Sunday, February 19, 2006

Isang bagsakan...

Friday afternoon, medyo na buburn ako sa kakaisip sa ginagawa ko so tumambay muna ko at nagpahangin sa balcony ng office namin... tinatanaw ang maganda at makulay na sementeryo ng makati...

Tapos bigla nlang pumasok sa isip ko tong situation na to...

May Pari at Madre... devoted sila sa kanilang duty kay god... magkaibigan ung dalawa at matagal ng magkasama sa simbahan.

Tapos nagkaron sila ng mission sa rome, so sumakay sila sa eroplano papuntang rome... tapos nagkaron ng malfunction sa plane then bumagsak ito...

Habang nabagsak, nagtapat yung pari ng love nya sa madre, at yung madre nagtapat din ng kanyang nararamdaman sa pari...

Nagyakap silang dalawa, at nag kiss... ang kanilang first and final kiss...

Then the plane crashes and they died instantly...

Devoted sila as servant of god, but sa final moments nila.. sinuway nila ang vow nila as Pari and Madre...

Sa tingin nyo... san mapupunta yung dalawa? sa Heaven or sa Hell?

Till now medyo nalilito ako sa pwede kong isagot sa sariling gulo na naisip ko...

------------

Bumalik kami sa Euro Star Carnival last friday... at sumakay kami sa iniwan naming ride last time... at ito ang Joker... putek ang saya! nakakatakot ng todo! na weirdohan nga saken mga barkada ko kasi bat daw sigaw pako ng sigaw kahit nakatigl na kami sa taas...

Sorry natakot ako eh.. tsaka medyo mahina ako sa heights.... eh pag tingin ko sa paa ko hala nakabitin kami sa ere!! waaah! sos astig!!! Payong kaibigan, pag kayoy napadpad sa eurostar sa fort... wag kayong aalis ng hindi sinasakyan ang JOKER.

-------------

Naranasan nyo na bang magbago bigla ang tingin sa isang tao dahil sa isang sitwasyon na nangyari sa ibang tao. Though hindi sayo ginawa eh parang nagka idea ka narin? well nangyari saken ito at di ko alam kung anong will ni god sa pagbigay saken ng ganun pagisip pero baka tinatapalan nya lang ng epoxy ang aking kinakalawang na shield at armor.

-------------

Malapit ng matupad ang isa sa aking mga pangarap... malapit na malapit na.... Expecting the worst... hoping for the best!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home