Pensieve...

Kung napanood nyo, or nabasa ang Harry Potter malamang ay familiar kayo sa Pensieve... ito ay yung parang bowl na pinaglalagyan ng mga memories ni Dumbledore para hindi nya ito malimutan... or para hindi nya ito laging bitbit.. para sakin tong blog na to ay parang pensieve din.. tambakan nga mga memories na ayaw kong makalimutan... or gusto kong iluwal sa aking isip para gumaan naman ang pakiramdam ko... ang kaso nga lang naman... tong pensieve kong ito ay accesible ng maraming tao.. oks lang dahil di ko naman kilala yung ibang napapadpad dito eh.. so anyway... mag kwento lang ako sa aking blog.

Kanina after ng christmas party ng DiaVox sa I.O. kung saan kasama parin ako, mga 2:00 AM natapos yun eh.. at dahil medyo natatamad pa kami umuwi ni Francis, we decided na ituloy ang inuman namin sa gilligans sa may glorietta. So from Jupiter, naglakad kami sa may Makati Ave. hangang Glorietta... hindi pala biro na lakaran ang ginawa namin dahil ang layo.. astig dahil first time ko nalakad ang lugar na yon... enjoy din naman dahil napapaligiran kami ng christmas lights.

Pag dating namin sa Glorietta malamang baka pasara narin ang Gilligans kaya tumambay nalang kami dun sa parang maliit na garden... nagpahinga dahil nga sa layo ng nilakad namin... malamig ang gabi, marami rami din kaming pinagusapan. May kanya kanya kaming problema ni Francis, pero kung tutuusin ay parang pareho lang naman.. sa bandang dulo lang talaga nagkaiba. Hindi ko na ikwento ang problema ni Francis dahil hindi nya naman blog to... akin to.. saken naman, di ako sure kung problem ba talaga ito or what..

Taena naman blog ko na nga ito nagdadalawang isip parin ako isulat yung mga nasa isip ko pathetic shet!! TAENA!!

DYOS KO LORD GOD HEAVEN ALL MIGHTY! IBALIK NYO PO ANG PANAHON KAHIT 1 MONTH LANG PLEASE! KUNG ANO MAN ANG NAGING KASALANAN KO AAYUSIN KO PO YUN LAHAT! MAY MGA BAGAY NA AYOKONG MAGBAGO!

kung pwede ko lang isigaw lahat yan ginawa ko na kanina pa sana... kaso ayokong mangbulahaw ng kapit bahay...

Nilalagnat ako ngayon, buryong at windang... may konting poot at tanong sa aking isip...

may word of the year na pala ko... word na hindi ko malilimutan sa matagal na panahon... sabagay 1 word lang to... pano ko ba naman to malilimutan... Weird noh? pero astig kasi dahil sa salitang yun na confirm ko lahat ng tanong sa aking utak na medyo nag bukas ng mga panibagong tanong pero at least yung unang tanong sa utak ko ay confirmed na.

bakit kaya ganun noh, yung mga bagay na importante sayo eh talaga yun pa talaga yung mawawala sayo. Siguro nagkakaganun lang dahil nga importante sayo ang isang bagay feeling mo eh kinuha na agad sayo... di ko rin maintindihan ang logic pero badtrip talaga minsan eh.

Pero meron pang isang side ang lahat ng pinagsasabi kong ito, pwede rin naman na ako lang pala ang may problema at masyado lang akong nagpapa apekto at nagiging sensitive sa mga bagay bagay sa paligid ko. damn talaga, astig na sana... grabe ang hatak parang pati yung pagka excited ko sa pagbili ng sasakyan nawala.. parang mas gusto ko pa ngayong gamitin yung pera kong naipon para mag resign tapos ipangbayad at mag take ng risk pra makapag trabaho sa UK...

Hmmm siguro nga ako lang ang may problema, iba talaga ang taong windang... masayahing windang... haay work mode nanaman bukas... kakatapos ko lang mag gawa ng sideline ko which isa talagang delayed na delayed na... bahala na.. kaya nga hindi ko muna gagastusin tong bayad saken para kung magka problema eh ibabalik ko sa kanila ng buong buo yang bayad nila kesa naman magmroblema pako sa mga kaabugaduhang ek ek... ang galing noh? bigla akong nag shift ng topic.. gago kasi ako eh.


Astig pare!


Click! Click! Click!


Tudoinks!

Gusto ko sanang idaan nalang sa poem tong post na ito para atleast mahirap I decipher.. kaso ngalang damn.. wala ako sa poetic mood! Ni walang tumatakbo sa utak ko.. ngaun naka 3 nako na "Something Undefined" astig pero hindi rin eh.. kasi ang something undefined ay na cocompose ko lang out of sadness...

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway