Posts

Showing posts from May, 2005

NBI Clearance Deluxe

Nung May 19, 2005 thursday yon, nagpunta ako sa NBI para kumuha ng clearance ko. So from Bicutan sumakay ako ng van hangang sa NBI main. Pagdating ko sa may NBI main nag tanong agad ako sa nag babantay na "Boss ano po ba ang unang procedure sa pagkuha ng clearance?" ang sagot sakin "Di na dito ang kuhanan, basahin mo yung nakapaskel sa labas" so I learned that the first procedure to acquire a clearance is to read the signs before entering the facility. Wahehe pasensya na nagpapraktis kasi ako mag english eh. So I rode a jeepney bound ko Carriedo NBI though I don't even have a clue where Carriedo is and I'm kinda shy to ask the driver to let me off at NBI carriedo... di ko alam ayoko kasi mapagkamalang aanga anga eh.. so ang ginawa ko tinitingnan ko nalang yung bawat kilos nung kasama ko sa pag sakay ng jeep. Malamang eh alam naman non siguro yung NBI carriedo. Ang masama lang talaga kung nagkakaobserbahan pala kami eh baka mapunta kaming China nyan. So nung ...

I will miss everyone.... sa tagalog.... ewan ko anu bang tagalog ng miss? (binibini)

Ngayon na ang huling araw ko (officially) dito sa Diavox, half day nga ako ngayon eh kasi tinanghali nako ng gising. Hindi kasi ako makatulog kagabi kaiisip ng kung ano ano, yun bang tipong "what is life after diavox?". Feeling ko parang college graduate na tumitingin sa panibagong yugto ng buhay. Sa totoo lang nakakalungkot eh, lalo na ngayon hiring sila tapos ang gaganda ng mga potential new comers. Iniisip ko sayang may makaka daupang palad sana ko na maganda sa opisina... pero naiisip ko rin, may kadaupang palad nga wala namang pera... Naglinis na nga ako ng mesa ko eh, tinapon ko lahat ng kalat sa cubicle ko na matagal tagal naring nakatambak doon. Mga ketchup, plastic na kutsara at tinidor at mga tae tae ng daga. Ang linis na nga eh, nakaka panibago na nakaka ilang... nag hahanap nga ako ng kahon ng lalagyan ng mga gamit eh. Yung kahon na ginagamit sa movies pag nag reresign ang isang empleyado. Basta kung susumahin lahat, ma mimiss ko talaga tong opisina na to lalo na ...

Ang tax

Nagkaswelduhan kahapon, sa ilang taon ko ng pag tatrabaho ngaun lang ako nakatanggap ng sweldo na walang tax, at grabe ang ganda ng itsura ng pay voucher ko. Dahil sa aalis nako ipinayo ng accountant namin na hindi namuna nya ako kakaltasan ngayon para makuha ko na agad ang aking clearance. Bahala na ang QuickTransInc http://www.QuickTransInc.com na ibalik ang tax para sa buwan na ito. Dahil hindi naman ako familiar sa mga accounting tax tax Bir Bir echebureche pumayag ako. So ayun walang kaltas ang sahod, kung baga kita mo yung halaga na pinirma mo sa kontrata, nasa papel at nasa ATM mo. Na realize ko tuloy na parang napakalaking katangahan ang tax na kinakaltas sa ating mga manggagawa, nabasa ko sa dyaryo na inapprove na daw ng LTFRB na magkaroon ng dagdag 2 pesos sa minimum fare sa jeeps. Meaning magiging 7.50 na ang pamasahe. Mabigat na diba? Dati 2 na kayong makakabyahe sa halagang ito, pero ngayon shet pag nakakita ka ng kakilala mo na pasakay sa jeep mag bayad kana agad para h...

Ang gobyerno

Tuwing umaga pag sasakay ako ng bus nabili muna ko ng tabloid na ABANTE, habit ko na to araw araw para ma update ako sa nangyayari sa bansa natin, para hindi ako ma bored at makatulog sa byahe. Ayaw ko kasi ng nakakatulog, lakas ko kasi humilik nakakahiya naman sa ibang byahero. Sa 8 pesos na dyaryo ang babasahin ko lang don ay lahat ng tungkol sa gobyerno, o kaya mga pulis reports. Pinaka favorite ko sa lahat ay ang editorial, lalo na ang column ni Amado Macasaet, Horacio Paredes at Ellen Tordesillas. Hindi sa nagustuhan ko ang column nila dahil sa mga negative na sinasabi nila tungkol sa gobyerno natin ha, nagugustuhan ko ang column nila dahil nalalaman ko ang totoo, at nagkakaron ako ng idea kung anu ba talaga ang nangyayari sa Pilipinas. Si Amado Macasaet, pamilyang magsasaka sila, laki ba sa hirap na nakapagtapos. Madami syang makabuluhang sinasabi tungkol sa Agriculture projects ng bansa at mga posibilidad na hindi ginagawa ng gobyerno ni Arroyo. Nagpapaisip nga tuloy ako kung hi...

