Bad Start of the day...

Planado ang sunday ko, masarap ang tulog ko... pero kinabukasan... wala pala kong perang pambili ng manok na i lelechon ko sana.. bakit ba naubos pera ko? basta isa pang nakakainis na rason yon..

So nag internet nalang ako para ituloy ang work ko... ang sideline.. maya maya nag may nag text saken at galit nanaman saken... di raw ako ma contact sa phone.. so down muna ang internet at nag usap kami.. di ko alam kung bakit imbes na pagandahin ang araw ko lalo pa itong napasama... pinasama. Sa totoo lang marami akong tampurorot kahapon sa wedding na pinuntahan ko... medyo na stress ako... cge masaya narin pero hindi ganung kasaya... wala akong gaanong kilala sa pinuntahan ko at yung taong inaasahan ko na magpapasaya saken don eh hindi naman ganun kung mag bigay saken ng suporta.. naging emcee ako ng di ko alam kung baket... usually may magbibigay sayo ng supporta pag dating sa ganon para lumakas ang loob mo.. so nag salita ako sa harap... kabado nga dahil hindi ako handa... pag balik ko sa pwesto ko para kumain.. ano ang una kong nakita... nakasimangot na mukha sabay sabing nagkakalat lang daw ako sa harapan.. hindi ko gaanong pinansin yung comment na yon pero sa tootoo lang gusto ko ng mag walkout nung ssinabi nya ito saken... dyos ko naman bat naman ganyan ang sasabihin mo saken... kabadong kabado na nga ako at biglang bigla sa mga nangyayri tapos yan pa ang maririnig ko sayo... nagkakalat ako?! sabi ko nalang .. "thank you".. sabay ngiti..

Tinamad na talaga ako mula non... pero tuloy parin sa pag emcee... ginagawa ko lahat para mapasaya naman ang mga taong nakikinig saken... minsan natawa sa jokes.. minsan inde.. pero cge ok lang.. paka bibbo lang ako sa harapan.. para sa kinakasal.. para sa kanya.. shet naman bat kasi ako naghahanap ng words of inspiration eh! kung naging bato lang sana ako na hindi ko na kaylangan ng mga salitang magbibigay saken ng lakas ng loob edi mas masaya sana ang naging resulta ng pag eemcee ko sa kasal na yon.. pero hindi un ang nangyari.. laging paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi nya saken na nagkakalat lang daw ako sa harapan... paulet ulet grabe talaga... konting suporta naman please!

Sa bandang huli tinamad na talaga ko, bumaba ako para mag pahangin ng konti sa labas... cguro kelangan ko narin baguhin ang ugali kong masyadong mahilig sa thankyou.. ewan ko ba kung baket, pero mababaw lang naman ang gusto ko sa mga favors na ginagawa ko eh.. kahit maliit na thankyou lang.. kahit thanks.. kahit katiting na salamat.. ok na eh.. mararamdaman mo na yung effort mo ay hindi wasted diba?.. pero wala eh wala talaga. Kung baga sa trabaho, parang utos ni boss, sumunod ka dahil pinapasweldo kita...

So tuloy ang usap sa phone.. gusto kong sabihin sa kanya tong nararamdaman kong ito pero nung maguumpisa nako mag sabi "Alam mo may saasbihin ako sayo", ang biglang banat nya saken "BAKET ANO NANAMAN BA YON?!" putik naman! kalmado akong nagsabi na may sasabihin ako sa kanya... bat naman ako biglang pagtataasan ng boses na kala mo ay may sinabi nakong offensive sa kanya... gusto kong malaman mo ang nararamadaman ko.. gusto kong suportahan moko at bigyan moko ng mga salita na magpapalakas ng loob ko.. bigyan moko ng mga salitang magpapagaan sa nararamdaman ko.. pagandahin mo naman ang araw ko parang awa mo na!

Pero wala eh... sino ba magbabago?? ako ba mag aadjust? magpapakabato nalang ba ako lagi?.. buti nalang birthday ni Ronald ngayon.. pupunta ko mamaya sa kanila dahil nagyaya cya ng inuman.. ibubuhos ko nalang siguro don ang sama ng loob ko.. para mahimasmasan ako kahit konti...

Baka naman ako ang may mali, baka naman cya ang may tampo saken kung kaya ganun cya.. cguro nga ako ang may kasalanan.. lagi naman ako may kasalanan eh.. gagawan ko nalang ng paraan..

Comments

Admin said…
Hello... Kelangan lang ng seryosong usapan yan. Di maaayos iyong problema kung panay ang iwas na ayusin ito. Heart to heart talk lang ang kailangan. Try mo sya kausapin na maganda ang mood nya.

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway