Sunday, January 29, 2006

Fiesta at Elfwood

This year, first time ko na umpisahan yung mass, usually kasi dumadating ako mga start na yung sermon at hindi ko na narinig yung pagbabasa ng bible. Pero ngayon sakto ang dating ko, kakatapos lang ng Communion, so tumambay muna ko sa labas ng simbahan, nagpacute sa mga girls sa labas... na puro may dalang anak... Tapos nung nag end na yung unang mass... pumasok nako... to make the story short... sa announcements sa Mass nag discuss yung priest about the town fiesta activities... pero hindi kami kasama dun dahil sa ibang baryo ako.. at iba ang aming patron saint. Natawa lang ako sa sinabi nya na... ang fiesta daw ay pagdiriwang lamang ng mga Katoliko, hindi kasama ang mga Iglesia ni Kristo, Dating Daan etc.. dahil hindi naman sila naniniwala sa Patron Saints or sa kahit anong saints na reason kung bakit tayo nagdiriwang. Sabi nya, maghanda kayo ng masasarap sa pagdiriwang, pero pag may dumating na Iglesia sa inyong handaan... ang ibigay niyo ay Dinuguan at Puto. HAHAHAHA! Sabi nya batikos ng batikos daw ang INC sa ating pagkakaroon ng mga Saints, eh nakikikain naman sila saatin pag fiesta.. hehehe tama nga naman hehehe. No offense sa mga INC.

Elfwood... ito ang pangalan ng site na pinaglalagyan ng aking mga drawings.. nagpost ako ng drawing dito at kelangan pa itong dumaan sa QA para malaman kung yung akin bang posting ay valid or hindi... at aba... after almost 2 months of waiting na ma validate ung aking picture... hala REJECTED ANG PATENG!! WAAAH!!! eto ang dahilan

Hi Ben Joseph Banta. Here is a copy of your rejected files from Elfwood. One of the Elfwood moderators rejected this file from your application, and also removed it from Elfwood. Reason: Does not fit in this area. Sorry, we had to reject this because it was not fantasy or science fiction. People wearing period or made up costumes are not fantasy just because of that.. Elfwood Ticket #474836 was processed by a moderator at Sat Jan 28 16:35:26 2006.

ang taray diba!

eto nga pala ung pic na na reject... haay...

http://img.photobucket.com/albums/v606/neovenjo/reminiscin.jpg

Made this one for my friend Hermione... Oh well... pare na reject ang drawing naten! cguro lalagyan ko to ng faery wings or dragons na nalipad sa paligid para matanggap.. another 2 months...

Off to the mall I go.. nood ako sine.. tinatamad ako mag program.

2 Comments:

Blogger CoB said...

e ogag pla ung moderator na un e hehehe... padala mo nga piktur mo try kung ma-approve hahaha!!!

10:24 AM  
Blogger kukote said...

oi. oi. oi.. kaya nga di ako namemyesta eh... hahaha! about the picture.. lagyan mo ng sungay, hahaha!

10:41 PM  

Post a Comment

<< Home