Kakaibang trip, AYOZ

After a whole week of work, another unplanned friday night... I just encashed a check I found on my room and I'm burning to spend it. So I asked my budz if they like to watch a movie.. I checked suresits.com for the list of movies playing at the G, unfortunately... nothing seems to interest me... Flight Plan looks ok though, but Im really looking forward into watching some serious-scary-horror-nightmaregiving movie, Emz and I were talking bout the Exorcism of Emily Rose the whole afternoon, she shown me some movie clips and i thought.. WOW!.. this movie will surely scare the asthma out of me!.. but the movie won't be playing till this coming Nov. 17.. I think.

Since there's no scary movie playing and most of my budz don't feel like watching a movie... I tought I'll just go straight home since I'm not feeling well that afternoon... something's bothering me.. like something bad is bound to happen... damn! I hate that feeling.. I told Mabel to text everyone at home and my baby sis staying at Manila, just to check if everything is fine. Drank a glass of water to calm myself... Emz told me to pray.. so I did.. asked God to take care of everyone.. and if something bad is really going to happen.. let it happen to me and not to anyone I know.. a friend told my that I must be palpitating... the term kinda cool things down a little, it made me smile.. why? coz I don't have any idea on what palpitating means, and my imagination drawn crazy images bout the word.

After a while the feeling just vanished.. maybe GOD heard me or something... so once again the burning passion to spend my money came back.. damn..

I remembered last wednesday while having the usual get together session with Francis and Marco, Francis told us that he have a bunch of star city's 5 free ride tickets at home and asked us If we are up into doing something different this coming friday... Back then I thought that what were talking about are more of a nonsense drunk talk, nothing serious. So I PM Francis and asked him bout the Star City trip..

From here tagalishing na para mas masaya.

WEEEE!! SARAP! Sabi ni Pogi ok lang sa kanya, ang problema si Marhgil ay pauwi na ata ng Batangas and kung trip namin mag taxi nalang kami papunta don.. So nag message ako kay Marhgil.. "oi starcity tayo mamaya!" yan ata sabi ko.. tapos nag reply cya.. "ok".. tapos ang usapan! Tapos tinanong ko si pogi kung si Marco ba eh makakasama.. sabi saken ni Pogi itanong ko daw.. DYOS KO magkatabi lang silang dalawa don sa opisina nila! tinatamad daw cyang itanong.. so sige tanong ko si Marco. "Hoy Star CIty TAyo Mamaya wag ka ng hihindi kundi gugulpihin ka namin!" yan ang sabi ko... so ang sagot nya "HINDI!!!".. so set na ready na ang lahat.. so pinuntahan ko sila sa opis nila tumambay don ng saglit, lumamon sa Tokyo Tokyo... Beef Misono.. California Maki... DIET KO SYET! at nag punta na kami sa STAR CITY.

Excited ang feeling... ng mga kasama ko.... hehehe. Naka park naman kami agad kaya astig tapos sa loob nakapasok din kami agad..

ANCHORS AWAY (enchanted kingdom name)

Tumambad na sa aming mga mata agad ang ANCHORS AWAY (ng enchanted) di ko lam kung anong tawag don sa star city.. masama ang unang experience ko sa ride na yon sa EK dahil sa takot ng ate ko NASAPAK nya ako sa mukha na lalong nagpahilo saken sa ride.. kaw na, bumabaliktad na bituka mo, sakit pa ng mukha mo sa pagkakasapak sayo. Pumila kami... kala ko mahaba habang pila to.. pero mabilis din pala.. sakto pa talaga dahil sa dulo kami lahat naka upo.. sa DULO ng barko! sa pinaka nakakatakot na pwesto.. ang alam ko animan ung upuan eh.. pero nung nag sipwesto na kaming apat.. sumakto nalang hahahahaha.. may extra papalang babae sa hanay namin.. na indian ata ng mga kabarkadang natakot lahat sa ride nayon. Di ko na detalyehan ang itsura dahil kinakabog nako sa mangyayari saken sa ride na yun.. at nagsimula na... gewang na mahina, gewang lumalakas, gewang lalong lumalakas, gewang terible na, gewang dyos ko mamamatay nako.. Sigawan kami ng sigawan astig talaga ang pakiramdam... nasigaw si pogi.. "I LAB U BHE BHE!!!" nu kaya un.. la ko idea kung nu sinisigaw nya eh.. ako sigaw ko kasi "BOORIIING!!!!!" pero dyos ko katangahan ma bored sa ride na yun.. kahit siguro painumin ka ng anestesia may mararamdaman ka parin hehehe.

Haunted House

After ng anchors away, nag decide kami na magpahinga muna, kaya pumasok kami sa haunted house... may nakasabay kami sa pila na cute na chick na takot na takot.. di pa napasok takot na takot na.. sabi namin, ok lang yan miss kasama nyo naman kami hehehe BOLA pa talaga. dahil takot talaga, shete iniwan nanamin.. pag pasok namin sa haunted house napatingin kami sa kaliwa nung pinto at NAGULAT na agad kami!! yun pala yung GWARDIYA lang pala ung nandon, ung taga hawi ng tela papasok sa haunted house.. di papala kami nakakapasok sa mismong nakakatakot daw na lugar, nagitla na kami.. at sa GWARDYA pa! nyahahah.. puro tawa lang nangyari samin sa loob.. suportang tunay na kaibigan.. pag ang kaibigan mo nagulat o natakot.. PAGTAWANAN MO! hahahaha! ok naman sa loob, relax.. napapa WAAA din ako sa mga kanto.. lam mo ung feeling na gusto mong wasakin ung nangugulat na makina dahil... GINULAT ka? ganun naramdaman ko dun.. nung nasa exit na kami, nag lakad astig na kami.. tipong wala lang.. walang feelings..

BUMP CAR

MAHABA ANG PILA! yun lang masasabi ko sa ride na to.. MAtagal pa ang pila namin kesa as pag sakay sa BUMP CARS, mabaho pa ung seatbelt! pero pwede narin masarap ang feeling ng nakakailag sa sa mga engot na driver tapos hahanapin mo mga barkada mo para bigyan ng malakas lakas ng BUMP! si marco ang masarap sagasaan kasi feeling ko konting lakas nalang mag 360 na sasakyan nun eh palipad sa labas ng track.

BLIZZARD

Maliit na roller coaster.. 2 ikot.. wla pang 2 minuto.. ok narin.. masaya saya narin kahit masaket sa muka kasi humahataw hataw ang mukha mo sa bakal na nakaipit sa katawan mo.. pero ok lang.. may katabi akong bata.. sabi nya firstime nya lang daw sumakay don.. sabi ko "wag kang matakot astig to" so tuloy na ung ride.. ung bata tili ng tili, sabi ko diba asteg!! asteg diba!!!! nung natapos ung ride tuwang tuwa ung bata sabi saken "Astig kuya! astig nga kuya!" di ko lam kung lam nya ibig sabihin nung astig, pero ayos naman na nakaimpluwensya pako ng bata at nabigyan ko cya ng bagong salita.. Astig kuya astig!

Magic Carpet

Nakita ko ang ride na to habang nakapila kami sa Anchors Away.. at grabe, sa itsura palang nung ride, parang mamamatay ka talaga.. nireserba pa talaga yung ride na un.. ang huling ride sa LOOB na sasakyan namin.. haba ng pila.. daming bakla.. tingin ng tingin kay marco.. hehehe. exciting din sa pila kasi naanticipate mo na eh.. sabi ni marhgil di raw cya natatakot sabay turo sa dibdib nya... sabi ko "baket matigas na nipples mo?" hahaha nu ba yun, un pala tinuturo nya eh ung "NO FEAR" na nakasulat sa t-shirt nya. hahahaha grabe! nung nakasakay na kami... may bakal na ilalagay pra di ka tumalsik... hala! ung bakal! ang sikip! talagang hinigop ko lahat ng hangin sa tyan ko para mailock ung bakal, nung nailock aba secured na feeling ko.. ang sikip eh! sakit sa tyan hahahah! tapos nagsimula ng gumalaw ang magic carpet.. aba! kung sa anchors away may mabagal na umpisa.. doon wala.. umpisa palang nakakarimarim na agad! todo waaah waaah wahhh kami don.. sigaw ko "ANG BEEF MISONO KO!!!" pero dahil sa tagal ng ride parang wala na.. after mga 4 na ikot.. di na nakakatakot.. masarap na parang pinapaypayan ka nalang... relax na kung baga.. ung nasa unahan pa namin picture ng picture.. cyempre sumasali kaming mga nasa likod.. kanya kanyang posing.. dami nga sungay nung mga nag pic na un dahil sa mga kamay namin hahahah!

ICE AGE

Pagkatapos ang exciting na ride.. punta kami sa ice age.. ung lugar na puro ice sculpture.. inaasahan ko maganda sculptures pero sos walang mga wenta.. di ako na impress.. ang nagpasaya lang saken eh ung lamig... ung pag nagsasalita ka nausok ung bibig mo hehehe.

dahil late na pala nung pipila na sana kami para sa WIld River at Cyclone loop... sarado na ung pilahan.. shete sayang tlaga! SAYANG!!!!!! kaya nag games nalang kami.. nag tyaga makakuha ng manika.. nakakuha ko sa target shooting ng medium na toy pero pinapalitan ko ng maliit kasi ung maliit mas cute kesa sa medium... after a while umuwi nakami at gumala kung san san pa..at natapos ang araw sa pag uwi ng 4am ng madaling araw.. astig... tama na haba na work mode nako!

Comments

* a~n~i~g * said…
Wow saya!! kakaiba k tlga mag-kwento.pti ako twa ng twa d2! :)) lalo n dun sa 'bakal'.. hehe.lam mo n un.Basta minsan tau2 nman.tas dala mo n car mo.Yihee! saya nun! :D
kukote said…
ehem...sarap magmcdo...

pagkapost ko, nagpunta ako dito, natawa ako, pareho ang topic natin.. hahahaha!
CoB said…
di nako magpo-post leche!! pare-pareho magiging topic naten haha....
marcobain said…
maspopost sana ko eh.. sayang talaga ngayon lang sana ulit ako magpopost kaya lang naunahan nyo ko. sayang talaga. sayang... kung alam ko lang eh di sana nagpost din ako sayang talaga. kwento ko pa naman sana nas star city tyo kasama natin sila francis,marhgil, ikaw at ako.tapos sumakay tyo ng mga rides pero hndi tayo nakasakay ng wild river tsaka cyclone loop diba. Yun pa naman ang gsto ko yung wild river. tapos yung mga bakla nga pala hndi sakin tumitingin yun kay kiko lang.. tapos sayang talaga kasi muntik na ko manalo dun sa shoot out kelangan kasi maka 8 na shoot in 20 seconds kaya lang naka seven lang ako sayang talaga. May manika din sana ako.. gs2 ko pa naman ng manika sayang talaga. sana talaga nakapag post ako eh kaya lang parepareho tyo ng topic kaya wag na lang. cge hanggang dito na lang muna nakakahiya naman sayo baka sabihin mo nagpopost ako sa blog mo pa eh may sarili naman akong blog cge next time na lang.

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway