Thursday, December 01, 2005

Astig

Umuwi ako kahapon ng maaga dahil b-day and anniv namin ni GF, dumaan ako sa mall para maghanap ng gift.. ang nasaisip ko talaga na gift ay higanteng stuff toy... para malala nya ko lagi..

Image hosted by Photobucket.com

diba magkamukha? pareho kaming cute hehehe. "kapaaaal!"

Tas ginawan ko naman cya ng poem, enclosed sa binili kong card... nakakatuwa nung binili ko yung bear kasi yung mga sales lady kinikilig. Pag dating sa counter yung girl na bagger eh niyayakap naman yung bear.. astig.. ang sarap maging bear. Pag sakay ko sa Bus parang may artistang sumakay dahil halos lahat tumingin saken dahil sa bitbit ko, tas dahil di kami kasya pag kinalong ko cya.. ibinayad ko pa cya sa bus.

Pag uwe, drive papuntang Calamba, pakantakanta pa nung nakarating ako... aba tulog na. Ginising pa sya at cyempre di ko muna ibinaba sa bear.. kuwari wala akong bitbit, yung card itinago ko sa binti ko..inipit ko dun habang nakaupo ako... so dating na cya chikahan ng konti tapos sabi ko wait lang may ayusin lang ako saglit sa car..

So pagbalik ko dala ko na si Bear.. tuwa si GF ang kulit ko daw.. haay salamat ngumiti din.. nalimutan na ata ang galit nya saken.. so after ng konting chikahan nagpaalam nako at umuwi.. pag dating ko sa bahay.. nag dive at nakatulog.

This weekend ipagshopping ko naman cya... kahit anung gusto nya basta swak sa budget... hmm.. san kaya may mamisong mga damit??

2 Comments:

Blogger Robin and Emz said...

ang sweet mo benj!! swerte ng gf mo.. pede ba kitang maging bf sa xmas, para penge ko regalong bear? break din tayo pag natangap ko na ha! hehehe.. biro lang po..mahal ko fiance ko=)

1:04 PM  
Blogger Unknown said...

Hey lapit na bday ko, regalo ko kahit na bear din, irerecycle ko ahhahaha... mamisong damit sa Divisoria mall ka magpunta o sa 168, malayo mapupuntahan ng 2k dun.

3:45 PM  

Post a Comment

<< Home