Nakakalitong mundo
Isang linggo nalang, 6 na araw mula ngayon ay aalis nako dito sa opisina para harapin ang aking bagong responsibilidad. Medyo problemado kasi ako ngayon dahil sa mga bagay bgay na talaga nga namang nakakapanukso. Dahil sa inaasahan ng aking bagong responsibilidad ang aking buong oras at supporta ay igugugol ko para sa ikauunlad nito, pero ngayon ay pawang may kumakatok na biyaya sa aking pintuan at di ko malaman kung nararapat bang ito ay aking talikuran o ito bay aking susungaban. Mahirap talaga pag sabay sabay kumatok ang pagkakataon. Dito kasi nag sisimula ang salitang "sana" na kung halimbawa ay ginawa ko ito at ang isay hindi dadating ang panahon na sasabihin ko sa sarili ko "sana ginawa ko ito, sana dito ko nag punta" mga ganun bang nakakainis na pangyayari.
Nitong nakaraang linggo para kong nag memeditate sa bahay at nagiisip ng malalim kung anu ba talaga ang akin gagawin. Nalilito talaga ko, siguro nga ay nararapat lang na sundin ko nalang ang aking damdamin. Pero papano ko gagawin to kung ang katok ng damdamin ay iba sa katok ng isipan at iba naman ang katok ng aking bulsa? Nagkatukan na nga lahat, depende nalang talaga saakin kung sino ang una kong pag bubuksan, at duon dumedepende ang kinabukasang haharapin ko.
Medyo seryoso na ang tingin ko sa buhay ngayon, medyo may kalaliman na. Hindi na ako tulad ng dati na happy go lucky... pero medyo parin naman ngayon. Napapansin ko na nagiging medyo metikuloso nako sa mga bagay bagay. Naging reklamador at parang nagkaron ng dugong raliyista. Siguro epekto ito ng pagbabasa ng editorial sa ABANTE. Hangang ngayon nalilito parin ako, habang sinusulat ko ito ay medyo lumuluwag ang aking pakiramdam... sana magkaron ng linaw ang lahat bago matapos ang araw... sana talaga...

Comments