I will miss everyone.... sa tagalog.... ewan ko anu bang tagalog ng miss? (binibini)

Ngayon na ang huling araw ko (officially) dito sa Diavox, half day nga ako ngayon eh kasi tinanghali nako ng gising. Hindi kasi ako makatulog kagabi kaiisip ng kung ano ano, yun bang tipong "what is life after diavox?". Feeling ko parang college graduate na tumitingin sa panibagong yugto ng buhay.

Sa totoo lang nakakalungkot eh, lalo na ngayon hiring sila tapos ang gaganda ng mga potential new comers. Iniisip ko sayang may makaka daupang palad sana ko na maganda sa opisina... pero naiisip ko rin, may kadaupang palad nga wala namang pera... Naglinis na nga ako ng mesa ko eh, tinapon ko lahat ng kalat sa cubicle ko na matagal tagal naring nakatambak doon. Mga ketchup, plastic na kutsara at tinidor at mga tae tae ng daga.

Ang linis na nga eh, nakaka panibago na nakaka ilang... nag hahanap nga ako ng kahon ng lalagyan ng mga gamit eh. Yung kahon na ginagamit sa movies pag nag reresign ang isang empleyado.

Basta kung susumahin lahat, ma mimiss ko talaga tong opisina na to lalo na ang mga taong nandito. 6:00 na dito sa office... eto na ang huling logout time ko... ang galing noh... ang huling 6:00 ko sa opisina... pero sa lunes papasok parin naman ako dahil marami rami pa akong tinatapos. Kung ang sweldo ko lang sana dito sa Diavox eh nakasasapat sa gastusin ko, o kaya kung maganda lang sana ang nakikita kong future ko dito eh di sana hindi ako mag reresign... pero ganun talaga ang buhay eh...

Tinanong ako kanina kung mamimiss ko ba daw sila sa Diavox... sabay may nag sabi hinde, sabay nag tawanan...

Ngumiti lang ako... pero bulong ko sa sarili ko... syempre naman...

Comments

kukote said…
im touched!!! huhuhuhuhu!!!!

in tagalog... hinipuan ako!!! nyahhaha!!

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway