Guardian Angel

Hindi na sana ko mag post ulit ngayong day na to pero di mapigilan.. dapat I post ko itong nangyari saken para maging reminder na rin saken ang nangyari na to.

So as usual, umuwi ako ng late galing sa office, dahil tinatamad pako umuwi sumama ko sa Landmark terminal kay Ann para dun na sumakay, para narin makipag kwentuhan sa kanya. So kumain kami sa Greenwich hangang 10:00 tumagal sa kwentuhan... detalye ng kinain ko.. 1 pc chicken, spag at 2 maliit na slice ng pizza... sob... tsaka 4 na kutsarang kanin.. courtesy on Ann... makasalan tong gabi na to hehehe.

So after dinner, naghiwalay na kami para sumakay sa kanya kanyang sasakyan.. dahil nga past 10:00 PM na, naubusan nako ng BUS na pa Balibago sa terminal, so no choice kundi sumakay ako ng papuntang PACITA.

Pagsakay ko ng BUS wala pa itong gaanong kalaman laman, usually pag ganito dun ako umuupo sa pinaka dulo ng BUS dun sa Animan para makatulog ako ng ayos kasi di gaanon nag sisiksikan doon. Pero ngayon.. parang tinamad pako magpunta sa likod so sa may bandang unahan nalang ako umupo.. mga na upuan mula sa pinto ng BUS ang layo.

So umalis na ang bus eventually at napuno ito.. so tulog ako buong byahe, nagising lang ako nung nag bibigay na ng ticket and nung maniningil na yung konduktor. Matagal tagal din ako nakatulog non nung biglang tumigil ung BUS, akala ko nasa PACITA na kami nun. SO medyo pikit pikit pako non, naalimpungatan ba naman ng narinig ko parang nagkakagulo na, so mulat ako kita ko yung mga tao nag mamadali palabas. Yung katabi kong magandang babae parang si flash na sumibat! ako naman tumayo agad ako, medyo groggy pa di ko alam kung anong nangyayari, iniisip ko may holdapper sa likod, may nagwawala sa likod tapos nakaamoy nako ng usok.. Putik! NASUSUNOG yung BUS! at mula sa likod pa! so dahil nga sa bilis sumibat nung katabi kong babae, naiwan nya yung plastic bag nyang malake, so kinuha ko tapos try ko sumingit sa nagkakagulong tao. Amoy na amoy na ang usok sa loob, medyo nakaka ubo na ng konti so nakasiksik naman ako medyo sinalya ko na ng konti yung lalakeng makulit na nagmamadali din. Eh porket yung ibang pasahero ay nasa tapat na ng pintuan, para parin silang mga kumag na ang babagal bumaba ng bus eh nagsisiksikan na nga kami sa loob.

So nakalabas din ako ng BUS na usok usok pa, hinahanap ko yung babaeng katabi ko, eh hindi ko naman gaano na detalyehan dahil nga tinulugan ko lang cya.. ang nakita ko lang sa kanya ay yung tuhod nya at alam ko nakasuot sya ng salamin. Winawagayway ko yung plastic bag nya para may mag clain eh wala naman.. foggy pa ang utak ko non, di ako makapaniwala na nasunog yung BUS na sinasakyan ko, wala narin akong time para magtanong kung baket nasunog, basta nasunog tapos! sakay ako ng jeep dala ko yung plastic bag, walang contact number nandun lang eh lunchbox at mga CD's na sinilip ko ngayon baka kasi may installer ng games hehehe, eh puro MP3 ang laman.

So di ko na malaman kung papano isosoli ito, wala kahit konting details kahit kapuranggot wala eh. Anyway napaka swerte ko talaga at naalala ko nanaman na napakalakas talaga ng GUardian Angel ko, isipin mo nga naman ginamit nya ang aking katamaran para hindi pumwesto sa likod ng BUS, kundi nako litson na siguro ko ngayon.. kaya thankyou GOD, thankyou guardian angel... risky talaga magbyahe ngayon.. kaya dapat magpray lagi... para sa safety natin lahat diba? kasi di mo rin masasabi kung kelan ka tatamaan ng swerteng kamalasan.

Kaya sa mga nakakabasa nito, mag ingat at mag pray kayo lagi ha.

Comments

* a~n~i~g * said…
Kwawa nman mga katabi mo nung nkkpgsiksikan ka na..Hehe!
Pero buti na lng din, kaya dpat tlga lagi pray. :D
Uy anong mga mp3 un? Peram!! :))

Popular posts from this blog

Kotse lumapit ka saaken!

Kristin Kreuk

Skyway Highway