Nabuburyong na utak

Maghapon na work, like always late parin ako kanina, lumaklak ng isang litrong lipton green tea, mag OT sana kaso nung nalaman ko na ako nalang mag-isa ang matitira sa office sumabay nako umuwi.. dahil ayoko mag dagdag sa "Nginig" ng bagong episode.

Pag uwi ko sa bahay, may tinawagan agad ako sa phone, maghapon kaming di nagkausap dahil sinusuka ng cellphone na gamit ko ngayon ang sun cellular na sim... una hindi nagsasalita.. kala ko galit.. un pala busy nanonood ng telenovela. Kamustahan, chikahan.. then napunta sa kwentuhan na medyo seryoso..

Tumawag si tita nya.. pinapipili kung itutuloy pa nya ang studies nya (second course) or yung ipapadalang pera ay ipang gagastos pamasahe... papunta ng Japan, para dun tumira kasama ng tita nya... pinili.. Japan.

Cyempre initial reaksyon... tahimik... tinanong ko bat ngayon lang naikwento saakin, di cya kumibo. Naiintindihan ko naman yon, cyempre para sa sarili at sa pamilya nya yung gagawin nya eh. Pero cyempre malungkot.. minsan na ngalang kayo magkita tapos biglang ganun pa ang mangyayari. medyo nakakainis din pala kung alam mong maraming makakabasa ng blog mo.. mahirap mag detalye, hehehe di mo rin mailabas lahat ng nararamdaman mo.. iuutot ko nlang siguro to bukas ng umaga ;)...

Na mimiss ko tuloy mga "kamag anak" ko... Mark alam ko super busy ka sa career mo, Mela isa ka pa... batman ka narin.. Joyce... kelangan ko ang experience mo.. Ara, gusto kong tumawa.. Brian, gusto ko ng ka joyride.. masarap magpunta sa may tabing dagat ngayon diba? malakas ang hangin sigurado.. sarap tumambay don.. at ang pinakamamahal kong dingding(wall)... namimiss kong butasin at wasakin ang iyong mukha pag ako ay na dedeliryo...

tama na to matutulog nako...dami ko pang trabaho bukas. At least hindi ako ngayon nakain dahil sa depression.. diet eh.

Comments

Popular posts from this blog

Kotse lumapit ka saaken!

Kristin Kreuk

Skyway Highway