Meanings....

Hindi na sana ako mag popost ngaung october.. pero kelangan ko talagang ilabas ito sa utak ko...

sa Tinagal tagal ng panahon nalaman ko lang ngayon ang meaning ng nunal ko sa may leeg.

Si papa kasi meron din cya nang nunal sa left side ng kanyang neck and ako naman ay nasa right side... nalaman ko ito dahil umuwi si papa ng medyo nakainom... di pala medyo.. talagang nakainom... ok lang naman sakin na nainom si papa dahil kahit papaano ay nalilibang cya sa isang buong linggo ng pag tatrabaho at hindi naman nya lagi tong ginagawa.

Umiiyak si papa habang kinukwento nya ang ibigsabihin ng nunal namin... hindi cya naiyak dahil sa nakainom cya... naiyak cya dahil sa mga problema nya.. nakikinig lang ako sa kanya habang nag sasalita si papa. Nagpipigil ako ng luha dahil naawa ako sa kanya.. kung ano ano ng pumapasok sa isip ko... sabi na nga ba... pag gusto mo ang isang bagay laging may mga pangyayari na hahadlang na makuha mo ito.. walang madaling bagay.. lahat dadaan sa pagsubok...

Dun nya na kwento saakin na sabi daw ng matatanda sa kanya noong bata pa cya, ang ibig sabihin daw ng nunal sa kanyang leeg ay marka ng pagiging tagasalo ng problema ng pamilya... (sacrificial lamb) sya ang magbibitbit ng hirap na mararanasan ng pamilya nya... ng mga kapatid nya.. "Yun ang ibig sabihin ng nunal na to... at meron ka rin Benjo" sabi ni papa... pinagaral nya daw kaming magkakapatid para hindi ko raw maranasan ang maging tagasalo ng problema ng pamilya.. ng mga kapatid ko. Siniguro daw nya na kami ay magkakaron ng individual na kakayahang mabuhay at walang umaasa.

Ayaw nyang maranasan ang nararanasan nya ngayon sa mga kapatid nya... kitang kita sa mata ni Papa ang pagkadismaya sa pagkakaron ko ng "mark" na ito, nasa tono ng boses nya.. nasa expression ng mukha niya. Madami daw akong dadanasing problema at paghihirap at kaylangan ko daw maging matatag, dahil may marka daw ako. Tumayo ako at pumunta sa likod ni papa at minasahe ko cya ng bahagya.. para ma relax at tumigil ang luha.. pangalawang beses ko palang cyang nakitang umiyak.. ang unang una ay noong namatay si Lolo Ben.. umiiyak cya habang sinasabi nya ang mga problema nya saaken.. nahingi pa cya ng sorry dahil inilalabas lang daw nya ang sama ng loob nya.. "ok lang" sabi ko.. "mas mabuti ngang ganyan eh"... ngayon ko lang na experience ito sa totoo lang.. ang kadalasang umiiyak saken at nahingi ng payo ko ay mga barkada at kaibigan.. ngayon lang nangyari na si papa pa ang mismong nag lalabas ng sama ng loob saken.

"Kung hindi man sa mga kapatid mo mararanasan, pwedeng sa mapapangasawa mo at sa pamilya nya" ito ang salitang tumama talaga saaking isipan... nung una iniisip ko na mukhang wala naman ata akong sasaluhing problema dahil maganda ang naging trabaho ng ate ko at ang kapatid kong bunso ay maganda rin ang kursong tatapusin ngaung taon... pero nung nasabi nya ito.. parang namulat ako na hindi pa talaga tapos ang lahat... marami pa talaga akong dadanasin.. maraming marami pa. Sa totoo lang, tumbok na tumbok ang pagkakasabing yon ni papa dahil sa nararansan ko rin ito... hindi sa mga kapatid ko.. kundi kay gf... mga pag tulong na sikreto kong ginagawa, hindi ko nalang idedetalye.

Napaisip talaga ko sa mga sinabi nyang yon... ngayon tuwing makikita ko ang nunal ko sa salamin.. iba na ang nakikita ko dito.. hindi na cya simpleng marka saaking balat... marka na ito ng isang misyon sa buhay... kung anu man ito... pag hahandaan ko ito.. hindi ko kailangan alamin.. dahil random ang buhay ng tao.. dadating nalang basta ito.. kaylangan ko lang maging matatag.

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway