sari sari

Maraming kakaibang nangyari sa buhay ko ngayong linggong ito, maraming bagay na iniisip... sa dami ng aking iniisip medyo na apektohan ang trabaho... alam naman natin na ang trabaho ko bilang isang taong dumudutdot sa kompyuter ay kelangan ang isip para maayos ang trabaho.. pero kung ang utak mo ay windang... siguradong mag kakaproblema ka..

sa ibaba makikita nyo ang manika na bigay ko kay gf nung anniv namin.. nakatatak na yan sa utak ko ngayon.. nakalagay sa memorya ko ang moment na yon.. ibinigay ko ang manika at nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.. masaya astig talaga.. matapos ang gabi na yon.. simpleng gabi ng pag bibigay ng regalo... parang nabawasan ako ng konting problema... nabawasan ako ng iniisip... pero hindi papala tapos ang lahat.

Badtrip talaga bat lagi nalang ganito ang post ko! wala na ba akong post ngayon na masaya? puro kadramahan nalang ba ang naisusulat ko ngayon.. sige ibahin ko nalang ang usapan..

Isa pang iniisip ko ay ang pagtupad ng aking isang pangarap.. simpleng pangarap lang naman na magkaron ng sariling sasakyan... cyempre sa umpisa ang gusto kong car eh yung simple lang.. pero yung may dating din naman... pero cyempre mahal yung mga sasakyan na asteg. Sa ngayon nasa bank lahat ng pera ko, nakatambak sila don para pag umabot na ang ipon ko sa halagang kailangan ko.. maguumpisa nako mag hanap..

Ang maximum na kaylangan kong pera ay nasa 125,000 lang naman... sa halagang ito sigurado nakong yung sasakyang mabibili ko ay maganda na at yung tipong trip na trip ko narin. pero wala pa sa kalinkingan nito ang ipon ko... tyagaan lang naman yan eh.. sabi nga saken ng barkada ko "Expect the worse and hope for the best" tama cya diba? kung aasa asa akong magkakaron tapos biglang hindi natuloy.. diba shet? kaya hindi na ako masyadong umaasa kasi... madaming beses ng nangyari sa buhay ko na napaasa ako sa wala eh.. nakakapagtampo na nga minsan, pero anung magagawa ko... isa lang akong simpleng tao sa mundo... wala tayong magagawa kundi ang ngitian nalang ang lahat at magpasalamat sa meron ka ngayon.

Excited ang pakiramdam ng pinaghahandaan mong tuparin ang isang pangarap... lagi mong iniisip.. lagi kang nangangarap... sabihin nating materyal na bagay lang naman ang sasakyan... tsaka sasakyan lang yan... pero para saken iba eh... simula ng matuto akong mamasahe nangarap nako na magkaroon ng sariling sasakyan.. sasakyan na hindi regalo, hindi pahiram... gusto ko yung sasakyan na talagang pinaghirapan ko, ginastusan ko... kasi alam ko na kung ang isang bagay ay pinaghirapan ko.. pag iingatan ko ito ng husto.. tulad ng computer ko sa bahay... lagi kong pinupunasan labs na labs ko yun kasi pera ko ginastos ko sa pagbili nito. Ngayon sasakyan naman ang gusto ko... pag natupad to pwede ko ng sabihin sa sarili ko na may na accomplish nako sa buhay ko, at least isa sa mga dreams ko...

Pag natupad ang car eto ang gagawin ko...

1. Ihahatid ko si mama sa Prayer Meeting nila sa Paranaque... sasama ko sa kanya dun magpapasalamat ako kay God.

2. Pupunta ko sa tagaytay... papakiramdaman ko lang ang malamig na hangin ng tagaytay habang nabyahe ko.

3. Igagala ko ang aking mga kaibigan...

maraming marami pang iba...

Sana matupad ang dream kong ito... salamat sa mga sumusuporta na matupad ko tong isang dream ko dahil promise kung anung dream nyo susuportahan ko din kayo... suportahan tayo..

Sana matupad tong sasakyan na to bago mag end ang december, gusto kong igala si Brian para mameet din ang aming long lost friends.. joyride tayo! this time four wheels na!

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway