Bagyong Millenia
Thursday, like any other day... nagising ako ng late dahil nga malamig ang hangin... masarap matulog... sabi ko mag halfday nalang muna ko ngayon kasi sarap matulog... si papa umalis na bumyahe na pa batangas, si mama nagpunta na ng resto para magbantay... ako nakonsensya... nagbihis nako at umalis.
Mahina hina pa ang hangin nung umalis ako, medyo maykalakasan pero hindi nakakarimarim... so ok lang byahe ako, sa daan normal pa lahat mga puno sumasayaw kasabay nga hangin, mga tao pakalat kalat papunta sa kanya kanyang trabaho... ako dumaan muna ko sa resto para mag agahan, nabasa pa nga ako ng ulan nun kasi yung malakeng truck ng tube ice nag deliver at nakaharang sa parking ko, napalayo tuloy ako... so ayun... natapos ang breakfast, nag balot ako ng lunch para sa office at lumarga nako pa office....
Ang simula ng lahat...
Papalabas ng expressway at dun ko na naramdaman na lumalakas ata ng todo ang hangin, kada buga ng hangin ung sasakyan ko parang nauuga... sa daan kita ko na may mga nakakalat ng sanga sanga ng puno at mayron ng tumbang poste... sa loob loob ko... papasok pa ba ako???
Mahaba ang pila sa tollgate, maraming sasakyan din ang papalabas ng sta rosa...habang nag aabang sa pila biglang may kumalabog sa gilid ng sasakyan ko, "BOG!!!" (sound effects para cool) - tinamaan ng lumilipad na sanga ang gilid ng kotsi... nataranta ako, hindi pa nga gawa ang yupi sa likod ng kotsi mayuyupi pa ang gilid! pero di ko muna pinansin at tuloy ako sa paghintay sa pila ng toll.. Pag dating sa tollgate nakita ko na sinarhan na pala nila ito at ang mga sasakyan ay pinababalik na... so no choice kundi bumalik.. nung una badtrip.. pero pag tagal.. na realize ko na ok ang decision nila... lalo na ng balikan ko ung kalsadang dinaanan ko ay ibang eksena na ang aking nakita... Marami ng punong bagsak, mga yero nakakalat na sa kalsada, mga billboards bagsak na... talagang humahataw na ang bagyo... at hindi pala cya simple.. tarages.. hindi baby ang bagyo.. tatay na tatay palang bagyo ito!
Sa resto ako dumeretso para sumilong, para malaman narin ni mama na hindi ako tumuloy... wala ng kuryente nun... nakakandila nalang sila sa resto at walang taong nakain... malakas na ang hangin at ang ulan... ipinarada ko ang kotsi sa harap ng resto... at pumasok sa loob... sa loob napansin ko na yung mga tao namin ay nakatingin lang sa labas, nung tanungin ko kung anong tinitingnan nila, sabi nila, " ayun hinihintay namin liparin ung mga tindahan dun" at yun nga, sa harap ng resto may mga tindahan ng muslim... nag titindan ng mga charger, ek ek ek ek... at yung kanilang maliliit na tindahan ay unti unting winawarak ng bagyo. nakakaawa ang eksena... yung mga muslim na babae nag iiyakan, habang yung mga lalake nag sisistakbo hinahakot nila yung mga paninda nilang naiwan sa tindahan nilang sinisira ng bagyo.
Nanginginig sa lamig ang mga muslim kaya ipinagtimpla namin ng kape at sinabihan naming ipasok nalang yung mga paninda nila sa loob ng resto para hindi liparin ng hangin at baka mawala pa. Mayamaya humupa bigla ang bagyo, yung mga tao biglang nagsilabasan na sa pagsilong at dun kitang kita ko ang sira sa mga tindahan sa paligin ng resto, mga sirang billboards, mga trapal, mga yero na nagkalat mga kahoy at iba iba pa. Umuwi muna ko para tingnan ang bahay, tumutulo kasi ang bubong namin sa may sala at kelangan malinis ito bago magbaha sa bahay.
Ang eksena sa kalsada nung ako ay pabalik na ng bahay... mga puno na nung una ay sumasabay sa hangin... ngayon nabunot at natumba na... nakaharang sa kalsada... baha sa ilang bahagi ng daan.. mga yero nakakalat, mga sanga ng kahoy... may nakita ako na tricycle na nadaganan ng bumagsak na puno.. ang mga punong nabunot ay hindi rin basta basta, mga punong mangga na ilang taon ng nakatayo... naglalakihang puno ng ipil ipil atbp... ang ilog na dinaanan ko ay halos umapaw narin... dahil nga sa paghupa ng bahagya ng bagyo ang mga tao ay unti unting lumabas upang ayusin ang mga nasira sa kanilang paligid.. may mga nag pupukpok sa bubong, mga nag puputol ng puno, naglilinis ng kalat... ng dumating ako sa subdivision namin, nagulat ako ng salubungin ang sasakyan ko ng aso namin... ang aso namin na nasa loob ng garahe namin... sinara ko ang gate bago ako umalis... at dun ko nakita.. ang puno ng mangga sa gilid ng garahe namin ay natumba pala... bumagsak sa pader namin at ito ay nasira, ang puno sa loob ng garahe namin ay natumba din.
