Friday, June 24, 2005

Kotse lumapit ka saaken!

Nag babalak kami ng father ko na mag inquire sa Car Buy and Sell sa may Balibago. Gusto kasi namin bumili sana ng 2nd hand na bago bagong modelo ng sasakyan. Mula ng magkaron ako ng pag iisip hindi pa kami nag kakaron ng brand new na sasakyan... na maganda.. laging truck, jeep, kotseng bulok na 1970's model pa ata ang nagiging sasakyan namin dati.

Sa ngayon ang pangarap ko talaga.. mababaw lang naman ang pangarap ko.. ay ang magkaron ng Crosswind.. hindi ung simple gusto ko yung crosswind na astig! Gusto ko kasi ung tipong madami akong maisasakay na tao para masaya madami ako pwede i angkas, masarap igala diba.. diesel pa!(ata)

Meron akong project na itinutulak na pag ito ay naging successful ay magbibigay sakin ng at least 60,000 na kita. pwede ko na gamitin to para pang downpayment sa financing ek ek na hindi ko pa naiintindihan. Inaasahan ko na this year magkakaron na kami ng bagong sasakyan na aircon, madaling I drive at gumagana ang handbrake at hindi ito palamuti lamang sa sasakyan.

Sana lang talaga wag mag ka letse letse ang mga bagay bagay. Gusto ko talaga magkaron ng sasakyan this year... Buti nalng medyo nalakas na ang Quicktrans madami ng nag eenrol madami ng hits ang website namin.

Gang dito nalang... wala muna kong sasabihin bout the Gloriagate scandal dahil si Gloria Fucking Shit ARroyo naman ay hindi pa nag sasalita tungkol dito.. napuno ata ng tae ang bibig..

Friday, June 10, 2005

At nabuhay muli!

Sa wakas nagkaron din ako ng chance para makapag update ng blog. Masyado kasi akong busy ngayon dito sa bago kong pinagkakaperahan kaya eto hindi ko maupdate ang aking blog. Madami ng nangyayari sa paligid, jueteng, phone conversations pero sa ngayon parang wala akong pakialam sa lahat na yan... well actually masaya ako sa mga balita at lumalabas na ang dumi ni GMA na matagal ng obvious kaso binabalewala nalang.

Siguro mag bibigay nalang ako ng opinyon ko tungkol dito sa mga isyu na to.. unahin naten ang jueteng scandal na yan...

Para sakin kasi ok lang naman ang may jueteng eh... di naman ako naaapektohan ng jueteng, ang mga tumataya naman dito at nanalo ay nagkakaron ng instant pera sa maliit na puhunan, sa tingin ko ang mga isyung nag susulputan tungkol sa jueteng payola na yan ay dahil na iingit lang yung iba dahil hindi sila makagatas sa jueteng na yan. Yan lang ang masasabi ko sa jueteng na yan para sakin naman kasi eh basta nakakatulong sa mahihirap ay ok lang.

Tungkol naman sa tapped phone conversations na yan... nakakatuwa lang na niluto sa sariling mantika ngaun ang malacanang dahil inamin agad nila na si GMA ang nag sasalitang babae sa telepono, kahit anu pang gawin nilang pag bago bago sa conversation na yan, iisa rin naman ang lumabas diba? So... yun lang din ang masasabi ko jan...

oo nga pala 3 weeks nakong nag tatrabaho sa bagong lugar, ok naman ang trabaho, masaya, mahirap na malungkot. Pero sabi nga nila kelangan talaga mag tyaga kung gusto mo umasenso, kaya eto ako ngayon kayod marino. 12:37 na dito sa opis eh nandito parin ako... at nag blog, pag kakataon na kasi, hindi ako nakakakuha ng ganitong tyempo pag umaga.

Wala pa gaanong interesting na nangyayari sa buhay ko ngayon kaya wala pa akong masyadong maikwento. And the fact na alam ng ate ko ang blog site ko ay hindi naman talag ako makakapag kwento lalo na ng aking mga sikreto... DIBA MABEL! ASA KA WALA KANG MABABASA DITO! kaya mensahe ko sayo yan aking giliw na kapatid... ASA KA! hehehehe

Geh mga boys and girls hangang dito nalang... hangang sa muli! Paalaaaaaam!!!!!