Ang tax

Nagkaswelduhan kahapon, sa ilang taon ko ng pag tatrabaho ngaun lang ako nakatanggap ng sweldo na walang tax, at grabe ang ganda ng itsura ng pay voucher ko.

Dahil sa aalis nako ipinayo ng accountant namin na hindi namuna nya ako kakaltasan ngayon para makuha ko na agad ang aking clearance. Bahala na ang QuickTransInc http://www.QuickTransInc.com na ibalik ang tax para sa buwan na ito. Dahil hindi naman ako familiar sa mga accounting tax tax Bir Bir echebureche pumayag ako. So ayun walang kaltas ang sahod, kung baga kita mo yung halaga na pinirma mo sa kontrata, nasa papel at nasa ATM mo.

Na realize ko tuloy na parang napakalaking katangahan ang tax na kinakaltas sa ating mga manggagawa, nabasa ko sa dyaryo na inapprove na daw ng LTFRB na magkaroon ng dagdag 2 pesos sa minimum fare sa jeeps. Meaning magiging 7.50 na ang pamasahe. Mabigat na diba? Dati 2 na kayong makakabyahe sa halagang ito, pero ngayon shet pag nakakita ka ng kakilala mo na pasakay sa jeep mag bayad kana agad para hindi ka mahiyat manglibre. Anu naman koneksyon nito sa Tax at sa sahod ko? Aba marami! Isipin mo kung tataas ang pamasahe ng 2 pesos at maging effective ito sa lahat ng sinasakyan ko eto ang magiging total ng pamasahe ko ngayon:

Papasok

Tricycle: 8.00
Jeep : 7.50
Bus :49.00

Total = 64.00

Pauwi

Jeep : 7.50
Bus :49.00
Jeep :7.50
Tricycle:20.00

Total = 84.00

Total Pamasahe per day = 64 + 84 = 148! Huwaw!

148 x 22 days = 3,256 pamasahe per month / pamasahe palang eh kakain pako! Di pa kasama ditto yung pag FX ang sinakyan ko which is 60 pesos ang minimum.

So for safe keeping nag allot ako ng 200 per day so that would be 4,400

So kung sumasahod ako ngayon ng 15,000 ngayon tapos minus tax compute din natin at asarin ang ating sarili.

Eto ang mga kaltas per month ko sa ngayon.

SSS premium – 483.30
Medicare – 175.00
Withholding Tax – 2,063.50

Total = 2721.8 (pwede ko na sigurong hindi isama ang Pagibig dahil ok naman sakin ang meron non)


So ang conclusion ay

4,400 + 2721 = 7121

15,000 – 7,121 = 7879 / 2 kasi kinsenas

so ang purely take-home cash ko na gagamitin ko naman sa ibang bayarin ay = 3939.50

anak ng patolang duleng! Wala pa akong asawa nyan! Papano kung meron nakong asawa at anak at bahay at sasakyan! Kaya pala madaming nagpapakamatay na Padre de Familia.

Balik ulit sa topic… ang tax ay 2,063.60 ang laki diba.. eto ung pinapadala natin sa Gobyerno ni Manang Arroyo para gamitin pang bayad sa ticket ng mga kamaganak nya papuntang China, at pambayad ni Biboy Palaboy Pidal sa Hotel sa US.

Meron papala akong binabayad na SSS premium na 483.30, na ngayon ay sinasabi ng SSS na tigil muna sa pagbibigay pension dahil nauubos naraw ang pera ng SSS. Eh mga kupal pala kayong mga SSS kayo eh! Bat mauubos yan eh buwan buwan eh milyon milyon ang nakukuha nyong pera?! Tapos sasabihin meron SSS loan… tapos ung ni loan mo babayaran mo buwan buwan.. diba parang katangahan… inutang mo ang sarili mongipon tapos babayaran mo ulet na meron pang interes… ang tanga diba?

Meron tayong withholding tax, pag sakay natin sa jeep nagbabayad tayo ng tax sa gasoline dahil sa taas ng pamasahe, tapos nagutom tayo at bumili tayo sa restaurant at nagbayad nanaman tayo ng tax sa VAT, tapos pag uwi naten mainit binuksan natin ang electric fan at nag bayad nanaman tayo ng Tax sa kuryente, eh nagluto ako, binuksan ko ang kalan at nagbayad ako ng tax sa LPG… diba ang daming tax? Lahat may tax! Lahat may dagdag bayad parang nasa loob ng resort meron corkage fee atbp!

Sana naman tanggalin nalang yung withholding tax na yan dahil marami naman na tayong binabayarang tax. Tapos tataasan pa nila ang VAT. GINANG BARROYO anu ba talagang gusto mong mangyari sa amin!?

Sige magpapasensya ako anu ba naman ang magagawa ko eh nandyan na? Haaay kaya di mo rin masisisi ung mga tax evaders eh… buti pa sa Brunei walang tax ang pag tatrabaho.

23 palang ako nararamdaman ko na ang hirap, parang ayoko na tuloy magkapamilya!

Comments

Popular posts from this blog

Kotse lumapit ka saaken!

Kristin Kreuk

Skyway Highway