Nakakalitong mundo

Isang linggo nalang, 6 na araw mula ngayon ay aalis nako dito sa opisina para harapin ang aking bagong responsibilidad. Medyo problemado kasi ako ngayon dahil sa mga bagay bgay na talaga nga namang nakakapanukso. Dahil sa inaasahan ng aking bagong responsibilidad ang aking buong oras at supporta ay igugugol ko para sa ikauunlad nito, pero ngayon ay pawang may kumakatok na biyaya sa aking pintuan at di ko malaman kung nararapat bang ito ay aking talikuran o ito bay aking susungaban. Mahirap talaga pag sabay sabay kumatok ang pagkakataon. Dito kasi nag sisimula ang salitang "sana" na kung halimbawa ay ginawa ko ito at ang isay hindi dadating ang panahon na sasabihin ko sa sarili ko "sana ginawa ko ito, sana dito ko nag punta" mga ganun bang nakakainis na pangyayari. Nitong nakaraang linggo para kong nag memeditate sa bahay at nagiisip ng malalim kung anu ba talaga ang akin gagawin. Nalilito talaga ko, siguro nga ay nararapat lang na sundin ko nalang ang aking damdami...

Syudad ng katatakutan

Kagabi after mag laro ng Yuri's Revenge sa office nagkayayaan kaming maginuman sa may Overtime para magpalipas ng oras. Kaso mo nga naman pag dating namin don eh wala ng ihaw ihaw, eh yun lang naman ang dahilan kung bakit masarap uminom don, masarap kasi ang pulutan. Ayun wala na linis na ang ihaw ihaw, eh kapapanget naman ng mga waitress don so wala ng ka kwenta kwentang uminom don diba? So habang nag lalakad kami, habang nag iisip kami kung saan kami pwede lumaklak ng mabuting bagay eh naisip nalang na sa may mini-stop nalang kami bumili at tumambay nalang sa labas. So yun nga ang ginawa namin, tig dadalawang latang beer solve na wala kong pera eh napautang pa tuloy ako (na di ko muna babayaran, pag alis ko na siguro.. nyahahahahahaha!) . So habang nag iinom, cyempre nag dadakdakan kami, alangan naman mag inom kami at mag titigan don eh baka magka inlaban pa kami non! Hindi ko lang talaga alam kung papano napunta ang usapan namin sa mga experience ng mga ka opisina ko tungkol sa ...

5:40 na...

5:40 na, natapos ko yung document na ginagwa ko dito sa opisina ng maaga, ngayon kelangan kong sundin yung nasa timeline ko... pero.. 5:40 na talaga.... at eto nakaupo lang ako dito.. at nag e-edit ng blog. ANak ng patolang blog to! nakakaadik! lahat na ata ng pwedeng arte na gusto kong ilagay sa sidebar ilalagay ko eh, kaso pag masyado naman ma garbo eh papanget. Sabi nga nila lahat ng sobra eh nakakasama, ngayon sobrang tamad ko... wala pakong gaanong nagagawa...... 5:40 na. ..... eh uwian ng 6:00.

Ang Ragnarok

Familiar naman siguro ang buong mundo sa Ragnarok online, isa itong Massive Multi Online Role Playing Game (MMORPG).. kung hindi.. wala nakong magagawa sa inyo. Anyway, nag simula ako maglaro netong Ragnarok nato siguro eh mga October 2002, so matagal tagal narin akong nag lalaro, ang load para sa laro na ito eh 100 pesos per week, at sa buong taon na pag lalaro ko eh hindi ako pumapalyang mag load... so nung aking i calculate, pumatak ng mahigit 10,000 pesos na pala ang ginagastos ko sa laro na to. Hindi pa kasama dyan ang mga internet cards, pc rentals at kung anu anu pa. Sus ginoo! nag sisisi tuloy ako at nag compute pako! makakabili na pala sana ko ng bagong Honda Dream, pang down narin to at panghulog ng 3 buwan! ANg ginagastos ko nga naman para malibang.... pero hangang ngayon naglalaro parin ako... isip bata ba? ewan ko lang, puro kalaswaan, katangahan, katarantaduhan ang matututunan mo sa laro na to. Dito rin ako nakakilala ng mga taong gumagastos ng libo libong pera para maka...

Kabatak

Unang una kong post dito sa blog na to, medyo sinipag ba ako ngayon, pero malungkot. Sa dadating na May 16 na kasi ang aking huling araw sa kumpanyang pinag tatrabahuhan ko. Hindi sa nasisante ako, o may ginawa akong kasalanan. Nagkaron kasi ako ng mas magandang opportunity sa ibang lugar. Pwede nyong sabihin, "Oh! eh magandang opportunity naman pala ah! Anu namang katangahan yang pumasok sa isip mot para kang gagong nalulungkot dyan?" sa mga nag isip nito, eh mga mokong pala kayo eh! Tatlong taon na kong nag trabaho don, sabihin nateng umiinit ang ulo ko kada swelduhan kesa sa matuwa, sabihin na nating medyo nag sasawa din ako paminsan minsan sa ginagwa ko. Pero iba parin ang iiwan mo ang mga naging kabatak mo sa tatlong taon na yon. Sabagay sa batch namin dito ako nalang naman ang naiwan, lahat nag si layasan na, mejo kumag kasi ako pag dating sa kaikaibigan eh. Di ko lang mapakita pero sus! Isang rason yan kaya galit na galit ako sa mga Call Center na yan. Isipin mo ba na...