Adrenalin Rush

Kaninang umaga ang saya saya ko, gumising ako nag shower, habang nag shoshower kanta ko ng kanta. Tapos nagbihis.. habang nag bibihis kanta rin ako ng kanta.. tapos nag patayo ng buhok.. habang nagaayos.. kanta ko ng kanta.

Lahat ng masalubong ko binabati ko ng smile, ang aga ko dumating sa office wala pang 8AM naninibago ako sa sarili ko nakakamanghang aga to ah. Bakit ba ko masaya? inisip ko siguro gawa ng magdamag kaming nagusap usap ni papa about sa car na bibilhin namin.. papano papaluwagin yung garahe para magkasya yung sasakyan nya at yun daw sakin.. magkandahilo hilo sa pag compute ng down and monthly payments.. mangarap si mama kung saan saan nya gustong gumala.. cyempre ako ang dukhang driver at cya ang aking mahal na reyna.

Tapos nagplaplano na kami kung papano makakatipid sa gasolina, pinagsasabihan narin ako ni pader dear na ang car, parang babae yan, inaalagaan.. ginagastusan... sinasakyan.. ah este inaalagaan... ay nasabi ko na pala yun hehehe.

So siguro pinaganda nun ang tulog ko hangang sa pag gising ko.. todo excited ako... ngayon ko lang ulit naramdaman tong gantong excitement.. ang huling huli kong naramdaman to ay nung sinagot ako ni Ann ng hindi ko inaasahan hehehe.

So pag dating ko sa office todo work agad, masaya eh.. masarap mag trabaho.. lalo pang pinasabog ni Santa ang kasayahan ko nung bigyan nya ko ng link sa mga cars dito sa pinas.. grabe nabuksan ako sa mas malawak na possibility! So browse to death ako maghapon nun... tapos lunch.. nanlibre ang mga kasama ko sa opensource team sa mcdonalds.. pero cyempre nahiya ako so ako na bumili ng order ko and nilibre nalang nila ko ng sundae.

Habang nag chichikahan kami nabanggit ni bossing na may plans daw na ilipat ang QA team sa ibang building dahil nga nag eexpand ang company and kaylangan ng officespace (i think). So nagulat ako sabi ko agad. hindi nga??? nanlalaking mata nun tapos di makapaniwala.. so sabi balak nga daw ek ek ek ek di nako nakikinig gaano dahil medyo nalungkot nako non.. baket? halos yung sang bungkos ng friends ko ay nasa QA team.. so pag lipat ng building.. sang bungkos mawawala.. grabe talaga.. at first ang saya saya mo then after nung malaman mo yun parang hinigop sayo yung saya.. grabe naman kasi.. nagsisimula nakong maging comfortable sa mga kanila, nailalabas ko na ang ugali ko yung tipong astig na yung pakiramdam parang barkadahan.. tapos yun.. mawawala pala.. dapat siguro alisin ko na tong ugaling masyadong pagiging attached sa mga friends ko sa work eh, parang nung nag retrenchment sa DiaVox, grabe ganun din isang bungkos ng friends ko naglaho.. hindi ko naramdaman ang swerte dahil hindi ako napasama sa na retrench parang mas gusto ko pa ngang mapasama sa kanila nung mga oras na yun eh.. kasi diba... tapos nag resign isa isa lumipat ng kumpanya.. si Daisy ang makulit na babaeng ka VERSUS VERSUS ko, tapos si Jason..

Tapos lumipat ako.. although decision ko yung paglipat.. the fact na iiwan mo naman yung mga naging barkada mo for more than a year na ay mahirap din.. kung marami lang akong pera non araw araw ko silang ililibre ng lunch nun sa Gerrys grill hangang sa time na umalis nako. Di ko alam kung kabaklaan ba to o kalokohan eh pero grabe talaga... sabagay buildings lang naman yan.. ang friends kahit ilayo mo ng ilayo close parin yan. SOLID! hehehe!

Ang nakakatuwa pa dun, masaya ko nung umaga dahil sa car... nabalitaan ko nung lunch na lilipat although balita lang yon at di pa nangyayari nawala agad yung saya.. parang nabalewala yung excitement sa car... isa lang ibig sabihin nito.. mas mahalaga talaga ang friends kesa sa car.. pero pag ang friends nag bigay ng car.. ibang storya na yon hehehe. wag lang magpapalibre at ang friends nagiging enemy (jok)

Eto nanaman ako... nag blog.. mababasa nanaman ng maraming tao ang post ko dito.. madrama nanaman.. nakakatuwa kasi pag sinusulat mo rin yung nararamdaman mo eh... parang nawawala yung tension.. nababawasan kahit papano...

Bukas ang last day ng isa ko pang friend.. pupunta na cya ng australia, hahanapin nya si nemo.. minus nanaman.. tinanong nya ko kung excited ba daw ako for her... sabi ko HINDE, siguro yung iba jan sasabihin nila oo excited ako for you.. ako HINDE baket? ewan ko di ko alam, yun ang nararamdaman ko so yun ang sinabi ko. Tanungin nya ko ulet pag nandun na cya... yung tipong Benjo uuwi nako ng pinas excited ka ba para sakin? malamang ang sasabihin ko na non.. OO! ganun lang yun simpleng logic na natatamad akong i explain pero ganun un...

Tinawagan ko si GF para makausap ko cya.. la eh lungkot ang feeling eh.. eh putik pag helow... NAUBOS LOAD KO! kasi isa pa tong nagbabalak lumayo eh.. putik namang buhay to hahahahaHAHAHAHANWAHAAHAHAHAHBWAHAHAHAHAH HUHUHUHUHUHU!!!!

Gusto ko ng car... gusto ko mag tagaytay.. gusto ko mag muni muni sa palace in the sky...

Comments

* a~n~i~g * said…
(sigh) owel, the only constant thing in this world is change. so be it! :(

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway