Aliw sa resto

Nakabili ang family namin restaurant sa may Sta Rosa complex mga 2 months ago, smooth sailing naman ang lahat, masaya astig daming pagkain, daming nakain... every morning nadaan muna ko sa resto para mag agahan and mag balot ng pananghalian para sa office, kaya ang pagasang mamayat ay nawala nanaman dahil sa dami ng pagkain... san ka pa? everyday eat all you can. Pero cyempre hindi ko naman nilalamon lahat ng pagkain don, tamang kain na 1 ulam and 1 rice tamang ganun.

Masarap din mag bantay, pag maraming tao tumutulong ako, nag liligpit ako ng mga pinagkainan, nagpupunas ng mesa ek ek ek... nakakapagod talaga, isipin mo pag kalabas mo ng kusina dala ang isang tray ng mga pinagkainan eh meron ka nanaman dadatnan na lilinisin pa... astig dahil maraming nakain... lalo na ngaun at nadagdagan ang reputasyon ng resto. Masarap mag serbidor pero ang pinaka nakakawindang talagang trabaho sa lahat ay ung mag kaha.

Para sa inyong kaalaman ako ay pinanganak na ikinamumuhi ang math, I HATE MATH! taena, tataka nga ako bat ako naging programmer hehehe although madali lang naman mag sukli sukli.. pero pag nagkasunod sunod at dumadami... dito na dumadating ang problema... nalilito nako..
Meron ngang customer na ang bill nya ay worth 46 pesos ata... binigyan nya ako ng 100... so automatic 54 pesos ang sukli.. eh biglang nagbigay ng limang piso... POTEK NALITO AKO! talagang ang tagal ko nag compute hahaha! di nako nakatiis nag calculator nako hahahaha! ayoko kasi mag calculator sa mga ganun kasi pag ako ang customer sa ibang resto pag nag calculator ung kahera eh iniisip ko ang bopols naman sa math.. pero wagka... kala mo kung sino akong magaling sa math..

Masaya sa resto maraming makikitang tao, lalo na mga girls... lintik sa dami ng girls dun na nakain eh matutulala ka nalang talaga eh hahaha! iba ibang klaseng girls, may studyante, factory worker, teachers atbp... aliw din ung mga mag syosyota... meron talagang makikita mo sa isang sulok nag nenecking, nag pepeting talagang PDA ang mga loko. Cyempre ang mga cook namin na nasa loob ng kusina eh makikita mong nag sisilabasan sa kanilang lungga upang umusyoso hahaha.

Astig talaga sa resto kahit na hindi ko nararamdaman gaano ang perang pumapasok dahil dito eh ayos narin dahil nakakalibang at astig na astig mag bantay doon.. lalo na pag nakikita mong madaming tao na nagkakainan, mga nag tatawanan, mga taong nagagalit dahil matagal ung pancit nila... kain kayo sa resto namin minsan! 45 pesos lang ang pancit good for 2 na. hahahaha!

GEH!

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway