Bagyong Millenia
Thursday, like any other day... nagising ako ng late dahil nga malamig ang hangin... masarap matulog... sabi ko mag halfday nalang muna ko ngayon kasi sarap matulog... si papa umalis na bumyahe na pa batangas, si mama nagpunta na ng resto para magbantay... ako nakonsensya... nagbihis nako at umalis. Mahina hina pa ang hangin nung umalis ako, medyo maykalakasan pero hindi nakakarimarim... so ok lang byahe ako, sa daan normal pa lahat mga puno sumasayaw kasabay nga hangin, mga tao pakalat kalat papunta sa kanya kanyang trabaho... ako dumaan muna ko sa resto para mag agahan, nabasa pa nga ako ng ulan nun kasi yung malakeng truck ng tube ice nag deliver at nakaharang sa parking ko, napalayo tuloy ako... so ayun... natapos ang breakfast, nag balot ako ng lunch para sa office at lumarga nako pa office.... Ang simula ng lahat... Papalabas ng expressway at dun ko na naramdaman na lumalakas ata ng todo ang hangin, kada buga ng hangin ung sasakyan ko parang nauuga... sa daan kita ko na may mga n...