Friday, December 30, 2005

Search for the star...

Hmmmm... dahil on-leave nako ngayon araw na ito, I can do pretty much anything sa buong araw. Pero hindi ko pwedeng ma waste ang chances na magkaron ng freetime sa pagtulog nalang maghapon... so ang plano ko ay gumala at mag canvass ng aking carlaloo.

Cge medyo wasak ang pangako dahil tinanghali ako ng gising kanina, nag celebrate kasi kami ng birthday ni Marco kagabi and talaga nga naman napasarap talaga ko.. ang laki panga ng daliri ko ngayon sa sobrang sarap hahaha. (sa mga hindi nakakagets, may konting allergy ako sa alak na namamaga ang daliri ko pag nasosobrahan ako.. so wag ng magisip ng ano paman... ok)

Nagising ako mga 11:30PM na, nagmamadali akong bumangon, takbo sa garahe at nakito nandun pa ang aming toyota high adventure... so ok pa.. hindi umalis si father dear so may magagamit akong panggala... kain ako.. hilamos toothbrush... (oo hindi ako naligo sa sobrang excited)... sakay sa aming sasakyan and off I go in search for the star...

Derecho ako sa nagbebenta ng used cars sa may Balibago, ang target ko talaga ay Honda Civic 97 model... ang alam kong presyo nito ay around 225 to 250k so sobra pa dito ay medyo questionable na... dahil kapos na sa budget brother. Wala akong nakitang Honda Civic sa dealer pero nag tingin tingin narin ako... warm-up ba, so nung medyo talagang di ko na matake ang sarili ko sa pag pretend... umalis nako.

Habang nagmamaneho tingin ako ng tingin sa tabi tabi, naghahanap ng naka display na Honda Civic... hala may nakita ko ang ganda! tigil ako agad, lapit.. bukas ang pinto at nag alarm! wow may alarm! tinanong ko agad yung tao don.. BOSSING!!! magkano asking price neto??? 300k po sir! 300k!!!! WAAAH! pero cyempre utak ko na yung nagsasalita ng mga oras na yon.. pero astig yung car... ganda nung mags, ang linis ng loob, walang gasgas ang body, walang kalawang ang mga ilailalim... ang di ko lang nagustuhan ay automatic cya.. gusto ko kasi manual, para hindi mahiram ni gf. hehehe.

So kinuha ko nalang yung requirements nila at yung calling card para matawagan ko... so tuloy ang paghahanap... so from Sta. Rosa umabot ako sa San Pedro Laguna... ang target ko talaga ay ang Automobilico sa may SM Paranaque dahil dun ko nakita yung 97 model na 250k lang ang benta... pero matagal na yun.

so ang mga nakita ko ay 300k, 295k, 310k, 265k(ok na sana kaso medyo madami ng tama)
so nung nasa San Pedro nako dumaan muna ko sa bahay ng ate ko para magpahinga at dalawin narin ang mag asawa... tapos biglang nag text ang aking ama at pinauuwi ako ng 4PM dahil gagamitin daw ang sasakyan... pero biglang nagsabi na 8PM nalang daw at sunduin ko nalang sila sa Robinsons Sta. Rosa... at dahil ang init nga... dumaan muna ko sa isang barbero sa San Pedro at nagpa "uno" astig dahil balak ko talagang mag long hair next year kaso mo nga naman walang may gustong mag long hair ako! si GF sabi saken di daw cya magpapakita pag di ako nagpagupit, si BEstfrend sabi di na daw nya ko kakausapin dahil scary daw ako, si COB sabi di daw bagay saken.. dyos ko edi cge uno kung uno! pero astig... talagang unang dadaanan ng barbero pag nagpa uno ka eh ung gitna talaga ng ulo.. talagang no turning back na dahil kung mag bago isip mo.. hala mukha kang gago... may hati sa gitna.. dyos ko! MR.T na mali.

Tapos dumaan naman ako kala Totoy at dinalaw cya.. tambay ng konti.. inom softdrinks kamustahan balitaan, tanungan ng kasal, ng plans, ng buhay... batian ng Merry Christmas at happy New Year... May pamangkin si Totoy... pinakilala nya ko.. siguro mga 4 years old palang cya... astig kasi sabi ni Totoy Ninong daw ako edi cyempre tawa ko ng tawa.. tapos lumapit ung bata sakin at nagmano... eh wala kong pera hahaha! tapos biglang nag kiss! hala gusto ko ng ibigay cellphone ko para isangla nya at ibili nya ng candy! so after ng tambay kala totoy.. balik ako sa bahay ng ate ko at nakiligo dahil madaming buhok ako sa katawan... aba after ng shower... gumwapo ako hahaha! astig! daldalan ng konti... dalaw yung isang client ng video machine.. astig.

Tapos mga 6:00 larga nako papuntang Robinsons... doon bumili ako ng panregalo para aming christmas party.. hindi nako nakapag shopping sa glorietta kasi nga.. nag celebrate kami nila Marco... pero balak ko bumalik talaga don para ibili ng secret ang aking isang kapatid... na babaeng batang bunso na hindi si mabel.. asa mabel hehe.

Bumili rin ako ng Bag dahil medyo natatamad nako mag backpack tsaka gusto kong itreat ang sarili ko.. gala ako ng gala sa Robinsons.. nalimutan kong may malaking butas pala yung suot kong T-Shirt sa likod.. napansin ko nalang sa bahay na ang lake pala talaga.. no wonder di ako gaanong pinapansin ng mga sales pipol hahaha tas kalbo pako na madaming balbas.. hahaha holdaper to the highest level! hala bakla na!

Tama na mag autolink muna ko!

Tuesday, December 27, 2005

Reunion to da Max!!!



At biglang bumaba ang mga anghel sa langit at itinuloy ang aming reunion... although hindi lahat ng inaasahang makakapunta ay nakapunta, astig parin dahil nagkasama sama parin kaming magkakabarkada and nagdatingan din naman ang mga taong hindi mo talaga inaasahang makapunta kaya astig!

Konti lang ang handa namin ng araw na yon.

1. 2 Fundador
2. 25 bottles ng Sanmig Light
3. 4 1.5 liters na softdrinks
4. 3 kilong adobong ribs
5. Sopas
6. Hotdog
7. Siomai
8. Ham
9. Carbonara
10. Fruit Salad
11. Sitsirya (nagaraya, etc)
12. Squidballs
13. Orlians
14. Chicken Balls
15. Kikiam
16. Mango Pineapple Candies

Umarkila ako ng videoke machine, cyempre hati hati kami dahil 1,500 ang isang arkilahan ng ganun, so habang hinihintay ang videoke, nag pingpong muna kami. Astig dahil for the first time nakapag doubles kami sa Pingpong, at ang hirap pala ng doubles dahil salitan ang laban.. eh hindi ako sanay!



Inaasahan ng lahat na yung barkada namin na si BRIAN ay makaksama namin sa occasion dahil umuwi cya sa pinas from Brunei.. ang kaso mo nga naman, inuna ata ang pambababae bago makipag kita samin. Kaya sorry nalang cya at wala cya sa araw na un.. minsan lang sa isang taon. hehehehe!



Ang mga dumatin ay si Ronald, Ces at ang kanilang bhebhe, Manny at Menggay at kanilang bhebhe, Mark, Joyce, Ara, Tina, Mela, Dale, Chad, Mabel, Matt.



Di ko inaasahan na marami raming dadating kaya astig ang feeling.. never felt happier.



Kainis lang talaga dahil nagalit si GF saken netong araw na to dahil hindi ko cya nakausap kasi busy ako sa pag entertain sa mga barkada kong nun ko lang nakita.. nu ba yan!

Sunday, December 25, 2005

ang pasko ay sumapit

Unang una, Happy Christmas sa inyong lahat mga barkada kong nagbabasa ng aking munting blog!

Malamang nung sabado medyo busy din ang cellphone nyo kakatunog, at kakatanggap ng mga Merry Christmas Messages... astig maka receive nito, ibig sabihin lang talaga naalala ka nilang batiin ng pasko and astig talaga. Nakakatawa rin basahin yung mga messages ng TATAY ng mga inaanak ko.... mga tipong messages na kulang nalang sabihin nilang.. WAG KA TATAKAS KUNDI HAHANTINGIN KA NAMIN!!!

Nakakalibang din makatanggap ng messages sa mga taong hindi mo inaasahang magpapadala sayo ng messages. Isa na dito ay ang aking ka versus na si Daisy. Sa mga hindi nakakakilala sa taong ito, cya ang isa sa mga cute ng girls na dumapo sa buhay ko at ginawang mala circus ang pangaraw araw kong buhay sa office. Hindi ko malilimutan tong taong to dahil ang sarap sarap nyang kasama, nakakatawa talaga and take note.. malakas kumain tong bata nato ewan ko lang kung bakit hindi nananaba.

Isa cya sa mga taong nag text saken at ang merry christmas and tuwa talaga ako dahil akala ko pag ang isang tao ay umasenso at hindi na ma reach ay hindi ka na maalala nyan hahahaha! buti nalang di cya nag babasa ng blog ko hahahaha! So nung Christmas evening ninakaw ko ang celphone ng aking father dear at akin cyang tinawagan. As always sakto lagi ang timing ko... laging wala sa timing.. kasi matutulog na cya. pero hindi ako pumayag na antukin cya sabi ko minsan ko lang cya tatawagan kaya makipag daldalan na cya saken... todo kwento naman, masaya talaga... di ko alam kung gano katagal kami nagusap pero alam ko matagal kasi ako na mismo ang nag bye bye kasi antok nako.

Ang lakas parin mangasar, wakwak nanaman ang aking dukhang pagkatao sa kanyang mga panlalait pero astig eh... sanay na hahahaha! sa bago ko ngang lugar may ganun din manghamak saken... pasalamat nalang cya mabait ako kundi isusumbong ko cya kay prof dumbledore dahil di cya marunong mag turo ng devination ng ayos hahahaha!!!

Kwentong kung ano ano ang laman ng aming usapan, kamustahan sa trabaho, pataasan ng sahod, pa yabanangan ng kung ano ano, tuksuhan sa mga guys at girls at cyempre ang walang humpay na kamustahan sa lab layp... as in may magbabago pa sa lablayp nya ha hehehehehehe, eh tinadhana na ata ng dyos na maging sila ni BF nya eh.

Daldalan gang akong antukin at bigla ko sabihin.. antok kana? ako antok na eh. bye na merry christmas hehehe astig.

Tuesday, December 20, 2005

Reunion Galore

Dadating na ang christmas and eto nanaman kaming magkakabarkada, nag paplano nanaman ng aming reunion.... teka hmm... kelan ba natuloy ang mga planadong reunion??... wala ko maalala eh... parang pagpinaguusapan eh pag tagal ang usapan ay nauuwi sa mga dating pagibig.. bat ganon??? kahit saang pagpaplano doon nauuwi? astig pero grabe.... hahaha may nalalala ako!

Anyway... i edit ko nalang tong post na to pag natuloy na ang aming reunion or kung ano man ang plans namin.. kasi kanina nag daladlan ang napagusapan lang ay tungkol sa kamanyakan ni Brian eh.. hahahaha!!! ASTEG!

Sunday, December 18, 2005

Pensieve...

Kung napanood nyo, or nabasa ang Harry Potter malamang ay familiar kayo sa Pensieve... ito ay yung parang bowl na pinaglalagyan ng mga memories ni Dumbledore para hindi nya ito malimutan... or para hindi nya ito laging bitbit.. para sakin tong blog na to ay parang pensieve din.. tambakan nga mga memories na ayaw kong makalimutan... or gusto kong iluwal sa aking isip para gumaan naman ang pakiramdam ko... ang kaso nga lang naman... tong pensieve kong ito ay accesible ng maraming tao.. oks lang dahil di ko naman kilala yung ibang napapadpad dito eh.. so anyway... mag kwento lang ako sa aking blog.

Kanina after ng christmas party ng DiaVox sa I.O. kung saan kasama parin ako, mga 2:00 AM natapos yun eh.. at dahil medyo natatamad pa kami umuwi ni Francis, we decided na ituloy ang inuman namin sa gilligans sa may glorietta. So from Jupiter, naglakad kami sa may Makati Ave. hangang Glorietta... hindi pala biro na lakaran ang ginawa namin dahil ang layo.. astig dahil first time ko nalakad ang lugar na yon... enjoy din naman dahil napapaligiran kami ng christmas lights.

Pag dating namin sa Glorietta malamang baka pasara narin ang Gilligans kaya tumambay nalang kami dun sa parang maliit na garden... nagpahinga dahil nga sa layo ng nilakad namin... malamig ang gabi, marami rami din kaming pinagusapan. May kanya kanya kaming problema ni Francis, pero kung tutuusin ay parang pareho lang naman.. sa bandang dulo lang talaga nagkaiba. Hindi ko na ikwento ang problema ni Francis dahil hindi nya naman blog to... akin to.. saken naman, di ako sure kung problem ba talaga ito or what..

Taena naman blog ko na nga ito nagdadalawang isip parin ako isulat yung mga nasa isip ko pathetic shet!! TAENA!!

DYOS KO LORD GOD HEAVEN ALL MIGHTY! IBALIK NYO PO ANG PANAHON KAHIT 1 MONTH LANG PLEASE! KUNG ANO MAN ANG NAGING KASALANAN KO AAYUSIN KO PO YUN LAHAT! MAY MGA BAGAY NA AYOKONG MAGBAGO!

kung pwede ko lang isigaw lahat yan ginawa ko na kanina pa sana... kaso ayokong mangbulahaw ng kapit bahay...

Nilalagnat ako ngayon, buryong at windang... may konting poot at tanong sa aking isip...

may word of the year na pala ko... word na hindi ko malilimutan sa matagal na panahon... sabagay 1 word lang to... pano ko ba naman to malilimutan... Weird noh? pero astig kasi dahil sa salitang yun na confirm ko lahat ng tanong sa aking utak na medyo nag bukas ng mga panibagong tanong pero at least yung unang tanong sa utak ko ay confirmed na.

bakit kaya ganun noh, yung mga bagay na importante sayo eh talaga yun pa talaga yung mawawala sayo. Siguro nagkakaganun lang dahil nga importante sayo ang isang bagay feeling mo eh kinuha na agad sayo... di ko rin maintindihan ang logic pero badtrip talaga minsan eh.

Pero meron pang isang side ang lahat ng pinagsasabi kong ito, pwede rin naman na ako lang pala ang may problema at masyado lang akong nagpapa apekto at nagiging sensitive sa mga bagay bagay sa paligid ko. damn talaga, astig na sana... grabe ang hatak parang pati yung pagka excited ko sa pagbili ng sasakyan nawala.. parang mas gusto ko pa ngayong gamitin yung pera kong naipon para mag resign tapos ipangbayad at mag take ng risk pra makapag trabaho sa UK...

Hmmm siguro nga ako lang ang may problema, iba talaga ang taong windang... masayahing windang... haay work mode nanaman bukas... kakatapos ko lang mag gawa ng sideline ko which isa talagang delayed na delayed na... bahala na.. kaya nga hindi ko muna gagastusin tong bayad saken para kung magka problema eh ibabalik ko sa kanila ng buong buo yang bayad nila kesa naman magmroblema pako sa mga kaabugaduhang ek ek... ang galing noh? bigla akong nag shift ng topic.. gago kasi ako eh.


Astig pare!


Click! Click! Click!


Tudoinks!

Gusto ko sanang idaan nalang sa poem tong post na ito para atleast mahirap I decipher.. kaso ngalang damn.. wala ako sa poetic mood! Ni walang tumatakbo sa utak ko.. ngaun naka 3 nako na "Something Undefined" astig pero hindi rin eh.. kasi ang something undefined ay na cocompose ko lang out of sadness...

Friday, December 16, 2005

Something Undefined...


Something Undefined III
Unmasking…

Once again I suffer… History repeats itself…
I look up into the vast sky…
I ask god if this is supposed to happen…
If this is his will… so be it…

I unsheathed my sword… as I face my invader…
With all the strength I gave it my final slash…
Unmasking the truth as I ran the sword through its body…
And what I’ve seen surprised me the most…

Once more I nearly become a victim of this false emotion…
To think that I nearly left my goddess undefended…
And though it hurts I need to learn its color…
Accept the fact that nothing from it is best…

I became a victim of my own stupidity…
Like a blunt sword in the middle of a battle field…
This is a test… I knew it… from god…
He wants me to realize it for my self…

The goddess that I searched for…
The goddess I need to keep…
For she saw me like no one else has been...
Though she sometimes act strange…

I nearly forget the fact, the reason that I found her…
I nearly forget why she’s unique from all the rest…
My goddess is the only one who sees my true self…
Beneath this rusted armor to my soul…

She gave me the respect that no one else gave me…
She lifted me up when I was on the ground…
She gave me the reason why I become myself…
She gave me the love that no other dared to give…

I resent myself for even thinking that everything is a loss…
This invader is nothing but a huge masquerade…
Changing of color is something very expected…
But never did I expect that it would change color so suddenly...

This action paved away to the truth…
That this creature is one and the same…
Mysterious... but with the same scent…
A false angel that I came to believe…

Now I made this realization… with tears in my eyes…
As I shove my sword deeper into the creature…
It gave out a loud growl… echoing in my head…
A mark that this has ended…


--------------------------------------oo000oo----------------------------------------

But the creature will never be forgotten… ever…
Once again fooled by this blind emotion…
A sudden burst, a tragic elation…
Victorious from the fight… with tears nor from joy or delight…

Wednesday, December 14, 2005

Falling and falling more - by Markus

Character 1: Tigilan na natin 'to. Nagsisimula pa lang tayo, I somehow know it's never going to work out. It's the world against us, can't you see? We'll just end up hurting each other more.

Character 2: But...

Character 1: Langit ka, lupa ako. You can never come down and I can never go up.

Character 2: Tell it to the falling stars.

Nabasa ko ito sa post ni Markus sa Barkada Blog namin nagandahan ako, tama nga naman... kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan... di ko lam kung tama interpretation ko pero parang ganun hehe

Adsense

... nag apply ako ng google adsense para magkadatung naman ang blog na to... at anong nangyari? WALA! DENIED ANG ANAK NG PATENG! ang rason! DI DAW SUPPORTED ANG LENGWAHE NA GINAGAMIT KO! nakanamputik naman oh! Adsense nonsense! palamuti na sana sa blog naging bato pa!

Maybe I should continue posting in english.. but how can I express myself freely? Owel thats life.. adsense nonsense!

Tuesday, December 13, 2005

Crazy

Naisipan kong mag post after kong mabasa ang post ni Francis nakalagay dun sa "ugly" part na gusto nyang sumigaw... eto lang pare, pareho tayo ng nararamdaman, pag nagkaron nako ng car punta tayo ng tagaytay at dun natin isigaw ang lahat ng gusto natin isigaw ng todo todo, walang pakialamanan basta sigaw lang. ilabas lahat ng frustrations sa buhay sa sigaw. magwala tayo don ng todo... ilipat natin sa hangin ang ating saloobin.

Thursday, December 08, 2005

Petiks mode

Isang uber petiks na araw sa office.... biglang binulaga ako ni Brian ng tula...

b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo..
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo ay isang batang mataba...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): pundyo ay mababa...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): siya ay mahilig kumain,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): pede rin syang ihain...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): sweet kung magmahal,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): nagbibigay ng teddy bear na pagkamahal mahal..
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): dating may motor,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): marami ding rumor...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): kain tulog ang paborito..
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): lalo na kung manok na pinirito...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo....
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): isa sa mga anak ni mang Banta,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): sya lang ang pinaka maanta...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): isang lalaki sa 3 magkakakpatid,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): kaya sya ay laging napapatid...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): oh benjo, isa kang hulog ng langit,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): hinulog dahil sa ubod ng pangit,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): ginintuang puso ang sandata,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): humanda na kayo mga pirata...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): benjo....
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): dahil sa ikaw ay mabait na bata,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): babawiin ko na lahat ng salita..
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo ay mataba,
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): un lang ang tama!
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): benjo...
b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): baw!

CYEMPRE GAGANTI AKO! HINDI AKO PAPAYAG! EDITED VERSION PA TO HA! hehehe

neovenjo (2:41:15 PM): si brian...
neovenjo (2:41:23 PM): isang batang uliran
neovenjo (2:41:32 PM): at laging nangangatwiran
neovenjo (2:41:47 PM): at may utot na makapangyarihan
neovenjo (2:41:56 PM): tuwing cyang natutulog
neovenjo (2:42:06 PM): katabiy nagkukumahog
neovenjo (2:42:17 PM): sa laway ay malulunod
neovenjo (2:42:25 PM): parang bahang hangang tuhod
neovenjo (2:42:33 PM): si brian...
neovenjo (2:42:48 PM): isang taong mahalay..
neovenjo (2:42:55 PM): kahit papatay patay..
neovenjo (2:43:07 PM): maraming taong pinaasa
neovenjo (2:43:26 PM): kahit na sa wala pa
neovenjo (2:43:37 PM): nakilala nya si may..
neovenjo (2:43:49 PM): natunaw parng clay..
neovenjo (2:43:55 PM): tapos dumating si anna..
neovenjo (2:44:02 PM): kinapos na parang sintunadong harana..
neovenjo (2:44:14 PM): dumating sa puso si megs..
neovenjo (2:44:30 PM): wala kong maduktong sa kanya..
neovenjo (2:44:48 PM): si brian..
neovenjo (2:44:55 PM): ng nagsimulang manligaw..
neovenjo (2:45:10 PM): parang asong naliligaw..
neovenjo (2:45:15 PM): biglang naging makata..
neovenjo (2:45:23 PM): kahit dati ay lalata lata..
neovenjo (2:50:03 PM): bahoy kahit umaalingasaw..
neovenjo (2:50:16 PM): pilit itinatago sa tanglaw..
neovenjo (2:50:31 PM): sige may motor ako noon..
neovenjo (2:50:42 PM): si brian ay nakikigamit non..
neovenjo (2:50:58 PM): sumemplang ngusoy namaga..
neovenjo (2:51:39 PM): para kinagat ng sanlibong daga..
neovenjo (2:52:00 PM): nanghahalik kapag natutulog..
neovenjo (2:52:06 PM): kahit lalakiy binubulabog..
neovenjo (2:52:19 PM): kabaklaay sumasabog..
neovenjo (2:52:29 PM): minsay gusto na talagang mabugbog..
neovenjo (2:52:42 PM): tatapusin ko narin ito..
neovenjo (2:52:55 PM): sobrang petiks grabe nato..
neovenjo (2:53:04 PM): pagkamakatay nasasayang lamang..
neovenjo (2:53:16 PM): kay brian na isang hunghang..
neovenjo (2:53:22 PM): BAW!

Yan dahil sa sobrang ka petiks namin dalawa kami ay naging makata..

Saturday, December 03, 2005

sari sari

Maraming kakaibang nangyari sa buhay ko ngayong linggong ito, maraming bagay na iniisip... sa dami ng aking iniisip medyo na apektohan ang trabaho... alam naman natin na ang trabaho ko bilang isang taong dumudutdot sa kompyuter ay kelangan ang isip para maayos ang trabaho.. pero kung ang utak mo ay windang... siguradong mag kakaproblema ka..

sa ibaba makikita nyo ang manika na bigay ko kay gf nung anniv namin.. nakatatak na yan sa utak ko ngayon.. nakalagay sa memorya ko ang moment na yon.. ibinigay ko ang manika at nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.. masaya astig talaga.. matapos ang gabi na yon.. simpleng gabi ng pag bibigay ng regalo... parang nabawasan ako ng konting problema... nabawasan ako ng iniisip... pero hindi papala tapos ang lahat.

Badtrip talaga bat lagi nalang ganito ang post ko! wala na ba akong post ngayon na masaya? puro kadramahan nalang ba ang naisusulat ko ngayon.. sige ibahin ko nalang ang usapan..

Isa pang iniisip ko ay ang pagtupad ng aking isang pangarap.. simpleng pangarap lang naman na magkaron ng sariling sasakyan... cyempre sa umpisa ang gusto kong car eh yung simple lang.. pero yung may dating din naman... pero cyempre mahal yung mga sasakyan na asteg. Sa ngayon nasa bank lahat ng pera ko, nakatambak sila don para pag umabot na ang ipon ko sa halagang kailangan ko.. maguumpisa nako mag hanap..

Ang maximum na kaylangan kong pera ay nasa 125,000 lang naman... sa halagang ito sigurado nakong yung sasakyang mabibili ko ay maganda na at yung tipong trip na trip ko narin. pero wala pa sa kalinkingan nito ang ipon ko... tyagaan lang naman yan eh.. sabi nga saken ng barkada ko "Expect the worse and hope for the best" tama cya diba? kung aasa asa akong magkakaron tapos biglang hindi natuloy.. diba shet? kaya hindi na ako masyadong umaasa kasi... madaming beses ng nangyari sa buhay ko na napaasa ako sa wala eh.. nakakapagtampo na nga minsan, pero anung magagawa ko... isa lang akong simpleng tao sa mundo... wala tayong magagawa kundi ang ngitian nalang ang lahat at magpasalamat sa meron ka ngayon.

Excited ang pakiramdam ng pinaghahandaan mong tuparin ang isang pangarap... lagi mong iniisip.. lagi kang nangangarap... sabihin nating materyal na bagay lang naman ang sasakyan... tsaka sasakyan lang yan... pero para saken iba eh... simula ng matuto akong mamasahe nangarap nako na magkaroon ng sariling sasakyan.. sasakyan na hindi regalo, hindi pahiram... gusto ko yung sasakyan na talagang pinaghirapan ko, ginastusan ko... kasi alam ko na kung ang isang bagay ay pinaghirapan ko.. pag iingatan ko ito ng husto.. tulad ng computer ko sa bahay... lagi kong pinupunasan labs na labs ko yun kasi pera ko ginastos ko sa pagbili nito. Ngayon sasakyan naman ang gusto ko... pag natupad to pwede ko ng sabihin sa sarili ko na may na accomplish nako sa buhay ko, at least isa sa mga dreams ko...

Pag natupad ang car eto ang gagawin ko...

1. Ihahatid ko si mama sa Prayer Meeting nila sa Paranaque... sasama ko sa kanya dun magpapasalamat ako kay God.

2. Pupunta ko sa tagaytay... papakiramdaman ko lang ang malamig na hangin ng tagaytay habang nabyahe ko.

3. Igagala ko ang aking mga kaibigan...

maraming marami pang iba...

Sana matupad ang dream kong ito... salamat sa mga sumusuporta na matupad ko tong isang dream ko dahil promise kung anung dream nyo susuportahan ko din kayo... suportahan tayo..

Sana matupad tong sasakyan na to bago mag end ang december, gusto kong igala si Brian para mameet din ang aming long lost friends.. joyride tayo! this time four wheels na!

Thursday, December 01, 2005

Astig

Umuwi ako kahapon ng maaga dahil b-day and anniv namin ni GF, dumaan ako sa mall para maghanap ng gift.. ang nasaisip ko talaga na gift ay higanteng stuff toy... para malala nya ko lagi..

Image hosted by Photobucket.com

diba magkamukha? pareho kaming cute hehehe. "kapaaaal!"

Tas ginawan ko naman cya ng poem, enclosed sa binili kong card... nakakatuwa nung binili ko yung bear kasi yung mga sales lady kinikilig. Pag dating sa counter yung girl na bagger eh niyayakap naman yung bear.. astig.. ang sarap maging bear. Pag sakay ko sa Bus parang may artistang sumakay dahil halos lahat tumingin saken dahil sa bitbit ko, tas dahil di kami kasya pag kinalong ko cya.. ibinayad ko pa cya sa bus.

Pag uwe, drive papuntang Calamba, pakantakanta pa nung nakarating ako... aba tulog na. Ginising pa sya at cyempre di ko muna ibinaba sa bear.. kuwari wala akong bitbit, yung card itinago ko sa binti ko..inipit ko dun habang nakaupo ako... so dating na cya chikahan ng konti tapos sabi ko wait lang may ayusin lang ako saglit sa car..

So pagbalik ko dala ko na si Bear.. tuwa si GF ang kulit ko daw.. haay salamat ngumiti din.. nalimutan na ata ang galit nya saken.. so after ng konting chikahan nagpaalam nako at umuwi.. pag dating ko sa bahay.. nag dive at nakatulog.

This weekend ipagshopping ko naman cya... kahit anung gusto nya basta swak sa budget... hmm.. san kaya may mamisong mga damit??