Pingpong

Last friday dahil sale sa glorietta bumili ako ng table tennis racket at net, siguro kulang kulang 1500 din ang nagastos ko don. Nag pa gawa kasi ng table sa bahay pang table tennis para ma exercise naman daw kami ni papa. Ayun tapos na ang mesa kaso walang gamit kayo bumili ako sa glorietta. Ang iniisip ko nga lang sana hindi pa nakakabili sila papa ng net at raketa para di masayang ang binili ko.

So bago umuwi lumamon muna kami sa DADS ung eat all u can sa glorietta, pucha kung malaki sweldo ko malamang linggo linggo kakain ako dun kahit mag isa pa ako. Masasayang nga lang ang pingpong ko nun diba. Umuwi ako sa makatuwid, swerte dahil hindi pinuno ang van na sinasakyan ko pa Pacita kaya walang hassle sa byahe, nakataas pa ang paa ko at natulog... malamang nahilik pero as usual.. mamatay kayo sa hilik ko masarap matulog eh.

Pag dating ko sabahay... ayun. maya nakakabit ng net sa table.. shete nakabili na cla.. nasayang ang pera ko! ang masakit pa dun ung nabili nila wala pang 1k isang set na. raketa at net na, ang dami pang bola. Pag pasok ko ng bahay sigaw ako agad ng weeeee bakit meron na!!!!! Eh lasing pala si papa, astig nga eh kala ko nung una tumaas nanaman ang blood sugar nya kaya kung anu anu nanaman ang sinasabi, un pala nag inom at nalasing.. sayang nga hindi ako nakahingi ng pera. Pero wais narin eh, wala nag epekto ang kalasingan nya masarap kausap kasi madaldal sarap lokolokohin.

So kinabukasan, saturday morning ang pingpong kami ni papa. Ang sarap mag ping pong na eexercise ako sa kakahabol ng bola dahil di ko tinatamaan, kakayuko sa kakapulot.. nanakit na balakang at tuhod ni papa sa kakayuko kaya un 2 rounds lang kami tapos na, sarap pa naman bitin ako minsan lang kasi ako maexercise. Sa two rounds na yun nanalo ako pareho, kasi si papa may katarata sa kaliwang mata kaya sa kaliwa ako lagi nag serve dinadaya ko cya ng hindi halata.

Sunday, aga ko gumising gusto ko lumaro kaso shet! walang tao sa bahay! tapos pag uwi nila nag yaya agad ako, sabi nipapa pagod cya sabi ko wala ko makalaro kasi si Ella bumalik agad ng dorm. sabi nya bat di daw namin niyaya ung kapit bahay naming kakagaling lang sa stroke.. in short medyo baldado. hahahaha!!! grabe! ang makakalaban ko sa pingpong ay isang bulag ang isang mata tapos ung isa naman baldado! papano ko gagaling hahahahaha!! sus maryosep ang saya saya talaga mag pingpong!

Comments

kukote said…
dalhin mo sa office namin, doon tayo magpingpong!!!
Akira Posh said…
wow! saya saya naman may table tennis kyo. dream ko din yang magkaroon ng table tennis. palaroooo! hehe

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway