Ang Ragnarok

Familiar naman siguro ang buong mundo sa Ragnarok online, isa itong Massive Multi Online Role Playing Game (MMORPG).. kung hindi.. wala nakong magagawa sa inyo.

Anyway, nag simula ako maglaro netong Ragnarok nato siguro eh mga October 2002, so matagal tagal narin akong nag lalaro, ang load para sa laro na ito eh 100 pesos per week, at sa buong taon na pag lalaro ko eh hindi ako pumapalyang mag load... so nung aking i calculate, pumatak ng mahigit 10,000 pesos na pala ang ginagastos ko sa laro na to. Hindi pa kasama dyan ang mga internet cards, pc rentals at kung anu anu pa.

Sus ginoo! nag sisisi tuloy ako at nag compute pako! makakabili na pala sana ko ng bagong Honda Dream, pang down narin to at panghulog ng 3 buwan!

ANg ginagastos ko nga naman para malibang.... pero hangang ngayon naglalaro parin ako... isip bata ba? ewan ko lang, puro kalaswaan, katangahan, katarantaduhan ang matututunan mo sa laro na to.

Dito rin ako nakakilala ng mga taong gumagastos ng libo libong pera para makabili ng gamit sa laro, grabe diba?

Siguro mag reretire narin ako dito sa laro na to malapit na, ung mga ginastos ko eh babawiin ko nalang sa pagbebenta ng mga gamit ko sa laro. siguro eh pag binenta ko yung account ko eh makakabawi ako kahit mga 6,000 pesos, ok narin diba nalibang nako nag kapera pako sa huli.

Comments

Popular posts from this blog

Kotse lumapit ka saaken!

Kristin Kreuk

Skyway Highway