Kabatak

Unang una kong post dito sa blog na to, medyo sinipag ba ako ngayon, pero malungkot. Sa dadating na May 16 na kasi ang aking huling araw sa kumpanyang pinag tatrabahuhan ko. Hindi sa nasisante ako, o may ginawa akong kasalanan. Nagkaron kasi ako ng mas magandang opportunity sa ibang lugar.

Pwede nyong sabihin, "Oh! eh magandang opportunity naman pala ah! Anu namang katangahan yang pumasok sa isip mot para kang gagong nalulungkot dyan?" sa mga nag isip nito, eh mga mokong pala kayo eh! Tatlong taon na kong nag trabaho don, sabihin nateng umiinit ang ulo ko kada swelduhan kesa sa matuwa, sabihin na nating medyo nag sasawa din ako paminsan minsan sa ginagwa ko. Pero iba parin ang iiwan mo ang mga naging kabatak mo sa tatlong taon na yon.

Sabagay sa batch namin dito ako nalang naman ang naiwan, lahat nag si layasan na, mejo kumag kasi ako pag dating sa kaikaibigan eh. Di ko lang mapakita pero sus! Isang rason yan kaya galit na galit ako sa mga Call Center na yan. Isipin mo ba naman halos lahat ng barkada ko sa Call center nag tatrabaho! hindi sa naiingit ako sa sahod nilang 29,000 kada buwan (net na yan). Naiinis ako kasi panay sila mga BATMAN!!

BATMAN - gabi lamang nabubuhay, para bang naging kampon na sila ng dilim at takot na masilayan ng araw. At kung bibisitahin mo naman tuwing may araw para kayoy magkasama sila ay kadalasang tulog at nakasabit sa kisame ng kanilang bahay.

Anu naman naging koneksyon nito sa opisina? anung koneksyon ng mga barkada kong BATMAN sa opisina? Eto po... dahil nga BATMAN at hindi ko na halos makita ang mga barkada ko malungkot talaga, minsan pag naririnig ko yung kanta ng "THe DAWN" ung "Salamat" nalulungkot ako napapa head bang ako habang nalulungkot, damang dama ko ba. Ang korny nga eh pero sus anung magagawa ko? eh tao ko di ako bato may puso akong mataba at ma kolesterol pero mainit at tumitibok parin yon!

Dahil nga sa mga naging kabatak, barkada, amigo, kasosyalan, kainuman sa opisina nababawasan ang lungkot na yon. Kumakalma ba. At eto ko ngayon... aalis nako... may taning na buhay ko dito... at ang masama pa nito hindi ko pwedeng dalawin tong mga kumag na to sa opisina sa isang kadahilanang hindi ko pwedeng sabihin dito dahil sikreto ito at natatamad akong sabihin pa ang tungkol dito.

Wala na nga akong ginagawa dito gaano sa opisina, puro documents nalang para sa aking pagpapasahan ng trabaho na malamang eh nag hahanap na ng mangkukulam para ipapatay ako. Mahaba na pala nasulat ko.. masarap talaga mag sulat... nailalabas mo ung hindi mo mailabas.. pag tinitibe kaya ako eh makapag sulat kaya ng tae tae tae sa papel siguro eh mawawala ang tibe ko. AH ewan kung anu anu na tong naiisip ko.

Oo nga pala mag outing kami sa May 6, wala lang cool lang makakakita narin ako ng dagat.

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway