Search for the star...

Hmmmm... dahil on-leave nako ngayon araw na ito, I can do pretty much anything sa buong araw. Pero hindi ko pwedeng ma waste ang chances na magkaron ng freetime sa pagtulog nalang maghapon... so ang plano ko ay gumala at mag canvass ng aking carlaloo.

Cge medyo wasak ang pangako dahil tinanghali ako ng gising kanina, nag celebrate kasi kami ng birthday ni Marco kagabi and talaga nga naman napasarap talaga ko.. ang laki panga ng daliri ko ngayon sa sobrang sarap hahaha. (sa mga hindi nakakagets, may konting allergy ako sa alak na namamaga ang daliri ko pag nasosobrahan ako.. so wag ng magisip ng ano paman... ok)

Nagising ako mga 11:30PM na, nagmamadali akong bumangon, takbo sa garahe at nakito nandun pa ang aming toyota high adventure... so ok pa.. hindi umalis si father dear so may magagamit akong panggala... kain ako.. hilamos toothbrush... (oo hindi ako naligo sa sobrang excited)... sakay sa aming sasakyan and off I go in search for the star...

Derecho ako sa nagbebenta ng used cars sa may Balibago, ang target ko talaga ay Honda Civic 97 model... ang alam kong presyo nito ay around 225 to 250k so sobra pa dito ay medyo questionable na... dahil kapos na sa budget brother. Wala akong nakitang Honda Civic sa dealer pero nag tingin tingin narin ako... warm-up ba, so nung medyo talagang di ko na matake ang sarili ko sa pag pretend... umalis nako.

Habang nagmamaneho tingin ako ng tingin sa tabi tabi, naghahanap ng naka display na Honda Civic... hala may nakita ko ang ganda! tigil ako agad, lapit.. bukas ang pinto at nag alarm! wow may alarm! tinanong ko agad yung tao don.. BOSSING!!! magkano asking price neto??? 300k po sir! 300k!!!! WAAAH! pero cyempre utak ko na yung nagsasalita ng mga oras na yon.. pero astig yung car... ganda nung mags, ang linis ng loob, walang gasgas ang body, walang kalawang ang mga ilailalim... ang di ko lang nagustuhan ay automatic cya.. gusto ko kasi manual, para hindi mahiram ni gf. hehehe.

So kinuha ko nalang yung requirements nila at yung calling card para matawagan ko... so tuloy ang paghahanap... so from Sta. Rosa umabot ako sa San Pedro Laguna... ang target ko talaga ay ang Automobilico sa may SM Paranaque dahil dun ko nakita yung 97 model na 250k lang ang benta... pero matagal na yun.

so ang mga nakita ko ay 300k, 295k, 310k, 265k(ok na sana kaso medyo madami ng tama)
so nung nasa San Pedro nako dumaan muna ko sa bahay ng ate ko para magpahinga at dalawin narin ang mag asawa... tapos biglang nag text ang aking ama at pinauuwi ako ng 4PM dahil gagamitin daw ang sasakyan... pero biglang nagsabi na 8PM nalang daw at sunduin ko nalang sila sa Robinsons Sta. Rosa... at dahil ang init nga... dumaan muna ko sa isang barbero sa San Pedro at nagpa "uno" astig dahil balak ko talagang mag long hair next year kaso mo nga naman walang may gustong mag long hair ako! si GF sabi saken di daw cya magpapakita pag di ako nagpagupit, si BEstfrend sabi di na daw nya ko kakausapin dahil scary daw ako, si COB sabi di daw bagay saken.. dyos ko edi cge uno kung uno! pero astig... talagang unang dadaanan ng barbero pag nagpa uno ka eh ung gitna talaga ng ulo.. talagang no turning back na dahil kung mag bago isip mo.. hala mukha kang gago... may hati sa gitna.. dyos ko! MR.T na mali.

Tapos dumaan naman ako kala Totoy at dinalaw cya.. tambay ng konti.. inom softdrinks kamustahan balitaan, tanungan ng kasal, ng plans, ng buhay... batian ng Merry Christmas at happy New Year... May pamangkin si Totoy... pinakilala nya ko.. siguro mga 4 years old palang cya... astig kasi sabi ni Totoy Ninong daw ako edi cyempre tawa ko ng tawa.. tapos lumapit ung bata sakin at nagmano... eh wala kong pera hahaha! tapos biglang nag kiss! hala gusto ko ng ibigay cellphone ko para isangla nya at ibili nya ng candy! so after ng tambay kala totoy.. balik ako sa bahay ng ate ko at nakiligo dahil madaming buhok ako sa katawan... aba after ng shower... gumwapo ako hahaha! astig! daldalan ng konti... dalaw yung isang client ng video machine.. astig.

Tapos mga 6:00 larga nako papuntang Robinsons... doon bumili ako ng panregalo para aming christmas party.. hindi nako nakapag shopping sa glorietta kasi nga.. nag celebrate kami nila Marco... pero balak ko bumalik talaga don para ibili ng secret ang aking isang kapatid... na babaeng batang bunso na hindi si mabel.. asa mabel hehe.

Bumili rin ako ng Bag dahil medyo natatamad nako mag backpack tsaka gusto kong itreat ang sarili ko.. gala ako ng gala sa Robinsons.. nalimutan kong may malaking butas pala yung suot kong T-Shirt sa likod.. napansin ko nalang sa bahay na ang lake pala talaga.. no wonder di ako gaanong pinapansin ng mga sales pipol hahaha tas kalbo pako na madaming balbas.. hahaha holdaper to the highest level! hala bakla na!

Tama na mag autolink muna ko!

Comments

Popular posts from this blog

Kotse lumapit ka saaken!

Kristin Kreuk

Skyway Highway