Ang gobyerno

Tuwing umaga pag sasakay ako ng bus nabili muna ko ng tabloid na ABANTE, habit ko na to araw araw para ma update ako sa nangyayari sa bansa natin, para hindi ako ma bored at makatulog sa byahe. Ayaw ko kasi ng nakakatulog, lakas ko kasi humilik nakakahiya naman sa ibang byahero.

Sa 8 pesos na dyaryo ang babasahin ko lang don ay lahat ng tungkol sa gobyerno, o kaya mga pulis reports. Pinaka favorite ko sa lahat ay ang editorial, lalo na ang column ni Amado Macasaet, Horacio Paredes at Ellen Tordesillas. Hindi sa nagustuhan ko ang column nila dahil sa mga negative na sinasabi nila tungkol sa gobyerno natin ha, nagugustuhan ko ang column nila dahil nalalaman ko ang totoo, at nagkakaron ako ng idea kung anu ba talaga ang nangyayari sa Pilipinas.

Si Amado Macasaet, pamilyang magsasaka sila, laki ba sa hirap na nakapagtapos. Madami syang makabuluhang sinasabi tungkol sa Agriculture projects ng bansa at mga posibilidad na hindi ginagawa ng gobyerno ni Arroyo. Nagpapaisip nga tuloy ako kung hindi ba nababasa ng mga tao sa Malacanang ang mga discussion sa editorials ng mga dyaryo? sa totoo lang magaganda ang mga sinasabi nila eh. Pwedeng pwede pagbasihan ang mga sinasabi nila, at dahil sa media sila ang mga sinasabi nila ay para sa ikabubuti ng mamamayan.

Madami akong natututunan sa pag babasa ng editorial, nalalaman ko ang kabulukan ng pamahalaan ngayon. Medyo nag sisisi nga ko kasi isa ako sa mga Pinoy na may gustong patalsikin si Erap sa pagiging presidente. Isa ako sa tumutok sa plunder hearing, isa ako sa naasar sa pag sayaw ni Tessie Oreta nung hindi payagan ng korte na buksan ang "envelope". At ngayon isa ako sa libo libong tao na nagsisisi kung bakit pa napatalsik si Erap at napalitan ng isang pandak at corrupted na economistang matalino daw sabi ng mga sumisipsip sa kanya.

Bakit kasi ang daming tungaw na tao nung eleksyon eh, ang binoto ko kasi nung election ay si Lacson. Alam ko maraming gustong bumoto kay Lacson, nagtatako ko bat ganun... ang dami kong nakausap na tao na nag sasabi na binoto nila si GMA kasi kung iboboto nila si Lacson at nanalo naman si FPJ eh sayang daw boto nila. Pero pro Lacson sila... ayaw lang talaga nilang manalo si FPJ. Eh mga tanga talaga kung siguro lahat ng tao na ganto ang inisip ay tinuloy nila ang boto nila kay Lacson edi sana may pag asa pang manalo si Lacson! sayang talaga!

Anu ngayon ang nangyayari sa bansa naten ngayon, corrupt! 2nd most corrupt country sa Asia at pang 14 ata tayo kung hindi ako nagkakamali.. sa buong mundo. Gaano naman kasaya yon! Nakakaasar talaga si GMA boses palang naaasar nako, sana lumaki ng husto ang kanyang mga ipen para di na cya makapagsalita! mga ganid sa pera, pangako pangako pako pako pako!

Lalo akong nangigigil pag swelduhan tapos makikita ko na ang laki ng kaltas ko sa tax. Tapos mabablitaan mo nalang na si Pidal eh nag stay sa isang magarbong hotel, na ang AFP ay nag pagawa ng sidewalk at gumastos ng 19m pesos. Nakakainis diba, kung ung libo libong halaga ng tax sana ay hindi binawas sayo edi sana mas marami ka pang nabili sa pinaghirapan mong pera. Hindi yung mababalitaan mo na kung saan saan winawaldas ng mga kupal na opisyal ng gobyerno ang perang pinaghihirapan naten.

Sasabihin naman dyan ng ibang mayayaman na ganito ang Pilipinas kasi ang walang disiplina ang mga pinoy, mga pinoy ay ganto ganyan. Pinoy kayo ng pinoy eh pinoy din naman kayo puro sisi bat di nyo nalang tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng kalokohan ay nangyayari dahil meron tayong lamang lupa na namamahala saatin. Asa nga talaga ako na matuloy ang revolution nung May 1 eh, kaso hindi kaw na sundalo ang humarang sayo... hay nako GMA - Gloria Makupal Arroyo ngayon palang sinusunog na kalahati ng katawan mo sa impyerno!

Comments

CoB said…
Hoy Tado ka parang binaboy mo din apelido (lastname) ko ah.. Wlang ganyanan, wlang babuyan hahaha!!!

Popular posts from this blog

Kotse lumapit ka saaken!

Kristin Kreuk

Skyway Highway