.. grabe nabuksan ako sa mas malawak na possibility! So browse to death ako maghapon nun... tapos lunch.. nanlibre ang mga kasama ko sa opensource team sa mcdonalds.. pero cyempre nahiya ako so ako na bumili ng order ko and nilibre nalang nila ko ng sundae.

Habang nag chichikahan kami nabanggit ni bossing na may plans daw na ilipat ang QA team sa ibang building dahil nga nag eexpand ang company and kaylangan ng officespace (i think). So nagulat ako sabi ko agad. hindi nga??? nanlalaking mata nun tapos di makapaniwala.. so sabi balak nga daw ek ek ek ek di nako nakikinig gaano dahil medyo nalungkot nako non.. baket? halos yung sang bungkos ng friends ko ay nasa QA team.. so pag lipat ng building.. sang bungkos mawawala.. grabe talaga.. at first ang saya saya mo then after nung malaman mo yun parang hinigop sayo yung saya.. grabe naman kasi.. nagsisimula nakong maging comfortable sa mga kanila, nailalabas ko na ang ugali ko yung tipong astig na yung pakiramdam parang barkadahan.. tapos yun.. mawawala pala.. dapat siguro alisin ko na tong ugaling masyadong pagiging attached sa mga friends ko sa work eh, parang nung nag retrenchment sa DiaVox, grabe ganun din isang bungkos ng friends ko naglaho.. hindi ko naramdaman ang swerte dahil hindi ako napasama sa na retrench parang mas gusto ko pa ngang mapasama sa kanila nung mga oras na yun eh.. kasi diba... tapos nag resign isa isa lumipat ng kumpanya.. si Daisy ang makulit na babaeng ka VERSUS VERSUS ko, tapos si Jason..

Tapos lumipat ako.. although decision ko yung paglipat.. the fact na iiwan mo naman yung mga naging barkada mo for more than a year na ay mahirap din.. kung marami lang akong pera non araw araw ko silang ililibre ng lunch nun sa Gerrys grill hangang sa time na umalis nako. Di ko alam kung kabaklaan ba to o kalokohan eh pero grabe talaga... sabagay buildings lang naman yan.. ang friends kahit ilayo mo ng ilayo close parin yan. SOLID! hehehe!

Ang nakakatuwa pa dun, masaya ko nung umaga dahil sa car... nabalitaan ko nung lunch na lilipat although balita lang yon at di pa nangyayari nawala agad yung saya.. parang nabalewala yung excitement sa car... isa lang ibig sabihin nito.. mas mahalaga talaga ang friends kesa sa car.. pero pag ang friends nag bigay ng car.. ibang storya na yon hehehe. wag lang magpapalibre at ang friends nagiging enemy (jok)

Eto nanaman ako... nag blog.. mababasa nanaman ng maraming tao ang post ko dito.. madrama nanaman.. nakakatuwa kasi pag sinusulat mo rin yung nararamdaman mo eh... parang nawawala yung tension.. nababawasan kahit papano...

Bukas ang last day ng isa ko pang friend.. pupunta na cya ng australia, hahanapin nya si nemo.. minus nanaman.. tinanong nya ko kung excited ba daw ako for her... sabi ko HINDE, siguro yung iba jan sasabihin nila oo excited ako for you.. ako HINDE baket? ewan ko di ko alam, yun ang nararamdaman ko so yun ang sinabi ko. Tanungin nya ko ulet pag nandun na cya... yung tipong Benjo uuwi nako ng pinas excited ka ba para sakin? malamang ang sasabihin ko na non.. OO! ganun lang yun simpleng logic na natatamad akong i explain pero ganun un...

Tinawagan ko si GF para makausap ko cya.. la eh lungkot ang feeling eh.. eh putik pag helow... NAUBOS LOAD KO! kasi isa pa tong nagbabalak lumayo eh.. putik namang buhay to hahahahaHAHAHAHANWAHAAHAHAHAHBWAHAHAHAHAH HUHUHUHUHUHU!!!!

Gusto ko ng car... gusto ko mag tagaytay.. gusto ko mag muni muni sa palace in the sky...

suddenly..

Fast and unexpected..
never did i suspected..

so sudden it shook me..
torn the very happiness in me..

theres nothing i can do..
but move on.. and pray..

Tuesday, October 18, 2005

car... again..

This is my first time to write a post in English, so please swallow your uncontrolled criticisms for a while and just read ok... har har har (english version of “hehehehe”)

It’s nearly 4 months now since I started working here in this new company and since I’m planning to stay here for a while… and the fact that my “out of the office” work is getting quite well… maybe buying a car wont be that bad. I have been working for nearly 4 years now and the only thing I was able to buy is a BRAND NEW RICE COOKER… worth 450 pesos! I can still remember myself bringing that big box home with a huge smile thinking that I just brought something that would MYMP, and that’s two years ago!

I’m planning to buy one before this year ends… I hope by then the payment from my sideline was already completed, quite a long shot… but still I’m hoping.

Though the prices of gasoline is not something to celebrate, still... being able to buy my own car even if its make was in the late 90’s, undoubtedly means that I was able to accomplish the first milestone of my working life... and I’m merely 23 years old! NOT BAD! NOT BAD AT OL!

I really want to experience the pressure of picking the right car. If I had my own car, I can go anywhere I want, I can go joyriding to the provinces, stopping over to sleep in the backseat… waking up to eat at the nearest fast-food… cursing in traffic jams… listening to music so hard that I can barely hear the outside world… exciting!

In any case, this may still end up as one of those loose dreams swirling around my head… Like getting thin, winning the lottery, dating Angel Locsin and the likes… Lets just hope that this dream would materialize…

It’s nearly April 2007… were about to open the “ceramic test tube of dreams”.. I need to act fast.

Guardian Angel

Hindi na sana ko mag post ulit ngayong day na to pero di mapigilan.. dapat I post ko itong nangyari saken para maging reminder na rin saken ang nangyari na to.

So as usual, umuwi ako ng late galing sa office, dahil tinatamad pako umuwi sumama ko sa Landmark terminal kay Ann para dun na sumakay, para narin makipag kwentuhan sa kanya. So kumain kami sa Greenwich hangang 10:00 tumagal sa kwentuhan... detalye ng kinain ko.. 1 pc chicken, spag at 2 maliit na slice ng pizza... sob... tsaka 4 na kutsarang kanin.. courtesy on Ann... makasalan tong gabi na to hehehe.

So after dinner, naghiwalay na kami para sumakay sa kanya kanyang sasakyan.. dahil nga past 10:00 PM na, naubusan nako ng BUS na pa Balibago sa terminal, so no choice kundi sumakay ako ng papuntang PACITA.

Pagsakay ko ng BUS wala pa itong gaanong kalaman laman, usually pag ganito dun ako umuupo sa pinaka dulo ng BUS dun sa Animan para makatulog ako ng ayos kasi di gaanon nag sisiksikan doon. Pero ngayon.. parang tinamad pako magpunta sa likod so sa may bandang unahan nalang ako umupo.. mga na upuan mula sa pinto ng BUS ang layo.

So umalis na ang bus eventually at napuno ito.. so tulog ako buong byahe, nagising lang ako nung nag bibigay na ng ticket and nung maniningil na yung konduktor. Matagal tagal din ako nakatulog non nung biglang tumigil ung BUS, akala ko nasa PACITA na kami nun. SO medyo pikit pikit pako non, naalimpungatan ba naman ng narinig ko parang nagkakagulo na, so mulat ako kita ko yung mga tao nag mamadali palabas. Yung katabi kong magandang babae parang si flash na sumibat! ako naman tumayo agad ako, medyo groggy pa di ko alam kung anong nangyayari, iniisip ko may holdapper sa likod, may nagwawala sa likod tapos nakaamoy nako ng usok.. Putik! NASUSUNOG yung BUS! at mula sa likod pa! so dahil nga sa bilis sumibat nung katabi kong babae, naiwan nya yung plastic bag nyang malake, so kinuha ko tapos try ko sumingit sa nagkakagulong tao. Amoy na amoy na ang usok sa loob, medyo nakaka ubo na ng konti so nakasiksik naman ako medyo sinalya ko na ng konti yung lalakeng makulit na nagmamadali din. Eh porket yung ibang pasahero ay nasa tapat na ng pintuan, para parin silang mga kumag na ang babagal bumaba ng bus eh nagsisiksikan na nga kami sa loob.

So nakalabas din ako ng BUS na usok usok pa, hinahanap ko yung babaeng katabi ko, eh hindi ko naman gaano na detalyehan dahil nga tinulugan ko lang cya.. ang nakita ko lang sa kanya ay yung tuhod nya at alam ko nakasuot sya ng salamin. Winawagayway ko yung plastic bag nya para may mag clain eh wala naman.. foggy pa ang utak ko non, di ako makapaniwala na nasunog yung BUS na sinasakyan ko, wala narin akong time para magtanong kung baket nasunog, basta nasunog tapos! sakay ako ng jeep dala ko yung plastic bag, walang contact number nandun lang eh lunchbox at mga CD's na sinilip ko ngayon baka kasi may installer ng games hehehe, eh puro MP3 ang laman.

So di ko na malaman kung papano isosoli ito, wala kahit konting details kahit kapuranggot wala eh. Anyway napaka swerte ko talaga at naalala ko nanaman na napakalakas talaga ng GUardian Angel ko, isipin mo nga naman ginamit nya ang aking katamaran para hindi pumwesto sa likod ng BUS, kundi nako litson na siguro ko ngayon.. kaya thankyou GOD, thankyou guardian angel... risky talaga magbyahe ngayon.. kaya dapat magpray lagi... para sa safety natin lahat diba? kasi di mo rin masasabi kung kelan ka tatamaan ng swerteng kamalasan.

Kaya sa mga nakakabasa nito, mag ingat at mag pray kayo lagi ha.

Monday, October 17, 2005

^_^ Tudoinks

Maghapon nagtrabaho..
Parang walang pinagbago..
Utak ko ay nagmamarakulyo..
Dahil sa sakit ng ulo..

Ngiti ko ay nawala na..
Pasensya natunaw na ata..
Lumalabas pagiging makata..
Kahit akoy latang lata..

Nagiisip ng kung ano ano..
Utak ay nag aayuno..
Ako ay litong lito..
Ano ba ang gagawin ko..

Tumingin ako sa kalayuan..
Kung san may mga taong naguusapan..
Nang aking maalala..
Ako nga palay may pipigilan pa..

Shet ano ba to..
Talaga ngang nakakaluko..
Kung lagi kong ipagtatanto..
Sa mental na ang bagsak ko..

Isipin mo nalang ang iba..
Wag kang mag paka siba..
Yan ay pigilan mo..
Kung ayaw mong may lumayo..

Sige ok payag na ako..
Gagong konsensya to..
Masyadong magaling mag dahilan..
Kahit di ko naman pinakikinggan..

Sunday, October 16, 2005

...kasalanan

Umaga
- bumili ako ng porkchop ni Mang Tudings dahil akoy may bisita.
- Kumain ako.. naka isang rice ako

Tanghalian
- Inilibre ko ng super meal ang aking mother dear... ibinili ko ang aking bisita ng spag with chiken, tapos bumili ako ng 2 ice craze, regular yum at palabok fiesta..

Meryenda
- Umuwi ang baby sis ko kasama ang kanyang boyfriend na kasing laki ata ni AZI TauLava kaya nawala ang pa "kuya" effect ko...may pasalubong silang..malalake at masasarap na bibingka.

-Ng maubos ang bibingka.. biglang pumasok ang aking mother dear sa kwarto at may dalang 4 na pirasong jumbo hotdog at ketchup.. nakain ko ang isa dahil nakokonsensya na talaga ako.

Gabi
- Hinatid ko na ang aking bisita pauwi sa kanilang bahay... dinalaw ko ang aking barkadang si Manulet binisita ang aking long and never seen inaanak na si Brent... pinakain ako.. sandamukal na kanin... pero nung pinahawak saken ang controls ng PS2... nalimutan ko na ang pagkain.. salamat PS2.

Habang sinusulat ko to feeling kong ilabas lahat ng kinain ko mula kaninang umaga... sana magawa ko.. ccr lang ako byerz... Harry Potter Prisoner of Azkaban nga pala ngaun sa HBO... nood muna ko balik ako para magbasa ulit ng mga kung ano ano sa internetz

evil spirits

.... nag reresearch ako ngayon on how to control the "evil" and guess what... lalo lang ata pinalala nung research ko eh.. badtrip.

....Kaylangan ko siguro bumili ng motorcycle... kelangan ko mag tagaytay para pagaralan ulit ang aking sarili.. para balikan ang mga nakaraan at para ilayo ang sarili ko sa evil..

Ang hirap nakakaasar... research pako I need more explanation and tips on how to fight this "evil"... I can fight this.. I KNOW I CAN!

Image hosted by Photobucket.com


*** update lang.. after this day.. I THINK I CAN CONTROL THE EVIL NA! WEEEE!

Black Forest Cake

Natapos ang week ko ng may kakaibang trip, usually ang plans ko pag friday is either gumala sa makati kasama ng aking mga ka officemates, gumala makati kasama ang aking dating ka officemates, gumala sa makati kasama ang sarili ko at gumala pauwi ng bahay.

Kakaiba nangyari sakin coz, nag OT ako nung friday coz I wanna make sure that everything is ok before I leave, so I wont have to re-do things on monday (english shet) then nung nainip nako sa sarili ko umalis nako ng office at nagpunta sa Don Bosco Makati para manood ng Basketball. After a while niyaya ako ng barkada ko na mag coffee muna sa Waltermart, katapat lang cya ng Don Bosco.

So nag withdraw muna ko ng moneyfera para mag feeling mayabang sa loob ng Starbucks, order ako ng cream based na caramel frappe.. shet ang tamis masyado.. pero cyempre hinigop ko parin lahat hanggang nagrereklamo na ung baso dahil hangin nalang ang laman nya.

Tapos.. niyaya ako ng barkada kong magpunta ng Batangas.. so nasa Makati ako.. at pupunta ko ng Batangas para makiramay sa Tito nya, walang dalawang isip.. sabi ko.. "kasama sila pogi? SIGE TARA YAHOO DAAN TAYO SA MGA NAKAKATAKOT NA KALSADA!"
So natapos ang basketball at tumuloy na kami pa Batangas, ako, si pogi, si vic sotto at si kukote boi.

Nag KFC sa SLEX... dahil DIET nga ako.. bumili lang ako ng salad at ninamnam ang inorder kong mga dahon na nilagyan ng mayonaise... kahit naiiyak ang bituka tuwang tuwa naman ang utak dahil nagawa nyang di ako paorderin ng usual na 2pcs original kFC Chiken, mashed potato at large pepzi... asa ka nalang bituka!

Then derecho na kami pa Batangas, nakipagpalit ako ng pwesto kay pogi kasi gusto sa likuran ako ayaw ko sa unahan ng car.. kasi sa likod nandun ung FHM ni kukote na featured eh si Angel Locsin.. cyempre gusto ko naman titigan ang picture ng GF ko habang nabyahe diba.. tsaka dadaan kasi kami sa zigzag ng kamatayan eh sakaling may multo kaming ma kita.. wala ako sa unahan ng car para maunag makakita nun.

Sound Tripping sa byahe, System of a Down, mUzika ni Shaider atbp. Nung malapit na kami sa zigzag ng kamatayan nagsimula kaming mag kwentuhan tungkol sa mga mumu. Cyempre para mas exciting diba mas takot mas exciting mas masaya! Dahilan namin puro naman tayo mga lalake kaya ok lang dumaan sa zigzag na yun.

Pag dating sa zigzag.. badtrip kasi may mga ilaw ng konti kainis.. tapos sa may part na madilim na madilim na sabi ni kukote... AYUN WALIS!! wow! nakakatakot ung nakita nya.. walis.. sobrang takot ko sa walis tinamad ako lumingon para tingnan..

Eventually nakarating din kami sa aming pupuntahan, pahinga muna sa bahay ni kukote, at nagpunta na kami sa lamay.. derecho sa tito nya para mag bigay galang... so anu na gagawin namin ngaun.. maaga pa... anu pa ba eh di namapak ng greenpeas at butong pakwan at nag pusoy DOS hangang umaga.. masaya naman yung laro namin lalo na pag todo gaguhan ang nangyayari..

Tas nagkayayaan na kami matulog... sa bahay nila kukote nag handa pala ng higaan ang pamilya nya.. nakakatuwa naman kasi yung higaan namin talagang ang lambot pa tsaka ang daming unan.. tabi tabi kami humiga.. dumapa... tumagilid.. bawal umutot kasi aircon yung kwarto. Usapan namin 3 nila pogi 6am gising nakami para umalis, para maaga kami makauwi. Si vic, si pogi at ako... pare pareho namin set ung celphones namin na mag alarm ng 6... at sa kakaibang pangyayari.. nagising kami ng 8am.. nagulat pa nga ako kasi pag mulat ko nasa ibang bahay nga pala ako... Usual na comment pag gising mo.. "lakas humilik ni Benjo parang may nag aararo" ok lang yun para sakin nahilik din naman sila mas cute nga lang hehehe.