Ipinarada ko muna ang sasakyan sa labas ng bahay, pag pasok ko sa bahay laking gulat ko dahil ang aming sala ay lubog na sa tubig... derecho ako sa likod bahay at dun ko nakita ang mga polo ko na naglulutangan na sa baha, agad kong kinuha ang mga ito at inilatag lang muna sa isang tabi. Kumuha ako ng itak at tinabas ko ang mga sanga na sumabit sa kable ng telepono namin... tinabas ko na lahat at tuluyang kinalbo ang puno... yung mga hollow blocks naman na nagkalat sa garahe ay isa isa kong pinulot at itinapon muna sa tabing bahay... iniayos ang mga nagtumbahang chinese bamboo at iba pang halaman... at dun ko na ulit naramdaman... habang nag tatabas ako ng puno... naramdaman ko ulit ang hangin.. at narinig ang nakakatakot na huni nito... sabi ko sa sarili ko... eto na... eto nanaman ang bagyo.. lumagpas na kami sa mata ng bagyo at eto na ang buntot nito..
Ang pangalawang yugto...
Agad kong iniligpit ang mga kalat sa garahe, isinara ko ang gate at pumasok sa bahay... habang patuloy sa pagbagyo ay minabuti kong tuyuin ang baha sa loob ng bahay... ginamit ko lahat ng aking maruruming damit na cotton para ipang tuyo sa tubig na pumasok sa bahay, dahil cotton ito at masmadaling sumipsip ng tubig at pigain... matagal tagal din ako nag patuyo dahil nga tuloy parin ang bagsak ng ulan... nakakatakot ang tunog sa labas, ang huni ng bagyo ay nakakarindi... ang mga langitngit ng yero namin ay nakakasulakaw... ang tunog ng mga nagwawalang puno ay nakakadagdag sa takot... napansin ko rin na ang gate namin na binabayo ng malakas na hangin ay unti unting nabubuksan... ilang beses din akong lumabas upang isara ito... nasaip ko tuloy si mama na naiwan sa resto at lalo na si papa na bumyahe pa sa batangas... maya maya pa ay narinig ko na ang tunog ng sasakyan ni papa... tuwang tuwa ako dahil nakauwi cya mula sa kanyang byahe halatang ngarag ang sasakyan nya sa dami ng bahang nilusong nito, may dala cyang pananghalian kaya cyempre lalo ako natuwa, gutom na gutom nako eh!matapos kumain, pumasok si papa sa kwarto para mag pahinga, ako naman ay pinagpatuloy ko ang pag lilinis sa sala hangang sa makita kong ang bagyo sa labas ay dahn dahan ng humihina... papunta na ng manila... matapos ang pagpatuyo sa sala ay nagpahinga muna ko... naidlip ako ng saglit.. nagising ako bandang alas kwatro at lumabas upang tingnan ang sitwasyon sa labas... laking gulat ko ng makita kong parang ilog ang labas ng aming bahay... malakas na agos ng tubig ang tumambad saken... nakakapagtaka dahil hindi naman ganon nung nabagyo pa, bakit kung kelan wala ng ulan ay ganto ang baha... ang dahilan pala ay binuksan ng Asia Brewery ang Dam nila sa factory dahil paapaw na ito, ito ang nagpabaha sa aming bayan nung mga sandaling iyon, umabot din hanggang kalahati ng binti ang tubig baha, malakas ang agos kaya medyo nakakatakot...
Dumidilim na at wala kaming komunikasyon kay mama sa resto dahil nga walang signal ang celphones at ang landline naman ay putol, dahil nga nagaalala ako minabuti ko nalang na ilusong ang auto ko sa baha upang sunduin si mama, takot na takot ako dahil parang naging bangka ang kotsi ko habang binabaybay ang kalye, naglakas loob nalang ako at nagdasal na sana ay wag ako tumirik.. nakarating naman ako ng ayos sa resto pero sarado na ito.. nagkasalisi na kami ni mama... umuwi ako at malipas ang ilang sandali dumating narin si mama sa bahay... nakahinga na kami ng maluwag dahil sama sama na kami sa bahay.
Walang kuryente pero malamig kaya mabilis akong nakatulog ng gabi... mahimbing na mahimbing... tila walang nangyari nung araw na yon...

Comments