Syudad ng katatakutan

Kagabi after mag laro ng Yuri's Revenge sa office nagkayayaan kaming maginuman sa may Overtime para magpalipas ng oras. Kaso mo nga naman pag dating namin don eh wala ng ihaw ihaw, eh yun lang naman ang dahilan kung bakit masarap uminom don, masarap kasi ang pulutan. Ayun wala na linis na ang ihaw ihaw, eh kapapanget naman ng mga waitress don so wala ng ka kwenta kwentang uminom don diba?

So habang nag lalakad kami, habang nag iisip kami kung saan kami pwede lumaklak ng mabuting bagay eh naisip nalang na sa may mini-stop nalang kami bumili at tumambay nalang sa labas.

So yun nga ang ginawa namin, tig dadalawang latang beer solve na wala kong pera eh napautang pa tuloy ako (na di ko muna babayaran, pag alis ko na siguro.. nyahahahahahaha!) . So habang nag iinom, cyempre nag dadakdakan kami, alangan naman mag inom kami at mag titigan don eh baka magka inlaban pa kami non! Hindi ko lang talaga alam kung papano napunta ang usapan namin sa mga experience ng mga ka opisina ko tungkol sa holdapan.

Matagal tagal na topic namin yon, lima kaming magkakasama at 3 sa amin ay naholdup or muntik ng maholdup. Kung baga sa statistics ng IBON foundation eh 75% sa grupo namin... na lima.. ay naholdup. Ang masama pa don tong apat na kasama ko ay lahat taga Makati lang, eh ang hamak na si ako ay Laguna pa ang uuwian. Eh 11:00 na di pa kami tapos, ang nangyari tuloy eh sa buong byahe ko pauwi puro kaba na nararamdaman ko. Halos lahat ng makita kong tao sa paligid ko pakiramdam ko eh bigla nalang ako sasapakin, pag titripan, hoholdapin.

So sa wakas umuwi na kami, Buendia LRT ang destinasyon para sumakay sa mga FX pa Balibago kasi wala ng Bus ng mga ganung oras. Eh sa kamalasang palad wala narin FX so ang gagawin ko ngayon ay babalik ako papunta ng AYALA MRT para doon sumakay ng BUS papuntang PACITA. So panay kaba at todo paranoid naghintay ako ng jeep. Gusto ko na mag taxi kaso 50 pesos nalang at konting barya ang laman ng bulsa ko. Ako ba yun tipong pag na holdup eh siguradong gugulpihin kasi wala pala silang mapapala saken.

Pag tagal naman nakasakay dina ko ng Bus pa Ayala at nakarating ng MRT. Swerte naman may bus agad ng PACITA kaya di nako natagalan sa pag hihintay. Tapos bigla ba namang pumasok sa utak ko yung pinasabog na BUS sa AYALA MRT. Naparanoid nanaman ako! lingon ako ng lingon sa mga ilalalim ng upuan baka kasi may naiwan na gamit at baka sumabog, inisip ko din na kung may Bomba man, sana sumabog ito sa ilalim ko para instant death! hindi ung tipong gagapang pa ako pa layo sa Bus, duguan, sugatan, luwa isang mata at nag tataka bat hindi maka tayo, yun pala nalitson na at naiwan ang mga binti ko sa bus, at nung try ko mangulanot eh nalaman ko nalang na wala na pala akong mga daliri! diba nakakatakot isipin yon?

Sa awa naman ng Dyos eh walang nangyari saken nung gabi nayon, nakauwi ako nakahinga ng malalim at nakatulog ng sobrang himbing eh na late ako ngayon ng mahigit kalahating oras. Delikado pala talaga dito sa Manila, isipin mo wala pang nangyayari saken eh halos mamatay narin ako sa takot na baka may mangyari saken... hay nako si El Presidente kasi ubod ng Kupal kaya daming Kupal na Kukupal Kupal ang pamumuhay eh!

Comments

Popular posts from this blog

Kotse lumapit ka saaken!

Kristin Kreuk

Skyway Highway