Ouch!!

Haaaay nako, nangyari ulet ang napakasakit sa ulo na mangyari... uuwi na kasi dapat ako bat nag Goodah! pa kami sa may Buendia.. hala nalapastangan nanaman tuloy ang aking mahal... Naaksidente nanaman si kotsi.. my my, this is terrible.. hehehe

Ang nangyari kamo, papalabas na kami ng Goodah! after namin kumain ng napakasarap na Pares ay bigla nalang BAM! hala... may naatrasan ako... nagtataka naman ako bat ganun eh wala naman sasakyan dun nung huli kong check sa kalsada.. badtrip talaga!



Ang masama pa dito government vehicle ang naatrasan ko... so medyo kinabahan ko pero mas na nguna talaga ang galit... badtrip at sama ng loob dahil nga wala pang isang buwan nung pinagawa ko ung yupi sa ass ng kotsi.



Sabi nung nakasakay matagal na sila don, kitang kita daw nila na sinususi ko pa ung pinto ng car ko para buksan... sabi ko... Ma'am... may alarm po car ko... naka power locks po ako... di ko po un sinususi... haaaay....



Ang isa pang masama, nag tawag ng kasama yung driver ng van kaya hayun, dumating isang van ng mga lalake, isang tricycle ng mga tanod... tapos may bumaba sa van na lalake, pinagsisigawan kami... talagang tiningnan pa kami mula ulo gang paa tapos nag sisigaw samin.. tapos p0tarages konsehal pala ng isang bayan sa Pasay ang walangya! yung kasama ko hindi na nakapagtimpi, sinagot sagot na yung konsehal... tapos pinansin namin na bat ginagamit yung sasakyan ng gobyerno ng dis oras ng gabi eh hindi naman dapat ginagamit yon... tapos yun nag sisigaw parin kaya sabi ko, wag nalang po tayo dito mag usap, sa presinto nalang para may police report.

Tulad ng lumang kwento... ang mga police na dumating ay sobrang tagal dumating... tapos eto pa ang astig, lasing ang dalawa! nyahahaha! mga gagong yun ang lakas ng amoy eh, hard ang tinitira, nakakatakot buti nalang hindi kami pinagbabaril.

TO make this story short, napunta kami ng presinto at dun nagdaldalan, kinausap ko ng one on one yung konsehal at sinabi sa kanya na mali naman ang ginawa nya na pagsisigawan kami habang pilit namin na nakikipagusap ng maayos, sabi ko bat naman nya kami tinrato na parang walang pinagaralan... hayun... nag sorry, hinimas himas pa kamo ung braso ko habang nag sosorry hehehehe chuding..

Eto pa, pag alis ng van.. ung yupi sa bumper ko biglang bumalik... parang goma.. kaya nawala galit ko... kasi may konting gasgas lang so kahit di ko na pagawa happy nako weeee! owel..

Thanks nga pala sa mga sumoporta saken nung gabi na yun, Marco, Elmer, Hennezy, Boss Clear, Kaibigan nya... at sayang si Francis sana... sayang nalubog sana natin sa lupa yung konsehal.. owel..

Comments

Popular posts from this blog

2 weekz and counting

Kotse lumapit ka saaken!

Skyway Highway