Nag breakfast, naghilamos, at umalis na kami kala kukote... hintay ng Bus pa Buendia.. tas naalala ko.. SHET di pala ko nakapagsabi kay gf! (ng totoo..)nung nag text ako nagsosory ako, tumawag cya saken.. nasa bus pa kami nun mga 9:30 na ata, naiyak.. galit na galit kasi magdamag nagalala.. cyempre ako naman todo sorry kahit alam kong walang patutunguhan yun.. cyempre yung dalawa kong cute na kasama niloloko ako ng konti.. with support... nung nakarating ng turbina, problemistik nako dahil nga may galit na galit na tao saken.. ayoko ng feeling pag may taong galit saken.. para kong may tinik ng balyena sa lalamunan..isip ako ng isip ng gagawin.. so kahit wala pang ligo at antok na antok pa.. bumili ako ng maliit na Black Forest sa goldilocks... hiram ng bolpen at lagay ng "I'm Sorry" note sa may ribbon.. naglakad ng milya milya naghahanap ng bulaklak.. eh wala.. so.. walang ligo si ben.. antok at problemistik.. dumerecho ako sa bahay ni gf... cyempre nag bubuo nako ng script ko habang nabyahe.. tsaka ng moves kung papano sasalagin ang mga suntok hehehe. Exciting talaga! pag dating ko sa bahay nila... doorbell.. dong ding!... lumabas ung kanilang kasama sa bahay at sabi saken.. "Ay wala si Ann nag punta ng Manila" so yung script ko nilamon ko nalang bigla... tapos sabi ko.. ay ganun ba.. pakibigay nalang po ito oh, at nag bye bye at umalis...

Kinulbit ako ni Jolibee sabi saken.. "try our Palabok and Chicken joy Benjo"... so pinagbigyan ko muna cya bago ako umuwi... pag dating ko sabahay... pasok kwarto.. palit dmit.. magdive nako sa kama ng "riiing" ang cellfone... natawag si gf.. sinagot ko at kakaiba! ayus na cya at di na galit! tantanana!

Kaya eto lang masasabi ko... pag pupunta ka ng batangas dapat may pambili ka ng black forest.



ang haba... di muna ko mag blog ng 3 buwan. hehe

Thursday, October 13, 2005

2 weekz and counting

OI OI OI OI!!! 2 weeks na akong di nakain ng RICE..(sa umaga lang) at habang sinusulat ko to ay may isang kalderong kanin sa may kusina na kumakatok katok sa aking puso.. pero sorry ka nalang RICE dahil akoy sawa na sayo.

Super water theraphy ang nangyari saken kanina, yun kasing isang litrong lipton green tea na naubos ko kahapon ay pinuno ko ng tubig. Halos manakit na balakang ko sa kahihintay mapuno yung bote. At ng mapuno.. extra challenge na! hindi ako nakakain ng lunch (skyflakez) gaano dahil sa sobrang busog sa tubig.. hindi ko naman sinasadyang ganun. Ang kaso mo nga lang pag tumungga ka sa boteng litro mabilis ang agos ng tubig kaya yun madami ako naiinom.

Pero masmalakas parin mag pa CR ang Greentea dahil sa tubig 1 beses lang ako napa jinglebelz...

Nakuha ko napala ang payslip ko kanina... at dahil dito nadagdagan ng panibagong drama ang buhay ko. Di ko nalang dedetalye nakakalungkot eh.

Friday bukas, anu naman kaya ang mangyayari sa buhay ko bukas.. excited ako masaya to hehehe.

OO NGA PALA! dahil sa pagdiet ko nakatipid ako sa gastusin at eto nakabili ako ng INTERNET CARD tantanana! astig!

Candle Light

Lit a fire my love... enlighten my depressed day...

Image hosted by Photobucket.com


full image size - Click Here

Girl Friend ko



Read her lips: " I LOVE YOU BENJOOOOOOOAAHHHHHH!!!!!!!!"

Wednesday, October 12, 2005

Nabuburyong na utak

Maghapon na work, like always late parin ako kanina, lumaklak ng isang litrong lipton green tea, mag OT sana kaso nung nalaman ko na ako nalang mag-isa ang matitira sa office sumabay nako umuwi.. dahil ayoko mag dagdag sa "Nginig" ng bagong episode.

Pag uwi ko sa bahay, may tinawagan agad ako sa phone, maghapon kaming di nagkausap dahil sinusuka ng cellphone na gamit ko ngayon ang sun cellular na sim... una hindi nagsasalita.. kala ko galit.. un pala busy nanonood ng telenovela. Kamustahan, chikahan.. then napunta sa kwentuhan na medyo seryoso..

Tumawag si tita nya.. pinapipili kung itutuloy pa nya ang studies nya (second course) or yung ipapadalang pera ay ipang gagastos pamasahe... papunta ng Japan, para dun tumira kasama ng tita nya... pinili.. Japan.

Cyempre initial reaksyon... tahimik... tinanong ko bat ngayon lang naikwento saakin, di cya kumibo. Naiintindihan ko naman yon, cyempre para sa sarili at sa pamilya nya yung gagawin nya eh. Pero cyempre malungkot.. minsan na ngalang kayo magkita tapos biglang ganun pa ang mangyayari. medyo nakakainis din pala kung alam mong maraming makakabasa ng blog mo.. mahirap mag detalye, hehehe di mo rin mailabas lahat ng nararamdaman mo.. iuutot ko nlang siguro to bukas ng umaga ;)...

Na mimiss ko tuloy mga "kamag anak" ko... Mark alam ko super busy ka sa career mo, Mela isa ka pa... batman ka narin.. Joyce... kelangan ko ang experience mo.. Ara, gusto kong tumawa.. Brian, gusto ko ng ka joyride.. masarap magpunta sa may tabing dagat ngayon diba? malakas ang hangin sigurado.. sarap tumambay don.. at ang pinakamamahal kong dingding(wall)... namimiss kong butasin at wasakin ang iyong mukha pag ako ay na dedeliryo...

tama na to matutulog nako...dami ko pang trabaho bukas. At least hindi ako ngayon nakain dahil sa depression.. diet eh.

Monday, October 10, 2005

Jokes na nagpatawa saakin ngaung gabi

Joke 1:
Q: Bakit patay ang buhok sa kili-kili?
A: Ikaw man ang lumagay sa lugar nila, gugustuhin mo pa bang mabuhay?

Joke 2:
Doctor to Mental patient.
Doc: Magaling kana! Sinagip mo ang kaibigan mong nalulunod. Kaya lang nagbigti sya sa CR.
Patient: Hindi po Doc, sinabit ko siya dun para matuyo...

Joke 3:
Boy 1: Tol amoy tinapay ka ah!
Boy 2: Talaga? anong tinapay?
Boy 1: PUTOK!

Yun lang, mababaw kaligayahan ko eh.

Meaning daw ng name ko..

Curious kaya sinubukan.

Ben joseph

Having confidence in yourself and integrity you have your emotions under control and are rarely ruffled. You have a quiet and reflective manner and are responsive to the needs of others giving you the ability to be a mediator. You are extremely successful in the material world being organised, financially astute and pursuing realistic goals. Your caring attitude and compassion certainly makes you a loved individual.

yung mga naka bold.. sa tingin ko.. hindi totoo hehehe

Saturday, October 08, 2005

Why?

1 week nakong ganito, parang masayang nakakainis ang pakiramdam ko.. para akong nahihibang.. shet ayoko neto.. MASAMANG ISPIRITU LAYUAN MO AKOHHH!!!

Pinaka Latest na poem

Eto ang isa sa pinaka latest na poem na ginawa ko para sa friend kong si Brian, nung mga panahon na meron cyang type na type na girl.. so ginawan ko cya ng poem para ibigay sa girl.. ewan ko lang kung anung nangyari sa kanila pero ang astig sa lahat naadik na ata si Brian na mag compose ng poems nya.

An Emotional Truth

In the field of greens, walking under the sun...
searching for a flower while trotting with a hum...
I've collected as many, beautiful as I can see...
Each giving different fragrance... each giving me glee..

But along the way, I've seen so many others...
With the same beauty, of my forever searched flower...
But disguises can be deceiving for time I began to know...
That they are not what Im looking for, clearly slowly show..

Hours turn to days.. my search continues..
Though I had a bunch.. still I look for something new...
I know its out there I can feel it inside me...
The one true flower that will give me the prophecy...

A prophecy of love and with a never ending truth...
This certain flower... a sweet bearear of fruit...
With the qualities that overpowers my overall personality...
In this flower I will vow... my love.. my loyalty

Ala's I had seen, my search has finally end...
The flower Ive been looking for.. a flower god send..
Though my eyes can see.. my body cant react..
for the flower seems unreachable, seems impossible to get at...

I look up into the heavens, and asked my self why
Why the flower the most important to me seems I can never go by..
An undeniable truth hurting it might be...
But the one you really love is like an emotional decree...

But the passion is burning, like molten lava under the earth
I know for my self that this flower, will be the best reason for my birth..
I must do my very best, for I know someday I will succeed...
For this feeling is so powerful and it needs to be freed...

Diet mode...

Seryosohan na tong pag didiet na gagawin ko, alam kong kaya ko kasi na titiis ko na talaga yung cravings ko eh.

Isipin mo nga naman, tanghali ako nagising ng friday, 11:30AM na, ang una kong naamoy ay ang luto ni Mader Dear .. tapos narinig ko ang tunog ng Banda sa labas... pumasok sa isip ko.. shet fiesta nga pala.

Tumayo ako at nag toothbrush.. sabay punta ng kusina para alamin kung ano ang meron.. at grabe.. may Kaldereta, Menudo, Patatim at Tilapia.. wala naman talaga kaming handa, konting putahe lang para sa mga workers namin nung araw na un, at sa 4 na kumpare na aking ama.

Cyempre gutom at tanghalian na.. kumuha ko ng tinidor.. tutusukin ko na ang patatim ng parang may kumurot sa aking tagiliran... parang nag sasabi.. hoy panget! diet ka naalala mo ba?!

Napatigil ako.. nilapag ko ang tinidor.. pumasok sa loob ng bahay at humingi nalang ng isang pirasong tilapia.. pinapak ko ang tilapia.. uminom ng dalawang boteng tubig.. naligo.. nagbihis at mabilis na umalis ng bahay..nag set-up pala muna ko ng videoke para kala papa tapos kumanta hanggang 12:30 nung nagsawa umalis nako.

Image hosted by Photobucket.com

Sa office, ubos na ang skyflakes ko kaya uminom nalang ako ng tubig hanggang mabusog.. gusto kong mabago ang imahe ko kahit konti, kung mapapansin nyo, iba iba ang itsura ko sa bawat picture.. pero ang pagkakapareho lang ay.. lahat sila ay mataba.. babaguhin ko yan.. sa susunod na pag popost ko ng picture ko.. payat nako.. hinde edited na picture pero tunay kong picture.. hintayin ang mala-artistahing pagbabalik ni Benjo, nyahahahahahaha!

Nasaakin din ang disiplina, kayang kaya to!

"Favorite joke of the week"

Prosti 1: Sa hirap ng buhay ngayon, 300 pesos kada customer nalang ang singil ko!
Prosti 2: 300 pesos?! ako nga 100 pesos nalang ang singil ko sa kanila eh!
Prosti 3: Grabe ang yayaman nyo pala! ako nga libre na Blow Job may MAKAIN LANG!

NYAHAHAHAHAHA!

Thursday, October 06, 2005

Magdamag sa opisina

12:14 AM, Thursday.. kasalakuyan akong nagtatrabaho sa opisina, pilit hinahabol ang deadline na ipinataw saakin. Eto blog muna.. pahinga muna. BAdtrip nga kasi ang kati kati ng mga kamay ko, allergic na nga ata ako sa alcohol mukang ma papa diet nako sa beer ngayon.

Sabagay nag didiet narin naman ako, mabuti na cgurong isagadsagad ko na, nakakalibang din ang hindi kumain, nakakachallenge kasi. Ewan ko ba kung bakit ko naisipang mag diet bigla.. sana naman mag tuloy tuloy na tong chaga ko.

God Tulungan moko.

Tuesday, October 04, 2005

Poem

Sa mga malalapit kong kaibgan nung college, malamang nabasa nyo ung mga Poems na ginagawa ko tuwing akoy nababasted.. ang pamagat ng poem ko ay "Something Undefined"

Maraming versions ng poem na un, bawat isa ay dedicated sa babaeng bumasted saken hehehe. Badtrip lang talaga at nawala ko na ang copy ko nun... sayang talaga... 4 years worth yung compositions na yun at proud ako dun dahil nakapag express ako ng feelings ko dun ng hindi na jeopardize ang secrets ko.. napapabasa ko pa sa iba.

Try ko ulit mag compose ng poems, pero sa tingin ko mahihirapan nako.. dahil wala nakong subject... dahil sa last poem ko stated dun na "The meaning that I've been looking for, this many years of wait.. The meaning so clear... blah blah nalimutan ko na talaga.. pero ang ending nun ay nakita ko na yung something undefined... yun ay nung nakilala ko yung girlfriend ko ngayon.

How I wish makita ko ulit ang copy ko ng poems... hindi ko kasi na i print at nailagay sa sentimental box eh.. sayang...

Sample Poem, composed para sa aming 7th monthsary.. card intro

Like the sunset that slowly crept down to the mountains...
Rising the next day to give us light...

Like the Birds that slowly comes home for the night...
Waking up early giving us songs while in flight...

Like the wind giving chills into our body...
Making sure we sleep goodnight.

My love for you will be forever...
Giving you comfort..
Giving you cheers..
and Drwaing you to the light...

Poem sa loob din ng card (Title not included..)

Nature itself presents mose romance
Like grasses and wind that show you their dance
The smell of wild flowers covering the hills
The chirping of birds like song on our ears

People ourselves has their own romance
Like couples together having a dance
The smell of perfume that she always wear
The melody of her voice that you can always bear

You yourself my beloved forever
Now we celebrate the day we becomet together
Our love flourishes as time goes on
Giving me a glance on the future were looking on

Though we may celebrate the day not the year
Time is not important nor day nor year
Love can go thru time and time again
For my heart lives by you forever and again

-----------------------------------

Kung iniisip ko ngayon, grabe dati every monthsary nag bibigay ako ng card with poem.. nagtataka ako ngaun bat parang di ko na magawa, Busy bako masyado? or nagsawa nalang talaga.. cguro kung hindi nangyari ang mga nangyari na.. pwede nakong gumawa ng libro ng tula..

cge tutulog na talaga ako 1:22 na grabe.

Naglilibot libot ang utak

12:47 AM na, gising parin ako... malamang kasi eto nag bloblog ako... dami ko kasi masyadong iniisip, puro naman walang sense. Naglibot libot ako sa friendster, nag iwan ng testimonials sa mga kaibigan ko. Gusto ko sana lagyan lahat pero cyempre kukulangin ako sa oras, pero pag may oras, cge hala bira!

23 years old nako, sa March 17.. 24 na, parang kaylan lang nung 20 years old palang ako.. sabi ko sa sarili ko.. after 5 years bibili ako ng car ko.. after 5 years matutupad ko ang iba sa pangarap ko. 23 years old nako.. 2 years nalang... tatlong libo palang laman ng bank account ko.. papano ko makakabili ng car? So nag refresh ako.. from 5 years gawin ko na kayang 10 years para siguradong matagal.. ang bilis talaga ng panahon.

Minsan di ko mapigil isipin kung anung mangyayari sakin sa future, anung mangyayari pag pinili ko tong way na to. Complicated nakakaloka isipin. Mag sisimula nako mag seryoso sa buhay... magiipon nako hindi para sa kotse, kundi para sa makakasama ko habang buhay. Kung sisimulan ko ngayon ang ganitong pagiisip siguro magiging astig ang buhay ng mapapangasawa ko pag tagal.

Ngayon eto ako, nag sisimula na mag diet, napapaligiran ako ng tukso.. ng mga tudyo at mga concern citizens of the earth.. pero alam ko ang disiplina nasakin din.. kakayanin ko to. try ko lang gawin tatsulok ulit ang chin ko. bilog na kasi eh.. di na pwede to.

Masarap mag isip ngaung gabi, tahimik masyado sa paligid, tunog lang ng kuliglig naririnig ko.. 12:56AM na, late nanaman ako bukas... ano pa bang bago? siguro pag napaaga ako... yun! bago un!

Nanood kami ng Dubai, maganda ang story, simple pero maganda.. hindi ako naiyak kasi macho ako.. napansin ko pala, si Aga Mulach pala ay maraming sungki sungki na ipenz.. mas gwapo papala ang ngipin ko sa kanya hehehehe.

12:59 na... matutulog nako, sa lahat ng kaibigan kong tulog na ngayon.. at sa lahat ng gising pa at nasa ibang bansa... ingat kayo palagi, God Bless and Mahal na mahal ko kayo.. alam nyo bang ibibigay ko ang lahat sayo? ako ang nagkamali.. naging mahina ako.. gusto ko ng mag settle sa Dubai... Canada?! wala kang alam samin ni Fey!
... kuya I'm Sorry... 9 Years eto lang savings mo? Western Union...

Monday, October 03, 2005

Advertisements

Hi everyone, I would like to introduce our new company JanWaltz International Technology Inc. visit our website at: http://www.janwaltz.com

We are currently hiring experienced Medical Transcriptionist and Editors, In-house or Homebased (Homebased prefferably with DSL connection). Just send your comprehensive resume at jobs@janwaltz.com.

For those interested to be a future experienced MT, we are also offering homebased MT education. For more details visit our education website at: http://www.quicktransinc.com or email info@quicktransinc.com