Ang Pagbabalik ng Joza ng Kadiliman

Kagabi after nung kakaibang pangyayari sa lugar na hindi ko ma-arok.. nung pauwi nako, habang tumatawang mag isa sa bus dahil sa isang pangyayaring hindi ko talaga ma-arok... may nakita kong isang familiar na pagmumukha...

Usual na haba ng buhok, at itim na jacket... saktong sakto bakante pa ang katabi kong upuan... nung uupo na cya sa di kalayuan saken.. tinawag ko cya... JOYCE! JOYCE! pag harap niya kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat... siguro dahil sa revelation na nagkita kami after 2 years or dahil nakita nya ang aking todong kagwapuhan. JOYCE! JOYCE! tara dito sa tabi ko... alam mo ba yung pakiramdam mo na gusto mong yakapin at sakalin ang isang tao sa sobrang tuwa dahil nakita mo cya? yun yung nararamdaman ko.. gusto ko cyang yakapin at paghahampasin dahil sa tuwa.. Si joza... ang psychiatrist (pa QA) ng buhay ko... ang mga payo nya ang isa sa mga hinahanap hanap ko pag ako ay namomroblema... pag ako ay sinasapian ng masamang ispiritu..

Dahil sa tuwa ko, nung sinabi nyang.. "ako na magbabayad".. isang mabilis na "OO" ang nasabi ko... madali naman talaga kong kausap eh. kwentuhan kaming kwentuhan.. marami akong nalamang bago sa buhay nya.. wala akong gaanong masabing bago sa buhay ko.. pero mas marami pa ata akong nasabing bago sa buhay ng iba... napagusapan namin ang ulo... a este ang noo... a este ang panot.. a este... si Brian, napagusapan namin ang mata.. este.. ang talino.... si Ara, at cyempre ang walang kakupas kupas na lab layp. Cyempre ako same story as always, si Joza.. sa kasamaang palad... same story as always hehehe..

Kulang na kulang ang gabi na yon sa dami ng pwede naming pag usapan.. nakuha ko naman ang celnumber nya kaya astig.. siguro I mamakdo nalang namin yan... mag set nalang siguro ng date kung kelan mag meet.. bahala na. pero gusto ko sa makdo.. ako na ang taya.

Joza... pinasaya mo ako.. astig!

Brian... wow.. ang kintab. jok

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway