Wednesday, January 04, 2006

Hunting...

After work.. deretso uwi... pag dating sa bahay... habang nakanta ko ng Californication.. nag kwento si mama na may nag tatapon daw ng mga basura sa may gilid ng bakod namin.. at di lang maliliit na supot.. talagang malakeng itim na trash bags.. kala ko no big deal.. pero nung nakita ko ung basura hala nag init din ang ulo ko!

Yung kapit bahay naming si Ate Eva, nag lagay na ng karatula na "Ako ay balahura, itinatapon ko sa ibang bahay ang basura ng pamilya ko" taray diba? Sabay si Papa gumawa naman ng karatula "BAWAL MAG TAPON NG BASURA, PRIBADONG LUGAR ITO... Ipababaranggay ang mahuhuli" diba mataray din.. kaso lang ung part na ipababaranggay di na nag kasya sa cartolina kaya ang liit nalang.. para tuloy pag babantang galing sa ilong.

Eto ko ngayon.. nag ready.. huhuntingin ko kung sino mang hunghang ang nagtatapon ng basura sa gilid namin... na pump ko na ang airgun namin, na test ko na at ang lakas lakas.. astig. at nakakasa na.. ipuputok nalang. Inilagay namin ang aso naming si Buchik sa malapit sa may bakod para pag tumahol signal na ng gyera..

Cyempre balak ko.. sigawan ko muna ng.. "HOY!!! GAGO KANG PUNYETA KA AH!!!" tapos ipuputok ko ung airgun.. na AIR palang ang laman para lang magulat.. tapos sisigawan ko ulit ng "PAG INULIT MO PA YAN HINDI NAKO MAG MIMINTIS LECHE KANG HAYOP KA!!" yan ang mga balak kong sabihin mamaya... kaya kung sino man yung lokoloko na yon.. nako maghanda na cya dahil pag inasar nya ko babalahan ko na yung airgun na yun sa unang putok at papatamaan ko cya sa binti... magaling panaman ako bumaril (noon)..

..... yan eh.. kung magigising ako sa tahol ng aso para maabutan ko cyang nagtatapon sa akto... at dahil kilala ko ang sarili kong tulog mantika.. hala.. asa nalang ako.. pero pag nagising ako.. humanda kang tao ka!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home