Sunday, January 22, 2006

CONGRATS MANNY PACQUIAO!

SYEMPRE DAHIL MASAYA AKO HINDI KO IINGLISIN TONG POST NA TO!!!!

Umaga ng linggo tol.. aga kong nagising... cyempre dahil hindi ko sinuot ung polo kong orange sa office dahil sa kadahilanang nakakatawa.. yun nalang ang sinuot ko papunta ng simbahan.. wala naman kasing cubicle na orange and blue sa church eh... so after ng mass dumaan ako ng 711 at bumili ng c2 ang el paborito kong drink... dahil 40 pesos lang ang cash ko... talagang todo tipid.

Pag uwi ko tsaka ko lang naalala na may laban nga pala si Pacman... buti nalang naalala ko.. So buksan ko muna ang PC ko... at dahil naiwan ko ang internet kong bukas magdamag... naubos ang prepaid ng walang katuturan. Tapos biglang sumigaw si papa.. BENJO!! UMPISA NA!! so taka naman ako.. ang aga pa ah! mga 9:20 palang ata un..

So karipas ako buksan ko TV at ayun nga si Pacman at Morales... round 2 na... so grabe SIGAW AKO!! SUNTOK SA HANGIN!! TALON!! super excited! tapos tuwang tuwa ako tapos biglang nagka ka cut si Manny sa mata... sigaw ako NANAMAN!!!! WAAAH!!! tuwang tuwa talaga ko kasi walang commercial whatsoever! ang saya... inisip ko binili ng Solar Sports ung buong rights at parang donation sa mga pinoy. Tapos umabot ng round 12... talo si pacman!! waaah!!! SIGAW AKO NG SIGAW!! DEPRESSED AKO NG TODO!!!! pasok ako sa kwarto... laro ako YURI... tapos un na... nagsismula na sa Channel 2.. pinatay ko na TV kasi alam ko eh late ung sa Channel 2..

Tapos ETO NANAMN SI PAPA! SUMIGAW NANAMAN! BENJO!!!!! REPLAY ATA UNG NAPANOOD NATEN!!!! tapos naalala ko nga... MUKHA NGANG REPLAY YUN AH!!! Takbo ko palabas di ako makapaniwala! anak ng tokneneng! REPLAY NGA!! Tawa ng tawa si Mama pinagtatawanan kami dalawa ni Papa kasi super excited pa kami habang nanonood nung umaga eh REPLAY NAMAN PALA ANG HUDAS! nanlata akong ewan bigla! parang shet naman nagamit ko na yung excitement boxing energy ko kanina eh!! tapos un nga... undercard ang naglalaban... at pinakita si PACMAN.. ang putik! puti ang trunks! eh pula ung kanina kong napanood! wahahahahaha replay nga! pasok akong kwarto PC games muna sos asa pa sa commercial... singdami!

Habang busy sa paglalaro ang mga inaasahan kong text ay nag datingan na isa isa... mga nag spoil ng excitement... mga predictions ek ek.. sabi 4th round daw TKO si Pacman..edi kala ko totoo... tapos biglang may sumunod na text... 4th round daw TKO si Morales.. nalito nako.. sino ba talaga! tapos may nag text... 5th round daw TKO si Morales... wahahaha nako exciting na ulet! tapos nag text nanaman 8th Round daw TKO si Pacman... nyorks! tapos meron pa 10th Round TKO si Morales... wala nakong pinaniwalaan cyempre... tutok nalang ako sa TV ulet... nood nalang ako... dami chismax eh.. buti nalang hindi consistent hehehe... walang lunch lunch! actually nakapag lunch ako.. nag roast ako ng manok at porkchop... tapos tumawag ang ate ko.. hinahanap kuwari si mama.. na sa totoo lang eh sisirain din ang aking araw...

Sabi ... Benjo si mama? sagot ko.. wala eh umalis.. cge bye... sabay baba ng phone HAHAHA! asa! kala mo ha! tapos un nga... habang lumalagpas ang bawat round.. tinatapyas ko isa isa ang mga chismax... hanggang nag round 10... pUTEK TAOB SI MORALES!!! LUHOD PALA!! tapos LUHOD ULET!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! OVERJOYED! MIXED EMOTIONS TALON AKO NG TALON!!! MAGISA AKO SA BAHAY KAYA OK LANG!! SIGAW AKO NG SIGAW NG YEAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

YEAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!! ASTEG!!!
tapos nung interview... tinanong si manny.. pag sagot nya ng "You know... " wAHAHAHAHA! hagalpak naman ako sa tawa dahil asteg!!! si manny nag eenglish na!!!

yung lang.. kaya CONGRATULATION SAYO MANNY PACMAN PACQUIAO!!!! PROUD NA PROUD AKO SAYO IDOL!!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home