Bumabalik na hilig.

Para saakin mejo nalalaos na ang Ragnarok dahil nakakatamad na cyang laruin. Maganda naging epekto ng magsawa ako sa laro, lumaki ang pera ko dahil wala nakong weekly gastos sa load at internet cards, na mamaximize ko time ko ngayon sa mabubuting bagay tulad ng pag gawa ng mga proposals, quotations, at pag iisip ng ibat ibang raket na pwedeng pagkaperahan.

Napagusapan kasi namin ni GF ang kasal at dun ko nalaman na ang balak pala nya ay 2010 kami ikasal... medyo mabilis para saakin kasi ako ang gagastos eh! walang laman ang bank account ko ngayon. wala akong ipon.. wala kahit ano.. kaya ngayon pakiramdam ko parang nahuhuli na ako sa panahon.. Maarte panaman ako gusto ko eh yung kasal na asteeg!

Gusto ko nga sana eh yung tipong naka Kimono costume ang bride at bridesmaids tapos lahat ng mga lalake naman ay naka damit ng Samurai.. astig diba.. anime na anime. Pero di ata matutuloy un kasi cyempre ang babae ang gustong suot pangkasal eh ung tipong gown na ikatutulo ng laway nila.

Balik sa topic... ngayong wala na ang bisyo ko sa paglalaro ng online games. ayun bumibilis ako mag trabaho.. at naeenjoy ko pa kasi di na ako distracted... until...

na try ko mag GUNBOUND... nakakaadik palang laro yon lalo nat minumura mura ka ng mga nakakalaban mo. Tapos dahil baguhan ka palang... tinatanggap mo lahat ng yon kahit na sa loob loob mo eh kung katabi lang sana kita ngayon... natapakan ko na sana pati ang kaluluwa mo!

Pero pipigilin ko tong laro na to na maadik ako.. sabagay libre naman ang larong to kaya ok lang.. libangan lang talaga cya.. di tipong kaaadikan... sana.

Ngayon drawing mode muna ko.. balak kong punuin ang blog na ito ng mga drawings ko na hindi ko na mailagay sa online gallery ko dahil nga di ko na maacess ang extranet nito... sayang talaga.

Pulitika.... fuck politics sawa nako sa kanila! BASTA LACSON PRESIDENTE KANA PARA SA AKIN!!!! GMA...... ULUL galit ako sayo!

Comments

kukote said…
ey! hobby mo na palang magdrawing ulit, gawan mo na ng magandang logo yung blog ko ;)

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway