Thursday, October 13, 2005

2 weekz and counting

OI OI OI OI!!! 2 weeks na akong di nakain ng RICE..(sa umaga lang) at habang sinusulat ko to ay may isang kalderong kanin sa may kusina na kumakatok katok sa aking puso.. pero sorry ka nalang RICE dahil akoy sawa na sayo.

Super water theraphy ang nangyari saken kanina, yun kasing isang litrong lipton green tea na naubos ko kahapon ay pinuno ko ng tubig. Halos manakit na balakang ko sa kahihintay mapuno yung bote. At ng mapuno.. extra challenge na! hindi ako nakakain ng lunch (skyflakez) gaano dahil sa sobrang busog sa tubig.. hindi ko naman sinasadyang ganun. Ang kaso mo nga lang pag tumungga ka sa boteng litro mabilis ang agos ng tubig kaya yun madami ako naiinom.

Pero masmalakas parin mag pa CR ang Greentea dahil sa tubig 1 beses lang ako napa jinglebelz...

Nakuha ko napala ang payslip ko kanina... at dahil dito nadagdagan ng panibagong drama ang buhay ko. Di ko nalang dedetalye nakakalungkot eh.

Friday bukas, anu naman kaya ang mangyayari sa buhay ko bukas.. excited ako masaya to hehehe.

OO NGA PALA! dahil sa pagdiet ko nakatipid ako sa gastusin at eto nakabili ako ng INTERNET CARD tantanana! astig!

4 Comments:

Blogger kukote said...

2 weeks... may resulta na ba? nabawasan naman ba kahit isang guhit ang bigat mo???

11:06 AM  
Blogger Mayet said...

uy, i'm doing OPLAN WEIGHT LOSS din! Hehehe. Good luck sa atin! :)

3:40 PM  
Blogger Unknown said...

hahaha... sabi ko sau eh.. uminom ka ng double action JOY... para tanggal sebo mo sa katawan..
tapos may sauna or steam bath ka ng 3 araw. walang alisan... tapos, inom ka rin ng liquid sosa. sure! 1 week lang. may abs ka na!

4:10 PM  
Blogger ranidagames said...

hmm nice idea BRIAN.. cguro ganyan ginawa mo kaya naburyong ang utak mo hehehe

12:03 PM  

Post a Comment

<< Home