FINALLY!!!! THANKYOU LORD!! OHHH YEAHH!!!!

This day has been marked... February 26, 2006...

The excitement last night almost kept me awake till 2:30 AM, I can't sleep, my mind was filled with images of me... driving my car... my very own car... a childhood dream about to be realized at the age of 23... I fell asleep and had nightmares... yes.. nightmares... I dreamt that Mr. Estrada (the seller) told me that he wanted me to give him 11k in cash before he let us have the car... how in the world will I be able to produce that amount in a day???... Its like being punched hard in the face!

Then my father woke me up, it was already 7:30 AM in the morning... thanking god that it was just a dream... I took a bath and helped father and Mang Rommy clear the inner part of our garage... bye bye ping pong table hehehe!

-------------------- TAMA NA ENGLISH DI AKO MAKAPAGKWENTO NG MALAYA!!!

San tayo ulet.. edi ayun na nga.... itinapon lahat ng tambak sa garahe, lahat ng di kelangan, mga upuan na bakal inilagay lahat sa likod bahay... tapos naligo nako... at lumarga na kami pa Bicutan dahil kukuha muna kami ng SQUID BOLS sa FTI.

Syempre sa buong byahe na yon... panay tugudug tugudug ang puso ko... kasi gawa ng panaginip ko... papano kung hindi i release ung sasakyan? papano ung excitement ko? mapupunta nalang ba yun sa talampakan ko? so sige byahe! si papa talagang kwento pa ng kwento, pangaral ng pangaral, turo ng mga road safety tips na parang first time ko magmamaneho.. eh college palang nagmamaneho nako.

Tapos ayun.. nakuha nanamin ung squidbols at derecho na kami pa France Street sa Better Living sa Paranaque... talagang todo kabado ko, para kong makikipag meet sa parents ng aking nililigawan. Sobrang kinakabahan, excited, takot, masaya... nakakalukong pakiramdam!

Lumiliko na sa France street... natatae ako sa anticipation... nakikita ko na ang autopad carwash!! waaah ayan na... bumaba na kami.. wahahahaha grabe!!!! at pinatuloy na sa bahay ni Mr.Estrada... waaah etoh na to!!! Mahabang pag hihintay dahil nag breakfast pa si seller... talgang heavy ata ang breakfast dahil 30 mins din kami nag antay... at ayan na... nagsimula na ang negotiation... ang unang sabi ni seller... "Kasi po di pa kumpleto yung payment" (dahil nga hindi pa na rerelease ng bank ung loaned amount ko) eh sos... 8 sasakyan nung seller.. at ung civic eh di na ginagamit.

Ang galing ni papa makipag negotiation, talagang salesman ang mga banat... ang problema kasi si seller eh ayaw mag tiwala na pag nasamin na ung sasakyan eh baka di ko na asikasuhin ung loan nya.. sabi ko naman.. Sir naman, I think I'm professional enough for such things to happen.. napa english ang putek. Naasar nako eh, kasi dami pang satsat... tapos biglang sabi.. o sige... susulat nlang ako ng letter na nagpatunay na narelease ko na sa inyo ang sasakyan.... Pagkasabi nya non.. parang nagbabaan ang mga anghel sa langit at sabay sabay na kumanta na hallelujah ni bamboo.

Tapos tinawag nya si edna, ung nagbabantay sa carwash.. EDNA EDNA, ung susi ba ng civic eh nasayo? pakibigay sa mag ama kukunin na nila ung unit.. HALA!!!! ANG SAYA!! pero cyempre di ako nagpahalata... pero sa totoo lang gusto ko ng mag sisigaw at magpagulong gulong sa kalsada sa sobrang saya... sa wakas... may maguguhitan nako sa time capsule ko....

At binigay na saken ang susi ****slow motion**** damn! ang sarap! para akong binigyan ng hmmm di ko malaman eh... ng kakaibang bagay na nagpapasaya saken... un na un... binuksan ko ang pinto.... binuksan ko ang hood, ang compartment, check oil, check spare tire, tools, jack, EWD... nung ok na lahat... pinaandar ko na at iniatras dahan dahan papalayo ng carwash... nagpagas sa petron... at lumarga pauwe...

sa sasakyan... habang nabyahe sa express way... sigaw ako ng sigaw... YEAH!!! ALRIGHT! YEAHHHH!!!! YEAHHH!!!! ASTEGGG!!! YEAHH!!!!! ang saya saya ko! naluluha ako sa saya! grabe mababaw man sa iba pero saken hindee!!!! grabe ang intensity ng feeling.... at wala pako lisensya non dahil kasama sa naglaho kong wallet!

Pag uwi.. mayabang ako ng POTPOT! aba ang lakas ng POTPOT!!!! pag silip ni mama... WOW!!!!! hanggang buwan ang ngiti! edi cyempre ako hangang pluto ang ego! hahaha! nagpark ako unti unti.. di ako muna lumabas ng sasakyan... cyempre pinagpipindot ko muna lahat ng mapipindot sa sasakyan inaalam kung para san to, ano to, pano to.. ganun ganun...

tapos ang ate kong excited niyaya ako ng bebe sis ko sa festi... at cyempre excited ako.. payag ako kahit wlang lisensya!! wala kong paki!

Eto ang summary ng aking gala today..

Paranaque --> House --> Festival Mall --> Bahay ni GF --> Walter Mart --> Bahay ni GF --> Sta Rosa --> House... astig..

owel THANK YOU GOD!! MARAMING MARAMING SALAMAT!!!

ngayon... the Best has arrived... I'm expecting for the worst... no more... (for now)

YEAH!!!!!!!



eto po cya...

Comments

Unknown said…
Pag nagpagulonggulong ka baka sobrang gulong mu di ka maabutan, kasi bilog walang kanto bwahahahhaha..... nice car! mayaman ayup!
kukote said…
wow! galing! tara sa tagaytay!!! ;)

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway