Posts

Showing posts from December, 2005

Search for the star...

Hmmmm... dahil on-leave nako ngayon araw na ito, I can do pretty much anything sa buong araw. Pero hindi ko pwedeng ma waste ang chances na magkaron ng freetime sa pagtulog nalang maghapon... so ang plano ko ay gumala at mag canvass ng aking carlaloo. Cge medyo wasak ang pangako dahil tinanghali ako ng gising kanina, nag celebrate kasi kami ng birthday ni Marco kagabi and talaga nga naman napasarap talaga ko.. ang laki panga ng daliri ko ngayon sa sobrang sarap hahaha. (sa mga hindi nakakagets, may konting allergy ako sa alak na namamaga ang daliri ko pag nasosobrahan ako.. so wag ng magisip ng ano paman... ok) Nagising ako mga 11:30PM na, nagmamadali akong bumangon, takbo sa garahe at nakito nandun pa ang aming toyota high adventure... so ok pa.. hindi umalis si father dear so may magagamit akong panggala... kain ako.. hilamos toothbrush... (oo hindi ako naligo sa sobrang excited)... sakay sa aming sasakyan and off I go in search for the star... Derecho ako sa nagbebenta ng used cars ...

Reunion to da Max!!!

Image
At biglang bumaba ang mga anghel sa langit at itinuloy ang aming reunion... although hindi lahat ng inaasahang makakapunta ay nakapunta, astig parin dahil nagkasama sama parin kaming magkakabarkada and nagdatingan din naman ang mga taong hindi mo talaga inaasahang makapunta kaya astig! Konti lang ang handa namin ng araw na yon. 1. 2 Fundador 2. 25 bottles ng Sanmig Light 3. 4 1.5 liters na softdrinks 4. 3 kilong adobong ribs 5. Sopas 6. Hotdog 7. Siomai 8. Ham 9. Carbonara 10. Fruit Salad 11. Sitsirya (nagaraya, etc) 12. Squidballs 13. Orlians 14. Chicken Balls 15. Kikiam 16. Mango Pineapple Candies Umarkila ako ng videoke machine, cyempre hati hati kami dahil 1,500 ang isang arkilahan ng ganun, so habang hinihintay ang videoke, nag pingpong muna kami. Astig dahil for the first time nakapag doubles kami sa Pingpong, at ang hirap pala ng doubles dahil salitan ang laban.. eh hindi ako sanay! Inaasahan ng lahat na yung barkada namin na si BRIAN ay makaksama namin sa occasion dahil umuwi c...

ang pasko ay sumapit

Unang una, Happy Christmas sa inyong lahat mga barkada kong nagbabasa ng aking munting blog! Malamang nung sabado medyo busy din ang cellphone nyo kakatunog, at kakatanggap ng mga Merry Christmas Messages... astig maka receive nito, ibig sabihin lang talaga naalala ka nilang batiin ng pasko and astig talaga. Nakakatawa rin basahin yung mga messages ng TATAY ng mga inaanak ko.... mga tipong messages na kulang nalang sabihin nilang.. WAG KA TATAKAS KUNDI HAHANTINGIN KA NAMIN!!! Nakakalibang din makatanggap ng messages sa mga taong hindi mo inaasahang magpapadala sayo ng messages. Isa na dito ay ang aking ka versus na si Daisy. Sa mga hindi nakakakilala sa taong ito, cya ang isa sa mga cute ng girls na dumapo sa buhay ko at ginawang mala circus ang pangaraw araw kong buhay sa office. Hindi ko malilimutan tong taong to dahil ang sarap sarap nyang kasama, nakakatawa talaga and take note.. malakas kumain tong bata nato ewan ko lang kung bakit hindi nananaba. Isa cya sa mga taong nag text sak...

Reunion Galore

Dadating na ang christmas and eto nanaman kaming magkakabarkada, nag paplano nanaman ng aming reunion.... teka hmm... kelan ba natuloy ang mga planadong reunion??... wala ko maalala eh... parang pagpinaguusapan eh pag tagal ang usapan ay nauuwi sa mga dating pagibig.. bat ganon??? kahit saang pagpaplano doon nauuwi? astig pero grabe.... hahaha may nalalala ako! Anyway... i edit ko nalang tong post na to pag natuloy na ang aming reunion or kung ano man ang plans namin.. kasi kanina nag daladlan ang napagusapan lang ay tungkol sa kamanyakan ni Brian eh.. hahahaha!!! ASTEG!

Pensieve...

Kung napanood nyo, or nabasa ang Harry Potter malamang ay familiar kayo sa Pensieve... ito ay yung parang bowl na pinaglalagyan ng mga memories ni Dumbledore para hindi nya ito malimutan... or para hindi nya ito laging bitbit.. para sakin tong blog na to ay parang pensieve din.. tambakan nga mga memories na ayaw kong makalimutan... or gusto kong iluwal sa aking isip para gumaan naman ang pakiramdam ko... ang kaso nga lang naman... tong pensieve kong ito ay accesible ng maraming tao.. oks lang dahil di ko naman kilala yung ibang napapadpad dito eh.. so anyway... mag kwento lang ako sa aking blog. Kanina after ng christmas party ng DiaVox sa I.O. kung saan kasama parin ako, mga 2:00 AM natapos yun eh.. at dahil medyo natatamad pa kami umuwi ni Francis, we decided na ituloy ang inuman namin sa gilligans sa may glorietta. So from Jupiter, naglakad kami sa may Makati Ave. hangang Glorietta... hindi pala biro na lakaran ang ginawa namin dahil ang layo.. astig dahil first time ko nalakad ang ...

Something Undefined...

Something Undefined III Unmasking… Once again I suffer… History repeats itself… I look up into the vast sky… I ask god if this is supposed to happen… If this is his will… so be it… I unsheathed my sword… as I face my invader… With all the strength I gave it my final slash… Unmasking the truth as I ran the sword through its body… And what I’ve seen surprised me the most… Once more I nearly become a victim of this false emotion… To think that I nearly left my goddess undefended… And though it hurts I need to learn its color… Accept the fact that nothing from it is best… I became a victim of my own stupidity… Like a blunt sword in the middle of a battle field… This is a test… I knew it… from god… He wants me to realize it for my self… The goddess that I searched for… The goddess I need to keep… For she saw me like no one else has been... Though she sometimes act strange… I nearly forget the fact, the reason that I found her… I nearly forget why she’s unique from all the rest… My goddess i...

Falling and falling more - by Markus

Character 1: Tigilan na natin 'to. Nagsisimula pa lang tayo, I somehow know it's never going to work out. It's the world against us, can't you see? We'll just end up hurting each other more. Character 2: But... Character 1: Langit ka, lupa ako. You can never come down and I can never go up. Character 2: Tell it to the falling stars. Nabasa ko ito sa post ni Markus sa Barkada Blog namin nagandahan ako, tama nga naman... kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan... di ko lam kung tama interpretation ko pero parang ganun hehe

Adsense

... nag apply ako ng google adsense para magkadatung naman ang blog na to... at anong nangyari? WALA! DENIED ANG ANAK NG PATENG! ang rason! DI DAW SUPPORTED ANG LENGWAHE NA GINAGAMIT KO! nakanamputik naman oh! Adsense nonsense! palamuti na sana sa blog naging bato pa! Maybe I should continue posting in english.. but how can I express myself freely? Owel thats life.. adsense nonsense!

Crazy

Naisipan kong mag post after kong mabasa ang post ni Francis nakalagay dun sa "ugly" part na gusto nyang sumigaw... eto lang pare, pareho tayo ng nararamdaman, pag nagkaron nako ng car punta tayo ng tagaytay at dun natin isigaw ang lahat ng gusto natin isigaw ng todo todo, walang pakialamanan basta sigaw lang. ilabas lahat ng frustrations sa buhay sa sigaw. magwala tayo don ng todo... ilipat natin sa hangin ang ating saloobin.

Petiks mode

Isang uber petiks na araw sa office.... biglang binulaga ako ni Brian ng tula... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo.. b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo ay isang batang mataba... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): pundyo ay mababa... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): siya ay mahilig kumain, b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): pede rin syang ihain... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): sweet kung magmahal, b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): nagbibigay ng teddy bear na pagkamahal mahal.. b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): dating may motor, b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): marami ding rumor... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): kain tulog ang paborito.. b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): lalo na kung manok na pinirito... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): si benjo.... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): isa sa mga anak ni mang Banta, b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): sya lang ang pinaka maanta... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): isang lalaki sa 3 magkakakpatid, b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): kaya sya ay laging napapatid... b_r_1_a_n_23 (2:40:17 PM): s...

sari sari

Maraming kakaibang nangyari sa buhay ko ngayong linggong ito, maraming bagay na iniisip... sa dami ng aking iniisip medyo na apektohan ang trabaho... alam naman natin na ang trabaho ko bilang isang taong dumudutdot sa kompyuter ay kelangan ang isip para maayos ang trabaho.. pero kung ang utak mo ay windang... siguradong mag kakaproblema ka.. sa ibaba makikita nyo ang manika na bigay ko kay gf nung anniv namin.. nakatatak na yan sa utak ko ngayon.. nakalagay sa memorya ko ang moment na yon.. ibinigay ko ang manika at nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.. masaya astig talaga.. matapos ang gabi na yon.. simpleng gabi ng pag bibigay ng regalo... parang nabawasan ako ng konting problema... nabawasan ako ng iniisip... pero hindi papala tapos ang lahat. Badtrip talaga bat lagi nalang ganito ang post ko! wala na ba akong post ngayon na masaya? puro kadramahan nalang ba ang naisusulat ko ngayon.. sige ibahin ko nalang ang usapan.. Isa pang iniisip ko ay ang pagtupad ng aking isang pangarap.....

Astig

Image
Umuwi ako kahapon ng maaga dahil b-day and anniv namin ni GF, dumaan ako sa mall para maghanap ng gift.. ang nasaisip ko talaga na gift ay higanteng stuff toy... para malala nya ko lagi.. diba magkamukha? pareho kaming cute hehehe. "kapaaaal!" Tas ginawan ko naman cya ng poem, enclosed sa binili kong card... nakakatuwa nung binili ko yung bear kasi yung mga sales lady kinikilig. Pag dating sa counter yung girl na bagger eh niyayakap naman yung bear.. astig.. ang sarap maging bear. Pag sakay ko sa Bus parang may artistang sumakay dahil halos lahat tumingin saken dahil sa bitbit ko, tas dahil di kami kasya pag kinalong ko cya.. ibinayad ko pa cya sa bus. Pag uwe, drive papuntang Calamba, pakantakanta pa nung nakarating ako... aba tulog na. Ginising pa sya at cyempre di ko muna ibinaba sa bear.. kuwari wala akong bitbit, yung card itinago ko sa binti ko..inipit ko dun habang nakaupo ako... so dating na cya chikahan ng konti tapos sabi ko wait lang may ayusin lang ako saglit sa c...