Inaanak

So far so good, natuloy naman ang plans ko.. pero naudlot lang dahil hindi kami nakapag meet ng barkada ko sa San Pedro dahil wala cya don. Pero na meet ko yung isa kong barkada, kasama ang kanyang cute na cute na anak.. ang aking inaanak. Syempre as usual ang inaanak kukulitin ka lang nyan sa pangiti ngiti at pagiging cute.. ang magulang talaga ang babanat tungkol sa mga utang mo sa anak nila hehehe.

So anung ginawa ko??? diba ang ninong ay godfather, at ang trabaho ng mga ninong ay ang siguraduhing ang inaanak nila ay lumaki na naayon sa dyos diba? So kanina kinausap ko yung bata... 1 year old palang naman cya.. mahigit... ata...shet... well anyway.. kinausap ko cya at pinangaralan ko cya tungkol kay god.. dahil dun ginawa ko ang duty ko as his "ninong" o diba.. so sabi ko sa barkada ko void na ang utang utang na yan hehe.

May isa papalang kasama ang barkada ko... ito ay ang kanyang honda civic.. kinausap ko rin ang car nya.. sinabihan ko ito na kung meron cyang mga barkadang car na gustong makipagkilala saken.. or pakilala nya naman ako sa mga barkada nyang honda civic.. grabe ang saya saya ng pakiramdam mag karga ng baby... ang likot ang cute.. pag nakikita ko lagi natawa.. sanay nako don, matatanda nga pag nakita ko natatawa sila.. bata a kaya.

owel.. work mode..

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway